Chapter One

11 2 0
                                    

HANNICKA

It was summer!

And for the first time in my life my parent' s sent me in a place were I did not belong. Actually, we have a house here. But God, this is rural area. Malayo sa kabihasnan, malayo sa kaibigan. Anong iniexpect nila na gawin ko dito? Magtanim ng mga gulay at bulaklak? Duh wala kaya sa vocabulary ko ang mga ganyan.
"Hannicka pasok na tayo sa loob", aya sa kanya ni Auring ang kanyang yaya. Tumango siya dito at nauna ng maglakad papasok sa isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Ipinamana ito sa kanya ng yumaong lolo at lola dahil nag-iisa lamang siyang apo sa side ng mommy niya. Ayun sa mommy niya, mahigit apat na dekada na ang lumipas nang itayo ang bahay na ito. Mayroong caretaker ang bahay si Mang Temio kaya siguro na preserve at maganda parin.

Pagpasok niya sa loob ay agad niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito. Puti ang pintura nito sa loob. Yung hagdan at sahig ay napakakintab. Sa pinaka sentro ng bahay ay makikita ang isang nakasabit na malaking litrato ng tatlong tao. Ito ay yung lolo, lola, at mommy niya.
"Hannicka umakyat muna tayo sa taas dahil ituturo sa atin ni Temio ang magiging silid mo", wika ni Auring kasama nito ang isang matandang lalaki na nagngangalang Temio na buhat- buhat ang kanyang maleta.
"Let's go!"
Sumunod siya sa mga ito. Nang makarating sila ay agad na namangha si Hannicka sa kanyang nakita. Maraming painting kasi ng mga kilalang pintor ang nakasabit. Naroon ang "Mona Lisa", ni Leonardo da Vinci, "Spolarium", ni Juan Luna at marami pang mga painting na talagang magaganda.
"Ma'am dito po yung kwarto niyo.", wika sa kanya ni Temio at binuksan ang kwarto para ipasok ang kanyang mga gamit at si Auring naman ay nakadunod dito.
"Mang Temio..just call me Hannicka nalang forget the ma'am.", aniya dito.
Nasanay na kasi siyang lahat ng malalapit na kakilala at mga kaibigan niya Hannicka ang tawag even her parent's. Pero pag nagalit ang mommy niya grasya ang tawag sa kanya, which is masakit pakinggan sa tainga.
Tumango lang ito. "Maiwan ko na muna kayo Ma'a-- Hannicka at Auring may gagawin pa kasi ako sa baba.".
"O segi..", tugon dito ni Auring.
Humiga siya sa isang queen size na kama at pinikit ang mga mata. It's a long and tiring day afterall. Ang haba kasi ng biyahe mula Maynila papunta dito.
"Hannicka baba muna ako para maghanda ng hapunan. Ayaw mo bang mag meryenda muna ipaghahanda kita?", wika sa kanya ni Auring. Tapos na pala nitong ilagay ang mga dala niyang gamit sa cabinet.
"Hindi na po Yaya. Magpapahinga nalang muna ako.", pumikit na siya at hindi na namalayang nakatulog.

Nagising si Hannicka mula sa pagkakatulog ng mahimbing dahil sa ingay na nagmumula sa bintana na pata bang pinipilit itong buksan. Agad siyang tumayo para tingnan kung mayroong tao pero ng papalapit na siya ay nawala na yung tunog. Kaya minabuti niya nalang na pabayaan ito. Nakakadalawang hakbang palang siya ng tumunog nanaman kaya dali-dali niyang binuksan ang bintana. Nagimbal siya sa kanyang nabuksan. Isang lalaking duguan, puro pasa ang mukha, at hinang-hina ang kanyang nakita. Yumakap sa kanya agad ang lalaki na siyang ikinabigla niya kaya mabilis siyang napaatras ngunit ang masaklap kasama ang lalaki na wala ng malay. Seconds passed, bago narealize ni Hannicka na ang awkward na ng scene. Kaya buong-lakas niyang itinulak ang lalaki mula sa pagkakadagan sa kanya pero dahil mas doble ang laki nito kaysa sa kanya ay hindi niya kinaya. Oh! My what should I do? Aniya sa isipan. Naisip nalang niyang humingi ng tulong. Nakailang sigaw na si Hannicka bago dumating ang kanyang yaya at si Temio.
"Dios ko bata ka anu yang ginagawa mo..", nag-aalalang wika sa kanya ni Auring. Agad naman siyang tinulungan ng mga ito na makaalis mula sa pagkakadagan sa kanya ng lalaki.
"Yaya it's not what you mean!", paliwanag niya dito.
Pinagtulungan nilang ihiga ang lalaki sa kama at napatakip nalang ng baba ang kanyang yaya sa nakita. Hindi lang pala pasa mayroon ang lalaki marami rin pala itong gasgas sa paa at braso maging ang damit nito ay sira-sira na rin.
"Ano kayang nangyari sa kanya?", aniya.
"Sa palagay ko ay nabiktima siya ng hold-up. Uso kasi iyon dito ngayon. At sa hitsura niya pa lang halata ng may sinabi sa buhay.'', tugon sa kanya ni Mang Temio.
He has a point. Halata naman kasi na anak mayaman. Despite of his bruises ay makikita parin ang maputi at makinis nitong kutis.
"Dito na muna kayo at ako'y bababa muna kukuha lang ako ng maligamgam na tubig at first aid kit", wika ng kanyang Yaya Auring at tuluyan na itong umalis.
Tahimik lang sila ni Mang Temio sa loob ng kwarto at binabantayan ang banayad na paghinga nito. Hanggang sa makabalik na nga si Yaya Auring na may dalang palanggana na may tubig at towel at first aid kit. Sinimulan nila agad na linisin ang parte ng katawan nito na may pasa at galos. Pagkatapos ay nilagyan niya ng betadine ang mga sugat nito.
"Yaya at Mang Temio. Salamat po sa tulong.."
"Walang anuman..", sagot ni Mang Temio.
"Yaya dito nalang ako matutulog. Lalagyan ko nalang ho ng unan sa gitna ng kama".
"O segi basta pag may kailangan ka nandiyan lang ako sa kabilang kwarto", tugon ng yaya niya at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.
Nilock na niya ang pinto at nagsimula na ring mahiga sa kanang bahagi ng kama. "Hayy! kawawa ka naman.", wika niya sa lalaking walang malay at kinumutan ito. Nang nakahiga ay nakaramdam siya ng gutom. Hindi pa pala siya nakapaghapunan kaya napagpasyahan nalang niyang bumaba na muna para maghapunan.

ANDREI

FUCK! where I am?. Nalilitong napasabunot nalang sa kanyang buhok si Andrei ng maalala kung anu ang nangyari kanina. He clenched his feist, they will pay for this, for doing this to me. Sinipat niyang mabuti ang mga galos at pasa na natamo niya. Nagamot na pala ang mga ito. Damn, mura niya sa isipan. Bawas pogi points to. Mabuti nalang at hindi napuruhan ang precious face ko kung hindi yari talaga sila sa akin. He is about to stand from bed when he realized na merong paa na nakadagan sa kanya. A girl's leg? "What the hell!", sambit niya ta agad na tumayo mula sa kama.
Gumalaw-galaw yung babae pero hindi naman ito nagising. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatabunan ito ng kanyang blonde hair. Out of curiousity nilapitan niya ang babaeng nakahiga sa kama para hawiin ang buhok nito na nakatabing sa mukha. And he was stunned when he saw her face. Kahit lampshade lang sa bedside table ang tanging ilaw sa kwarto ay kitang-kita parin ang mala-anghel nitong mukha. He can't take his eyes with her. For the first time in his life kasi ay humanga siya sa isang babae well expect from his mom. He already met a lot of girls, but this one is unique, and he think their is something special with this girl. Fuck! what I am thinking. Humiga nalang ulet siya sa kama but this time ay malayo na dun sa babae. Mahirap na kasi at baka makagawa siya ng katarantaduhan. A few minutes later ay nakatulog na ulet si Andrei.

HANNICKA


Nagising si Hannicka sa tilaok ng mga manok at huni ng mga ibon. Pagmulat niya ay napakurap-kurap siya dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Ganito pala pag-umaga dito? instead na magising siya sa alarm clock o bunganga ng mommy niya siya ay nagising sa mga tilaok ng mga manok at huni ng mga ibon. Nice! but wait..lumaki ata yung unan na inaakap niya? no it's a comforter with? umupo siya sa kama at tinusok-tusok yung comforter.
"Stop it..", mahinang suway ng lalaki na nakabalot ng comforter sa kanya. Pero hindi siya tumigil. Tinusok-tusok niya parin ito. Kaya bumalikwas ito paharap sa kanya at tumambad sa kanya ang gwapo nitong mukha. Hazel nut ang kulay ang almond shape eyes nito, he had a great nose and lips na wari'y ipininta ng isang napakagaling na pintor. Itim ang kulay ng buhok nito pero mayroong highlights na golden brown.
"You know what?", he glanced at her. She felt nervous when he heard his voice. Para bang galit na nagpipigil na ewan mga lalaki talaga anong bang masama sa ginawa niya. Inilapit nito ang mukha niya sa mukha niya kaya umusod siya pero inilapit parin nito yung mukha niya sa mukha niya at nakailang usog pa siya bago ito tumigil at pumalatak ng tawa.
"Your drooling..", sabi nito habang sapo ang tiyan at patuly parin ang pagtawa. Sinamaan niya ito ng tingin. Kaya huminto ito sa pagtawa. Pero bakit ganun mas gusto ko ulet marinig yung tawa niya.
"Okey..okey just kidding ..", sabi nito at tumigil na sa pagtawa pero ngumingiti-ngiti parin.
"Instead of laughing at me. Mag thank you ka nalang kaya sa pagtulong ko sayo!", aniya in sarcastic tone.
"Wow engleserang probinsiyana.."
"So?", taas noo niyang sagot dito.
"O edi thank you..", wika nito na hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi. Hinigpitan niya ang hawak sa unan at walang anu-ano na hinampas ito dito. Ngunit mabilis nitong nasangga ang unan ng kanyang kaliwang braso.
"Aray! ang sadista mo.", anito na hinihipan ang nasaktang galos sa braso. Agad siyang nataranta ng makitang dumugo ito. Sariwa pa pala yung mga sugat nito. Ang tanga niya talaga.
"I'm sorry!", hinging paumanhin niya dito. Kinuha niya agad ang first aid kit na dinala ng kanyang Yaya Auring kagabe na naka patong sa bedside table.
"Umusog ka dito ng konti at gagamutin ko", aniya dito.
Sumunod naman ito. Di parin pala tumitigil yung pagdugo ng sugat sa braso niya.
"Aray! tigil mo na yan ang sakit!", reklamo nito.
"Hindi pwedi kailangan gamutin to."
"Kiss nala okey na yan", anito saka ngumiti. Sinamaan niya ulet ito ng tingin pero as always ngiti lang ang isinukli nito sa kanya.
"Gusto mi i-kiss?", tanong niya dito habang dinidiin sa sugat nito ang cotton na hawak niya.
"Ye-yeah aray! teka dahan-dahan lang.."
"O eto..", kinuha niya ang kamay nito at pinahawakan ang cotton.
"Yan ang i-kiss mo", aniya at tumayo para lumabas ng kwarto. Pagod na talaga siyang makisakay sa kakulitan nito. Ayoko na pala ng mga makukulet na tao.
"Wait a seconds Miss---Miss Probinsiyanang nurse..", tawag nito sa kanya. Huminto siya saglit pero nagpatuloy naman agad siya sa paglalakad.
"Your wish is my command!", narinig niya pang wika nito bago tuluyang isinara ang pinto.
"Tss..annoying jerk!", naisaloob nalang niya at bumaba na ng hagdan. Napailing-iling nalang siya ng may bigla siyang naalala na isang pangyayari mula sa nakaraan.
"No! this can't be..hindi pweding magkatotoo iyun. Hindi ako naniniwala sa mga ganun..", mahinang wika niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Handsome IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon