News: International

581 16 0
                                    

COMING OUT IN A BOOK

By: maryblood

 

"I was deeply in love with Sandra in a way I'd never experienced before."

- Patricia Velasquez, in Straight Walk: A Supermodel’s Journey to Finding her Truth (February 2015)

Si Patricia ay isang Latina na galing sa family ng mahirap. Nag-pursige siya sa buhay para mataggumpay niyang magawang makapasok sa fashion world. Marami siyang paghihirap na pinagdaanan: ginutom niya ang sarili sa pamamagitan ng pagkain ng chicken at tomato juice lang palagi para mapanatili ang kanyang figure, naranasan niya ang magpa-breast implant, at ang pinakamatindi sa lahat ay ang pagpayag niyang maging parang prostitute sa isang matandang lalake para lang may matirhan siyang appartment at masustentuhan ang kanyang cosmetic surgery.

Nagsimula siya sa pagtupad ng kanyang pangarap nang siya ay teenager pa. Na-discover siya ng isang local hairdresser at inilaban siya nito sa Miss Venezuela pageant noong 1989. Second place ang nakuha niyang award dito. Sunud-sunod na ang success na pinagdaanan niya. Successful siya sa kahit anong career na tahakin niya, maging bilang isang model, actress, film director o published author man.

Ang maintrigang pagganap niya bilang “Karina,” aka Jenny Schecter’s Marina character sa Les Girls ay isang pahapyaw na senyales ng kanyang tunay na gender.

Marami din siyang nakarelasyon na lalake, bukod sa old man na nasabi kanina. May isa pang musician na nagngangalang Ernesto ang sinasabi niyang naging boyfriend niya raw.

Pero sabi niya sa kanyang book, nagbago ang buhay niya ng makilala niya si Sandra Bernhard, isang comedian, actress at published author. Nagkakilala sila sa backstage ng isang fashion show. Agad namang na-inlove si Patricia kay Sandra. Pero sinigurado muna niya ang kanyang katauhan. Sinubukan niyang makipag-siping sa isang photographer. Itinanggi niya ang kanyang pagiging lesbian sa kanyang sarili pero sa una lang iyon.

Maraming intriga ang mayroon kay Sandra. Mayroon silang clique na tinatawag kung saan kasama si Madonna, party girl Ingrid Casares at ang isang may-ari ng nightclub na si Chris Paciello (convicted of murder noong 2000). Dalawang taon na iniyakan ni Patricia ang issue na ito.

Sa kabila ng lahat, nalampasan ni Patricia ang pagsubok ng kanyang love para kay Sandra. February 2015, ito ang publishing date ng kanyang autobiography na pinamagatang Straight Walk: A Supermodel’s Journey to Finding her Truth.

Idinaan niya sa book ang kanyang paglaladlad dahil sobrang dami pa rin ng prejudice na natitira sa Latin community.

 

Kahit isang lesbian, may tulong siyang naibabahagi para sa mga Latin Americans. Natagpuan niya ang  Wayúu Taya Foundation. Ito ang mission ng nasabing foundation: a nonprofit organization dedicated to educating the public and funding ways to improve conditions of Latin American indigenous groups, respecting their culture and belief. Nagawa pa niyang lumaban sa isang television show na "Celebrity Apprentice" on behalf sa kanyang foundation noong 2012.

Isang inspiration ang katulad ni Patricia  para sa mga kabataang lesbian. Masipag at mapursige sa buhay. Dapat siyang tularan. At sa kabila ng pagkakaroon niya ng beauty, popularity and richness, humble pa rin siyang tao. Mayroon siyang concern sa kapwa niya at nagtayo pa ng foundation para makatulong sa kanila.

Sources:

www.afterellen.com

www.patriciavelasquez.com

www.wayuutaya.org

Bahaghari MAG | Mar 2015 | Issue 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon