Lifestyle: Lifehacks

476 15 0
                                    

TIPS FOR COMING OUT OF THE CLOSET

 

By: skyflakess

 

 

Question:

Paano po ako laladlad?

Answer:

-Just be YOURSELF

-Be productive, in short huwag tamad  

***

Pero ang totoo wala namang requirements yan, Ang mahalaga dyan yung pagiging TOTOO mo sa sarili mo at sa ibang tao. Kung natatakot ka pa magladlad ngayon, ang advice ko sa’yo huwag mo muna gawin. Let the time do its MAGIC para makapagladlad ka. Remember, hindi ito sakit na nakakahawa. Isa itong pagpapakatotoo sa sarili mo at sa ibang tao. Walang masama sa pagiging IBA. Masama lang ito kapag may inaapakan ka nang tao. Tandaan mo, hangga’t wala kang inaapakan na tao walang masama sa ginagawa mo.

***

Tapatan na tayo guys, hindi lahat ng magulang ay suportado or tanggap ang ganitong kasarian. Pero guys, tatandaan n’yo nasa sa’tin yung way para matanggap nila tayo.

1.    Unang una sa lahat, huwag na huwag magrerebelde sa magulang. Oo, hindi nila tanggap pero eventually matatanggap nila tayo. Wait ka lang, tandaan mo rin walang magulang na hindi mahal ang anak.

2.    Pangalawa, huwag puro pasarap sa buhay. Sabi ko nga BEPRODUCTIVE. Kung student ka pa lang, galingan sa school, kung kaya maging top gawin mo, yan ang pinakabest na gawin mo. Kung hindi kaya maging top, OK lang, ang mahalaga makatapos ka. Gawin mo silang proud sa’yo. Kung may work ka na, suportahan mo, mag-abot ka, hindi ko sinabi na lahat iaabot mo pero paramdam mo na kaya ka nagtatrabaho para hindi ka maging pabigat sa kanila. Pero huwag na huwag mong ipagyayabang na kumikita ka na. Kung wala kang work, hindi ka nag-aaral, in short tambay ka, huwag ka na magpakapasaway pa. Huwag kang pasarap sa buhay, maraming paraan para maging productive ka. Gumawa ng gawaing bahay, kapag inuutusan sumunod po. Para sa lahat, student, nagwowork or tambay, huwag maging pasaway. Let them feel na masaya ka sa kung ano ka. Paramdam mo na kahit ganyan ka may silbi ka sa buhay. OK?

Kaya lang naman hidi nila tayo matanggap kasi ang tingin nila wala tayong silbi sa mundong ito. Give them the reason para matanggap ka. 

-Sorry sa mga maooffend pero yan po ang katotohanan. ‘Yan ang realidad ng buhay. 

Bahaghari MAG | Mar 2015 | Issue 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon