Features: Book Review

655 16 3
                                    

GxG ONE SHOT STORIES

By: maryblood

 

Love of my Life by letmebed1

 

Dahil nga mabagal ang net namin sa boarding house (in-announce ko pa talaga.. hehe..), naghanap ako ng one-shot story. At ang masugid na reader na si H-y Hunter ay nag-recommend ng book na ito, Love of my Life.

 

Ang author ng story na ito ay walang iba kung hindi ang author din ng Ms. Playboy na may 2 million mahigit na reads na, Forbidden Flower at ng sequel na Flares of Dawn. Two years na siyang member ng Wattpad. Siya ay walang iba kung hindi si letmebed1, ang author na may tumataginting na 7.4K followers. Sinulat ang nasabing story nang halos two years na ang lumipas, noong May 9, 2013. Sakto kasi, ka-birthday ng ninang kong butch ang birth ng story na ito. As of February 28, 2015, may 20,797 reads, 330 votes and 67 comments ito.

Sa 67 comments, marami talaga ang nagagandahan sa story na ito kahit maikli lang. May ilang readers na pareho ng sitwasyon ng love story ng characters kaya lang ay ang kanya ay hindi nagtapos nang kagaya nang sa kanila. Isa sa mga comment ay nanggaling din sa mismong nag-recommend sa akin ng story na ito. (Ayan, double exposure ka na, Hunter. Wahahaha..):

  “langyang kwento yan. gundaaaah! bah yan bitin haha!”

-H-y Hunter

Ang kwento ay simple lang, isang cliché tungkol sa isang girl na na-inlove sa kanyang bestfriend. Ang kaibahan nga lang, babae din ang bestfriend niya. Si Lian, since second year highschool hanggang third year college ay may gusto pa rin siya sa bestfriend n’yang si Stacey. Kaya lang ang outer conflict na pinagdadaanan ni Lian dito ay may boyfriend si Stacey.

So, simulan na natin ang review. Since, ang theme ng magazine ay coming out of the closet, magpo-focus ako sa part ng story kung saan nagkaroon ng coming out. Hindi ni-mention kung alam na ng magulang ni Lian ang tunay n’yang gender bilang bifemale.  Ang pinaka-coming out na eksena rito ay nang umamin s’ya sa bestfriend niyang si Stacey na may gusto s’ya rito since second year highschool pa lang sila. Almost six years ang tiniis ni Lian  para maitago ang kanyang nararamdaman para kay Stacey. Ayaw n’ya kasing masira ang kanilang friendship. Dumating pa nga sa point na no’ng nalaman n’yang may boyfriend si Stacey ay lumayo s’ya. Pero, nagbago ang lahat nang matulog si Stacey sa place ni Lian. Dito na lumabas ang kapilyahan ni Lian, gumawa pa s’ya ng milagro sa sarili n’ya! Warning: SPG!

Normal naman sa mag-bestfriend ang isipin ang kapakanan ng kanilang friendship. Ayaw syempre nila na masira ang kanilang friendship dahil sa na-fall ang isa sa kanila. Sa situation kasi ni Lian, hindi lang ang pagiging mag-bestfriend nila ni Stacey ang problema n’ya kun’di pati ang gender n’ya. Baka hindi matanggap ni Stacey ang gender n’ya. Eighty-one percent ng population sa Pilipinas ay Catholic. And hindi lingid sa kaalam ng lahat na ang same sex relationship ay hindi tanggap sa religion na ito. Oo nga, hindi nasabi ang religion nilang dalawa. Pero I think kasi, nasa mind set na rin ng Pilipino na ang pagiging LGBT ay kasalanan sa Diyos. So, posibleng naapektuhan ng society ang view ni Stacey sa LGBT. Ito ang isa pang kinatatakutan ni Lian.

Kahit sa six years na paghihirap ni Lian, nagtapos din ito dahil naggawa n’ya ring i-come out ang kanyang nararamdaman para kay Stacey.

Para sakin ang aral ng story na ito ay h’wag kang matakot i-come out sa taong mahal mo na mahal mo s’ya kahit pareho man kayong babae. Hindi ‘yon excuse. Drama mo! Dami nang same sex relationship sa  Pilipinas kahit me’ron mang KJ na against. Pakiramdaman mo rin kung anong kinikilos n’ya. H’wag kang maging manhid! H’wag ka gumaya kay Lian na naghintay ng six years?! Susme! Kesyo bestfriend o simpleng friend mo lang ang taong mahal mo, well, dapat obserbahan mo s’ya, baka may gusto rin s’ya sa’yo. Tingnan mo kung may chance ka. Then, make a move.

Gusto kong i-recommend ang story na ito sa mga hindi pa nakakabasa. Tatlong punto ang masasabi ko sa story na ito: simple, pilya at may aral. So, kung gusto mong malaman kung magkakatuluyan sina Lian at Stacey, basahin mo na. Enjoy!

**********

 

Je Fais (I do) by  ArtCastelo_

ArtCastelo_, yes, isa siya sa WeAreLegion_1011, isang head ng Bahaghari ng Magazine na ito. Ang artist ng mga nakalipas na magazine cover. Two years na s’yang member ng Wattpad at may 2.1K followers. Isa siyang registered nurse, an artist with ravaging passion and a writer by procrastination. May 6 published works s’ya sa Wattpad: Come Back to Me (GirlxGirl), Bakit Naging Tayo?, Bakit Tayo Nagbreak?, Nakakatuwa ka Talaga, Dear Terd and ang one shot na Je Fais (I do).

Ang Je Fais (I do) ay na-publish sa Wattpad last May 9, 2014. Pansin n’yo ulit ‘yong similarity? Birthday ulit ng ninang kong butch ito. As of February 28, 2015, may 2,276 reads, 85 votes and 24 comments ito.

The following are the several comments for the said story:

“after reading your story.. i realized that yeah it's still her after all these years and no matter how i deny it it's still her and only her that could have my heart :)”  

-          roadtrip08

“This just proves that love gives people hope in the mere future. Cliche it may sounds but I think people who are in love will agree with me. Even if you came face to face with the future, you'd rather stay with what makes you happy. Great piece, Miss Art.”

-          Psychonic

Bigyan ko kayo ng clue sa story. Si Adi Lopez ay isang butch at nagpa-practice ng kanyang line para sa kanyang wedding ceremony with her fiancée na si Sabrina. Out of the bloom, ay binisita s’ya ng kanyang future self para bigyan s’ya ng warning na h’wag na ituloy ang kasal n’ya. The challenge here is, itutuloy pa kaya ni Adi ang pakikipagkasal sa kanyang fiancée pagkatapos n’yang malaman ang pagpipigil sa kanya ng future self n’ya?

Obviously, si Adi ay isa ng out of the closet na butch. Nakasuporta pa nga ang daddy n’ya sa pag-attend nito ng kasal n’ya. Nakakatuwa ang part na baliwala sa kanya kung ano mang views me’ron ang society sa LGBT, basta s’ya ay magpapakasal, tapos.

Sa style of writing ni Art, may tatlong punto ako: nakaka-surprise, nakaka-excite, nakaka-curious ang story na ito. Bale, ganito mismo ang sequence ng emotions no’ng binabasa ko ‘yong story n’ya. So, kung hindi mo pa nababasa ang story na ‘to at gusto mong malaman kung ano ang me’ron sa tatlong punto na ‘yan, basahin mo ‘yong mismong story. Feel what I felt. Mararamdaman mo talaga ang feelings ng character, tipong iisipin mo na ikaw talaga ‘yong nasa situation na ‘yon. Saka ang theme, masasabi kong malalim na talaga ang pinagdaanan n’ya sa pakikipag-relasyon. At maraming nakaka-relate sa story n’ya. Makikita naman sa mga comments sa itaas, ang hahaba ng comments nila, infairness, pinag-isipan talaga.

Kaya ano pang hinihintay mo? Basahin na ang Je Fais (I do). At kung nabasa mo na ito, recommend to your friends.

Bahaghari MAG | Mar 2015 | Issue 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon