Ikalabing-isang Buwan

34 1 0
                                    

Unang una, sa bawat letra at salita
Ay aking ilalaan at ipapadama
Para sa mga kaibigan na nakilala
Na araw araw nagpapasaya sa bawat isa

Pangalawa, nais kong sabihin sakanila
Na lubha akong naging masaya
Mula ng kami’y pinagtagpo ng tadhana
Buhay ay punong puno ng ligaya

Pangatlo, sa bawat araw na dumaraan
Bawat araw na tayo’y nagkakakilanlan
Ni minsan hindi kayo nawala sa isipan
At mananatili sa puso kailanman

Pang-apat, mga minamahal kong kaibigan
Palagi niyong pakakatandaan
Sa kasiyahan man o kalungkutan
Ako’y inyong magiging takbuhan at sandigan

Panlima, sa bawat pagsubok na inyong pinagdaraanan
Bawat hakbang na inyong susubukan
Ito’y inyong mabuting pag-isipan
Dahil ito’y makakaapekto sa inyong kinabukasan

Pang-anim, sino nga bang mag-aakala
Na ako’y makakagawa ng mga tula
Sa mga salitang naiisip sa simula
Kayo ang gusto kong unang makabasa

Pampito, maraming salamat sa inyong lahat
Dahil bawat tulang nais lagyan ng pamagat
Isa kayo sa mga dahilan ng mga salitang naisusulat
Nang isang tulad ko na hindi naman manunulat

Pangwalo, nais ko lamang sambitin
Na kasama kayo palagi sa aking panalangin
Hindi sana kayo maging sakitin
At nawa’y kayo’y Kanya pang palakasin

Pansiyam, mahal na mahal ko kayo
Kahit walang matira sa aking pagkatao
Pagmamahal na hindi mahihinto
Kahit magunaw man itong mundo

Pansampu, umabot na ko ng ikasampu
Malapit na itong umabot sa dulo
Sana nagustuhan niyo kahit papaano
Dahil ito’y para talaga sa inyo

Panlabing-isa, bilang ng buwan ng ating pagkakaibigan
Mula sa unang araw ng ating pagkakakilanlan
Buhay na mas lalong naging makabuluhan
Maraming salamat at mahal na mahal kita, aking kaibigan

Tula Para sa KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon