Features: Movie and Series Review

428 13 0
                                    

MY TOP 5 COMING OUT FAVORITE STORIES

By: lady_phoenix16

Sabi nga nila, love sees no gender. At first, ilang din talaga akong manood ng mga series and movies about LGBTs. Masyado pa kasi akong conservative noon at dahil hindi pa naman lubos na tanggap ang homosexuality sa society eh isa rin ako sa mga hindi tipo ang ganitong klase ng mga stories. Pero nang magtrabaho ako sa company noon na puro babae ang employee, namulat ako. At dala ng curiosity ay naghanap ako ng ‘something new.’ At sa paghahanap ko ng mapapanood ay doon ko na-realize na enjoy din palang magbasa o manood ng mga ‘kakaiba’ at hindi lang ordinaryong love story ng lalake at babae. Masarap din palang manood ng mga palabas na iniisip ng iba na ‘awkward’ daw.

Dahil ang mga lesbians ay may karapatan din namang magmahal. I really think na hindi lang sila basta dapat minor characters sa isang story. Hindi lang dapat sila palaging nasa background dahil deserving din naman na mapansin sila. Dahil ang mga LGBT ay may kwento rin na nararapat na maipamahagi sa buong mundo. Dahil hindi lang sila basta pang-komedya. May puso rin sila.

Kaya naman bilang pagpapakita ng pagtaguyod sa lesbian society ay gumawa ako ng mga listahan ng movies, anime and series na siguradong magugustuhan hindi lang ng mga kasapi ng lesbian community kundi maging ng mga straight. Layunin din ng listahan na ito na maipamulat ang mata ng mga homophobic na hindi sang-ayon sa mga same sex relationship. Pero syempre ay mayroong theme ang article na ito.

COMING OUT.

Isang pagtatalakay tungkol sa paglaladlad. Kailangan ng sobrang lakas ng loob ng isang tao bago niya maamin kung ano ba talaga siya. Isa ito sa pinakamahirap na stage na pinagdadaanan ng isang kasapi ng 3rd sex lalo na kapag hindi pa naman ladlad sa lahat ng tao na gay ka nga. Syempre nakakailang sa umpisa. May mga times pa na iisipin mo na paglabanan ang feelings mo. Kaya naman ita-tackle ko sa column na ito iyong mga stories sa movies, anime and series na lakas loob na hinarap ang pagiging gay nila at ipinaglaban ito ayon sa makakaya nila.

Here’s my list.

 

 

 

 

 

TOP 1

CRISTINA and ISABEL (Tierra de Lobo)

ROLE: Minor Characters

                Hindi sila ang bida sa Mexican Series na Tierra de Lobo pero ang story nila ang pinaka-tumatak sa akin sa show. Kung makikita ang mga videos sa youtube kapag nag-search ka ng Tierra de Lobo ay ang mga scene na kaagad nila ang makikita mo.

                Sa umpisa ng story ay wala silang masyadong roles. Nasa background lang sila. Isa si Isabel sa apat na anak ng isang Tyrant ng Tierra de Lobo na si Master Lobo. Maganda, matapang at lahat ng sa tingin niyang tama ay sinusunod niya. Si Cristina naman on the other hand ay isang babaeng mababa ang lipad. Nabuhay siya sa piling ng mga lalaki at nasanay na siyang binabayaran lang ng mga lalaki ang katawan niya para sa panandaliang aliw. Naging karelasyon din niya ang Tatay ni Isabel na si Master Lobo at nang iniwan siya nito ay ninais niyang makaganti kaya inakit niya ang pangalawa nitong anak na babae na si Isabel. Alam ni Cristina sa umpisa pa lang na may kakaiba na kay Isabel. Hindi ito katulad ng ibang mga kapatid nitong babae na ‘normal.’ Dahil na-se-sense niya na may nararamdaman na attraction si Isabel para sa mga kapwa nito babae. Hindi akalain ni Cristina na mahuhulog din siya kay Isabel at natuloy na ang pagpapanggap lang sana niya na interesado siya rito. Pero nalaman ng Tatay ni Isabel ang totoo at pinadala ito sa kumbento at pinagtangkaan pa ang buhay ni Cristina. Sa kumbentong iyon ay pinahirapan si Isabel. Literal na nilalatigo siya, ginapos at parang asong nilagyan ng kadena, hindi pinapakain o pinaiinom man lang dahil naniniwala ang mga madre na iyon lamang ang tanging paraan para mawala ang matinding pagnanasa na lumulukob para kay Isabel. Iniisip nila na sakit ang pagiging lesbyana. Sa puntong ito ng kwento ay makikita kung paanong nagiging malupit ang lipunan sa mga myembro ng third sex. Hindi lang basta hindi nila tanggap kundi itinuturing pa nilang sakit.

Bahaghari MAG | Mar 2015 | Issue 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon