Literary Section: Short Story

296 15 0
                                    

MY REAL STORY

By: Heart Eameiron

Kapag alam mong susuko kana, ibibigay mo na lahat lahat. Yung kung baga sa tubig kahit yung kahuli-hulihang patak pa nito ibibigay mo na. Sa dalawang kadahilanan, una dahil gusto mo pa ituloy at pangalawa dahil ito na ang huli.

Ang huling pagkakataon na maipaparamdam mong nagmahal ka lang talaga, na minahal mo lang siya. Na sa kabila nang salitang pagpapakatanga andon pa rin yung kakabit na salitang kase nga ‘mahal ko siya’.

Birthday niya na bukas at ang plano ko ibigay lahat ng wish niya. Gawin lahat ng gusto niya para mapasaya ko siya para sa kahuli-hulihang pagkakataon maparamdam ko kung gaano ko siya kamahal.

30pcs nang red balloons (favorite niya kase yung red)

Check

Cake (with saying happy birthday baby ko indearment namin)

Check

Wall poster (saying happy birthday baby with matching pictures niya at naming dalawa)

Check

Bouquet of red flowers

Check

Caldereta, spaghetti,minudo,fried chicken,salad

Check

Scrapbook as my gift

Check

Petals na nagkalat sa kama niya with matching saying I love you na naka form sa petals

Check

Sounds (happy birthday song )

And last ang pinaka importante sa lahat

Pamilya niya…..

Check

All set na lahat, ang kulang na lang ay SIYA, 6:00 pm pa naman kase ang out niya from work. Kailangang antayin  natin siya walang kakain ha! (batas kong utos)

7pm

Baka traffic

8pm

Baka may nagbanggaan nahirapan makausad ang dyip

9pm

Gutom na lahat

10pm

Dumating siya naka smile pa…

Pagpasok niya ng kuwarto, andon ako nagtitiyagang mag-antay kasabay ng kantang happy birthday niyakap niya ako. Naramdaman ko na lang umiiyak na siya. Dahil ba sa saya? ( Mamaya nyo malalaman ).

Sumayaw kami, sway sway habang magkayakap.

Masaya ang pamilya niya, nakangiti lahat priceless!!

Masaya ako dahil masaya sila, dahil kahit papano may napasaya akong tao, dahil minsan sa buhay ko may tumanggap sa akin ng buong-buo, na tanggap nila ang relasyon na meron kami ng anak nila, na minahal ako ng higit pa sa tunay na anak at kapatid ng pamilya niya.

Four years kami ng partner ko, ng bestfriend ko, ng boyfriend a.k.a girlfriend ko.

Kaya sa last shot nang relasyon naming dalawa ginawa kong hindi niya makakalimutan lahat.  Yes! Yung ginawa ko nung birthday niya yun na ang huli dahil alam ko sa sarili ko na bibitaw na ako.

Four years kami, right? Pero yung huling taon namin sa four years, hindi na naging maganda. Alam kong may ginagawa na siyang kababalaghan, alam kong hindi na siya gaya ng dati, alam kong hindi na siya ang taong minahal ko, alam kong malayo na siya, alam kong di na mabubuo pa at matutuloy pa ang lahat ng pangako at plano namin sa isa’t isa.

Yes, alam kong hindi lang ako ang mahal niya. Isang taon ko siyang tiniis, isang taon ko yung binalewala. Martyr ba tawag sa ginawa ko? Yung tipong okay lang may 3rd party basta andiyan ka lang, pa rin sa akin, yung as long as hindi ka nagkukulang sa akin, yung sa tuwing papipiliin kita ako pa rin ang nananalo sa huli.

Pero sa dami nang nangyari at sa dami ng pasakit at luha ang nasayang sa huli ako din ang sumuko.

Yung alam kong handa na ako, ako na mismo bumitaw pagkalipas ng birthday niya dun ako nagpaalam sa kanya, pamamaalam na pagpapalaya na rin sa kanya.

Alam ko naman yung iyak niya nung birthday niya hindi iyak nang saya kundi iyak na hirap na ang kalooban niya.

Alam ko pagod na rin siya, at nahihirapan na sa sitwasyong meron siya.

At dahil mahal ko siya ginawa kong mas magaan at madali ang lahat.

(Nung Nov.27, 2014 pa kami wala.)

Minsan talaga mas pipiliin mo pang masaktan, wag lang yung taong minahal mo ng higit pa sa buhay mo.

Sa apat na taon naman namin masasabi kong marami din siyang sakripisyong ginawa para mapasaya ako kaya sa huli di naman masamang siya naman ang pasayahin ko.

Sabi nga sa napanood kong pelikula.

Okay lang magpabago bago ng desisyon, hindi naman nauubos ang panahon.

Okay lang magkamali ng magkamali as long as may panahon ka pang itama ang lahat.

Okay lang masaktan ng masaktan basta ba babangon ka pari.

At okay lang magmahal ng magmahal basta magmamahal ka pa rin…..

Salamat po ……

Heart Eameiron

19 yrs old

Bahaghari MAG | Mar 2015 | Issue 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon