CHAPTER 2

136 13 1
                                    

'AN ALTADENIAN IN
THE BAFFLING SOCIETY'

ALTHYS TREÑAS

NAPABANGON ako sa hinihigaan ko habang tagaktak ang pawis na dumadaloy mula sa noo ko, mabilis rin ang tibok ng puso ko at alalang alala ko pa ang panaginip ko pero saan doon ang panaginip?About sa clan?O ang buhay si kuya?

"Apo?Gising ka na pala, dalawang araw ka nang tulog" nilingon ko naman ang nagsalita sa kanan ko.

"Avus?"

"Ako nga, dinala ka rito ni Axis at bakit ba pawis na pawis ka?" imporma nito sa akin.

"Si kuya, Avus?Na saan siya?Sinundo niya ako sa bahay ni Axis, buhay si kuya" nagmamadali ko namang sabi sa kaniya pero dumeretso lang ang ayos ng mukha niya.

"Patay na siya apo, nahimatay ka habang kausap ka ni Axis" napa-iling naman ako saka napatakip na lang sa mukha.

Normal naman siguro ang malungkot ka pero walang luhang pumapatak sa mga mata mo, hindi ba?Siguro takot lang ng mga luha ko kay Avus, striktong lolo ko siya at mula pagkabata hindi uso ang pagkakamali sa kaniya.

"Magbihis ka na apo, pupuntahan pa natin 'yung bagong papasukan mo" tumango na lang ako bilang sagot at saka hinintay siyang makalabas.

Hindi na bago sa akin ang pabago bago ng eskuwelahan, mabilis naman akong makaadopt ng bagong sistema sa bawat pinapasukan ko.

Nagsuot lang ako ng civilian clothes na komportable ako saka inayos ang nakalugay kong buhok, mahaba ito at natural ang kulay dahil mas gusto kong hindi nilalagyan ng kung ano-ano ang buhok ko.

"Tara na?Gamitin mo na ang motor mo" tumango lang ako kay Avus at kaagad sumakay sa motor ko.

Alam ni Avus na ayaw ko sa amoy ng sasakyan kaya siguro pinaturuan niya ako kay kuya noon na magmotor sa murang edad pa lamang, hindi ko alam kung ngayon lang ba o hindi ko talaga maalala ang mga nangyari sa childhood ko.

"Master!Saan punta?!" inihinto ko muna ang motor ko at hinayaang mauna sina Avus sa pupuntahan namin.

Ngumiti ako sa kanila at kumaway bago sumigaw pabalik dahil mapapatagal ang usapan kung lalapit pa ako.

"Bagong papasukan, magkakalayo na tayo at may dorm na raw doon pero susubukan ko pa ring dumalaw!" sigaw ko sa kanila.

Apat na lalaki at apat na babae ang miyembro ng mga 'yon, tinuruan ko sila ng mga simpleng pang laban o self-defense kung tawagin dahil nabibiktima sila ng mga tambay sa kanto marahil kabilang ang pamilya nila sa mababang lipunan samantalang ang akin ay tinitingala pero tao pa rin naman sila.

Sina Daisy, Lily, Leo, George, Roan, Gaia, Misty at Zevesron.They're all in the same street, pinaka-matanda sina Zevesron at Roan.

"Hihintayin ka namin master!" napangiwi naman ako sa itinawag nito sa akin.

"Tumigil ka d'yan, sabi nang tawagin ako sa pangalan eh, siya mauna na ako!" kumaway ako sa kanila at ganoon din naman ang ginawa nila.

Isinuot ko ulit ang helmet ko saka humabol kina Avus, hindi naman sila mahirap habulin dahil alam ko naman ang pasikot sikot dito.

Cogency Duology 1: Her Desired Effects | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon