"Margaux, Anak. Gising na"
Bumangon akong may magandang dilag sa aking harapan
"Good morning, Mom"
Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo
"Bumangon ka na riyan at baka ma-late ka pa sa klase"
Sinunod ko siya at nagsimula nang ayusin ang higaan ko
"Bilisan mo na riyan. Breakfast is ready. Naghihintay na yung Daddy mo sa baba"
Tumango na lang ako at tuluyan na ngang lumabas si Mommy sa kwarto ko.
*****
"Good morning, Dad. Good morning again, Mom"
Hinalikan ko sila pareho at umupo na sa puwesto ko.
"Let's pray. The name of the father, the son, the holy spirit, Amen. Blessed us oh Lord, for this thy give, which we're about to receive, from down bounty trough Christ our Lord, Amen."
Pagtapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain.
"Today's your first day being a college student, Margaux. Aren't you excited?"
Agad na tanong ni Mommy.
"Kinda excited Mom but honestly, I'm pretty nervous."
Well, that's true. Wala akong ka-i'd-idea kung anong mangyayari sa akin ngayong araw, kinakabahan ako lalo na't bigla akong naging unsure sa course na kinuha ko
"I know you'll be okay, Baby. Ikaw pa? Mana ka ata kay Mommy mo. Beauty and brain!"
Mom and I both giggled. Mom's so cute, hindi mo mahahalatang nasa 40's na siya. Bukod kasi sa baby face at super sexy pa rin niya, may pagka-childish din siya at times.
"Yeah I know, Mom"
Ngumiti na lang ako para hindi na rin sila mag-worry.
"Mom, Dad, I gotta go"
Again, kiniss ko sila pareho at tuluyan na ngang lumabas ng bahay at dumeretso sa sasakyan
*****
Habang nasa biyahe, hindi ko pa rin maiwasang isipin kung kakayanin ko ba talaga yung course na tinake ko. I mean yeah, gusto ko naman talaga yung Psychology, actually this is my pre-med then itutuloy ko sana mag med school hanggang sa maging ganap na akong doctora like my Mom
Kaso alam mo 'yon? Suddenly, you start doubting yourself. Mapapatanong ka na lang kung "Kaya ko ba?", okaya "Para sa akin ba yung pag d'doctor?"
Naisip ko kasi what if hindi naman pala kami pareho ng path ni Mommy? Hays ewan ko! Naguguluhan na ako.
"Ma'am Margaux, dito na po tayo"
Nabalik na lang ako sa wisyo nang magsalita na si Mang Berting
"Salamat po"
Lumabas na ako ng kotse at agad na bumungad sa akin ang malaking gate ng Queenstown University.
"Whoa! Kaya mo yan Margaux! Fighting!" bulong ko sa sarili ko
*****
Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko maiwasang mailang sa mga taong nadadaanan ko. Sabi nila, lalong lalo na ni Mommy, maganda raw ako. Kahawig ko raw kasi si Baifern, o mas kilalang Nam sa palabas na crazy little thing called love. Pero hindi talaga ako sanay na nasa akin yung atensyon ng mga tao sa paligid. Hindi sa pag a'assume pero feeling ko kaya nakatingin yung mga taong nadadaanan ko ay dahil nga sa features ko.
Pilit hindi ko na lang pinansin yung awkwardness na nararamdaman ko at naglakad na lang with confidence.
Nang makarating na ako sa room ko, dumeretso na ako sa front row. Yes, sa unahan talaga ako palaging pumepuwesto. Bukod sa mas nakaka pag catch up ako sa lessons pag nasa harapan ako, malabo rin kasi yung mata ko kaya kahit may contact lenses na ako ngayon, nasanay na ako na palaging nasa harapan nakaupo.
I check my phone, it's only 7:30 in the morning. Medyo napaaga ako ng dating kaya meron pa akong kalahating oras para magawa yung mga bagay-bagay bago dumating yung Prof.
I decided to put my earphones on and I automatically close my eyes. Feeling the music, loving the vibe.
Napadilat na lang ako nang maramdaman kong may kumalabit sa tabi ko.
"Nandiyan na yung Prof"
Isang babaeng may brown na mata na kasing kulay rin ng kaniyang buhok, may manipis at pinkish na labi, at may maliit at matangos na ilong. Yan yung bumungad sa akin. Nakangiti siya habang tinuturo yung Prof namin na sa tingin ko ay kakarating lang.
Nginitian ko na lang din siya at tinanggal na yung pagkakasalpak ng earphones sa tenga ko. Nag focus na ako sa Prof sa harap at nakinig na.
As usual, since first day of school palang, walang katapusang introduce yourself lang naman yung ginawa namin. Our Professor told us that we need to say our name, age, and hobbies.
Since nasa harapan ako, mabilis dumating sa akin yung turn ko.
Tumayo na ako at tumingin sa lahat.
"Hi! I'm Margaux Kaytlyn C. Torres, but you can call me Kate for short. 18 years of age. Uhm, my hobbies? I'm into singing, baking, cooking, and reading"
Then I showed them my sweetest smile.

BINABASA MO ANG
My Unhappy Guy
RomanceMargaux Kaytlyn "Kate" Torres will be described as the "perfect girl." She is beautiful, wealthy, intelligent, and she receives a lot of love from those people around her. But what if she meets someone who is a complete opposite of her; a nerdy, qui...