"Ikaw" Pagbigkas ko.
Sinulyapan ko ang aking pulsuhan kung saan naka lagay ang mga numerong naka saad kung kailan ko makikita ang aking magiging kapares hanggang sa aking huling hininga.
0d 0h 28s
"Ikaw nga" Ulit ko.
Isang kamay ang naramdaman kong humawak sa aking balikat ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.
Tinitigan ko ang aking kapares.
Yumuko ito at umiling.
"Bakit?" Takang tanong ko rito.
"Hindi. Hindi ako" Sabi nito.
Napailing ako sa sinabi nito.
"Ikaw! Ikaw lang! Ikaw ang aking kapares!" Sigaw ko habang naluluha na.
Hinaplos nya ang aking pisngi at nasulyapan ko kung ano ang nakasaad sa kanyang pulsuhan.
Bakit? Bakit hindi sya?
5d 12h 4s
"Pero....." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin sakanya dahil sa pagtulak nya sakin.
Nakita kong ngumiti ng malungkot at tumango bago tumalikod sa akin ang inakala kong kapares ko.
Sa pag talikod nito naramdaman kong malapit na akong bumagsak.
Tinitigan ko ang huli ng may pagkadismaya habang hinihintay kong lumagapak ang aking likuran.
Ngunit hindi nangyari.
Naramdaman kong may pumalibot na mga makikisig na braso sa aking maliit na katawan.
Sya na ba?
Tanong ko sa isipan ko.
Bigla akong nakaramdam ng kaba at pumikit. Tinatantya kung ano na ang nakasaad sa aking pulsuhan.
Tatlong segundo.
Sabi ng isipan ko.
Sya na nga.
"Dalawa" bulong ko
Hinintay kong maitayo ako ng aking kapares.
"Isa" sabay namin sambit.
Idinilat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng dalawang kulay abong mga mata.
"Ikaw?" Saad ko habang nararamdaman kong tumutulo na ang mga butil ng aking luha.
"Oo mahal ko. Ako nga" Masaya ngunit may luhang saad nito.
Unti unti nitong nilapit ang kanyang muka sa aking muka.
"Mahal kita" sabi nito.
At naramdaman kong dumampi ang kanyang malalambot na labi sa aking malalambot ding labi.
"Beep" rinig naming tunog galing sa aming pulsuhan.
BINABASA MO ANG
Kapares
Short StoryPaano kung alam mo kung kailan mo makikita ang iyong kapares ngunit hindi mo matitiyak kung sino?