Gwen
"Para lang sa impormasyon mo, nasa ibaba pa rin iyong ex-boyfriend mo at mukhang hinihintay ka."
Napabalikwas ako sa aking kinauupuan nang sabihan ako ni Sean tungkol sa bagay na iyon. It's past 7:30 in the evening and what is he still doing here?! May sprain lang ako pero hindi pa naman ako tuluyang baldado! Hindi naman niya ako kailangang hintayin nang ganito katagal. I guess he loves wasting his time, huh? Oo, mahirap maglakad pero may secretary naman ako dito sa opisina ko para tulungan ako sa mga errands ko. Isa pa, marami naman akong mga kaibigan dito na kaya akong alalayan. Nandiyan si Sean, si Angelo, si Castiel, si Ange! Hindi ako mag-isa at kaya ko rin naman ang sarili ko, ano.
Simula nang ihatid niya ako kanina, oras-oras akong binabalitaan ni Sean. Paano ba naman kasi, nakita niyang inaalalayan ako ni Dos na balot na balot ang mukha. From there, si Sean na ang umalalay sa akin papunta dito sa opisina ko. Sinabi niya rin sa akin na umuwi nalang at magpahinga pero humindi ako. These days, puro sakit ng ulo ang bigay ko sa kanya dahil sa multiple lates ko kaya kahit papaano, gusto kong makabawi sa trabaho.
Just right now, na mahigit tatlong oras na ang nakalipas, hindi pa rin pala siya umaalis doon! Hindi ba siya busy o wala man lang ba siyang ibang pinagkakaabalahan? How about Sari? Don't tell me na wala siyang balak puntahan o dalawin 'yong girlfriend niya sa kanyang solo activities? And besides, paano kung may makakilala sa kanya doon? Paano kung ma-recognize siya ng ibang tao? Paano kung dumugin siya ng media dito at ma-issue ako at ang kumpanya? Gosh, nagdadala lang siya ng problema dito eh.
"Sabihin mo, umalis na siya. It's a bad idea for him to stay in here. Mamayang alas diez pa ako uuwi." Sambit ko kay Sean.
"If that's the case, why don't you tell him instead? He is here for you, so I guess he would only leave until you say so."
"Okay, fine!" Iritado kong sambit. "Ang hassle talaga ng lalaking 'yan, kahit kailan!"
Paika-ika akong lumabas ng opisina at nagtungo sa elevator. Ilang minuto lang ang inantay ko nang magbukas ito saka ako pumasok doon. I heard, he is in the company lobby so I pressed the elevator button that would direct me down there. Nang makababa ako, luminga-linga muna ako sa paligid para hanapin siya. When my eyes landed on the guy sitting from one of the sofas, wearing a cap and a mask, I immediately realized that it was Dos. Kung sabagay, hindi rin naman kasi siya mukhang sikat na singer sa pormahan niya ngayon. He is still on his ordinary casual clothing and mukha lang siyang normal people.
May ilang taong napapatingin sa kanya sa tuwing dumadaan sila pero wala naman siyang pakialam. He is busy tapping on his phone. He looks like he's playing something or what. Inis akong lumapit sa kanya habang paika-ika pa rin ang paglalakad. I guess, nakatulong naman 'yong pag-apply niya ng first-aid sa akin kanina. Medyo nabawasan naman ang sakit na nararamdaman ko.
"Umuwi ka na." I said plainly.
"Gwen? What are you doing here? Why did you walk alone? Hindi ka man lang nagpasama sa kahit na sino para may umalalay man lang sana sa'yo." Alala namang sambit niya sa akin pero pinili ko lang na irapan siya at magmatigas sa harapan niya.
"Alam mo, napaka-kulit mo rin eh. Sabi ko naman kasi sa'yo 'di ba, ayos lang ako. Nahihirapan ako pero nakakalakad ako nang mag-isa." I put emphasis on the last words I uttered.
"But still." He seriously said. "Alam kong kaya mo ang sarili mo, pero sana hindi ka na bumaba dito lalo pa't mahihirapan ka lang."
"Then leave. Kung hinihintay mo ako, mamaya pa ako uuwi. Sige na Dos. Baka may makakita pa sa'yo dito. I'm fine." I said.
BINABASA MO ANG
A Music In My Heart (VA Series 3)
Novela JuvenilVESTIBULUM ARCU SERIES no. 3 Gwen Cortez, a beautiful, fierce and talented college student stopped believing in the power of love after her heartbreak with the person whom she admires the most, Liam Bautista. After their friendship encountered a ver...