Chapter 4

149 7 2
                                    

~~~~•~~~~•~~~~•~~~~•~~~~•~~~~•~~~~•

Cass' POV

Great! Now I'm being dumb-founded here at my own room, it's just pathetic. Hindi ko malamanlaman kung bakit 'yon ginawa ni Josh kanina, Da PREEEEEEYSHAAR.

"Why Josh? Bakit kasi? Kailangan mo ba 'yon gawin? Ginagago mo ba ako at pingtritripan?" Paulit ulit kong tinatanong saaking sarili habang ako ay nakatingin sa ceiling ng aking kwarto, hanggang sa makatulog ako.

~~~~•~~~~•~~~~•~~~~•~~~~•~~~~•~~~~•

Josh's POV

Pagkababa ko sa paradahan ng jeep nakasalubong ko si Luis, kabarkada ko, taga-section C naging kabarkada lang namin siya noong acquaintance party ng aming school noong nakaraang taon, ngunit pamilyar ang kaniyang pagmumukha, di ko nga lang matandaan kung saan ko siya nakita basta pamilyar talaga.

"Oh pare, san ka galing?" Tanong ko kay Luis.

"Ah dyan lang pre, nakita ko kayo kanina ni Tanya nadaanan kayo ng jeep na aking sinasakyan, kasama nyo si Cass? Bakit nyo siya kasama?"

"Oo pre, ah wala sumama lang siya." Pagsisinungaling ko sakanya kasi nakokonsensya talaga ako sa ginawa ko kay Cass, sana binigay ko nalang yong Piso.

Hindi ko alam pero I just found myself telling him the real story after niyang tumango lang sa huling sinabi ko.

"Napakaganda niya talaga kanina, namumula ang kaniyang mga pisngi parang rosas, hindi ko alam pero kung kasama ko siya o malapit siya saakin ako'y ngumingiti nalang. Ibang-iba 'yong naramdaman ko pag kasama ko siya kaysa kay Tanya, parang tumitigil yung mundo ko, at nawawala ako sa sarili, gusto ko lang mapunta sa isang paraiso kasama siyang nakaupo habang aking hinahawi-hawi ang kanyang buhok." Sabi ko sakanya pagkatapos kong ikwenento sakanya ang ikinilos ko at nangyari kanina.

Nakita kong umiba ang expression sa mukha ni Luis pagkatapos kong nagkwento, kaya nagulat nalang ako nang bigla itong sumigaw hindi inaalintana ang mga tao sa paligid.

"Grabe ka naman Josh! Para lang piso? Sana binigay mo nalang. Kailangan mo bang pahirapan ang babae? Babae 'yon! Babae!" Akmang susuntukin niya na ako ng bigla siyang umurong at naglakad na papalayo sa aking kinatatayuan ng walang paalam.

Piso:Ang simulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon