hope you like guys :) mag play din po kayo ng any sweet song para damang dama guys XD
--someone girl POV.
nasaktan ako dahil sa katangahan ko.. kung bakit pa kita pinakawalan.. ang tanga ko sobra.. natakot ako eh at lalong nagkamali ako.. akala ko babalik ka pa...
ang totoo nung una hnd talaga kita gusto eh..ewan kung bakit ngayun nagkakaganito ko sayo.. nag aminan lang kami ng mga kaibigan ko nun sa canteen.. at lahat sila ikaw ang sagot.. at dahil sa ayaw kong mahuli.. sinabi kong gusto din kita.. ng pabiro nga lang.. pero naniwala naman sila. Mukhang tanga lang nu.
intrams noon. pinatakbo kami ng pinatakbo hanggang sa napagod ako at umupo sa isang tabi.. nakita kitang papalapit sakin. wala lang naman sakin yun..kasi nga di pa kita gusto nun.umupo ka sa tabi ko.. hanggang sa inalok mo sakin yung isang earphone nakinig tayong dalawa nun.. kasi ang pinapatugtog mo eh yung paborito kong banda. sabi mo panga adik ako... maka asar kapa wagas.. nakaka miss lang.
kinabukasan nun agad akong nag online sa facebook.. hindi ko alam pero hiningi ko yung # mo. at sinabi kong i tetext na lang kita.. o diba ako pa tong babae ang nanghihingi ng number mo.
alam kong wala pako nararamdaman sayo nun.. sana nga.
hanggang sa lagi na tayo nag kaka text..at naging magaan ang loob natin sa isat isa. naging tawagan pa natin nun ay bhe bhe ko haha ang corny no.. pero alam kong biruan lang natin yun.. that past few days ang saya ko sobra.. hanggang sa diko namalayan... mahal na pala kita. Nahulog na ako ng unti unti. ang bilis ng panahon diba? parang dati lang laro laro lang natin yung tawagan natin hanggang sa nasabi kong mahal na nga kita.. di naman ako nabigo at sinabi mo ding mahal mo ko.. dahil nga parehas pa tayong bawal pa.. naging mag MU nga tayo katulad ng sabi nila..
katulad ng iba hnd natin maiwasan magaway.. ako naman to bawat away natin umiiyak.. madalas na away natin ay dahil sa selosan... o baka naman ako lang talaga ang na seselos...
naalala ko pa nung minsan ng hiram ako ng CP sa kaibigan ko nun at tinawag kitang BEBS at nag response ka din ng ganyan at nag I LOVE YOU ka pa.. ang sakit nun sobra.
pero inintindi kita kasi sabi mo kapatid lang naman ang turing mo sakanya. Sa baaeng tawag mo ay BEBS
dumating ang high school night.. sabi ko ang una mong isayaw ay yung taong mahal mo.. nag simula ang slow dance.. inaya mo ako bilang first dance mo.. ewan! pero ang tanga ko at umuwi agad ako at dika pinansin.. galit ako... galit na galit sa sarili ko nun.. sayang ang pag kakataon. Ang tanga lang diba?
pero agad mo akong pinatawad nun :) kaya mahal kita eh.. binigyan mo pa nga ako ng kwintas... mas maganda nga lang dun sa tinawag mong bebs dahil sakanya may nakalagay na love sa likod nun.. pero sabi mo naman kung alam mo lang sana sakin mo dapat ibinigay yun...
recognition day.. 5th honor ako.. sabi mo pupunta ka kasi gusto mo ako makita.. at di nga ako nabigo pumunta ka :) nginitian mo ko..
bakasyon nun.. lagi tayo mag ka text.. parang tayo na nga eh.. walang araw na di natin sinasabi sa isat isa na mahal natin ang isat isa.. naging tawagan pa natin ang gf ko at bf ko.. corny i know.
pasukan nun sabi mo di kana dun magaaral.. pero pag pasok ko agad kitang nakita.. nakatingin sakin at ngumiti.. whoo! ang saya ko bhe..
lumipas ang araw at buwan.. ang tatag natin.. hanggang sa nag august 03.. first aniversary natin bilang mag.. alam mo na un pero tinawag natin un na friendsary :) ok lng naman sakin...
at dumating ang araw na sana di na lang dumating.. september 02 nalaman ko ang dalawang rason para tumigil na tayo.. una nalaman ko na may gf kana pala.. pangalawa.. may obsses na obsses sayong babae at lahat nakukuha nya..
BINABASA MO ANG
please give me another chance (one shot)
Short Storysa isang pagkakamali mo madaming pwedeng magbago.. kaya pag isipan mong mabuti ang desisyon mo bago mo pakawalan.. nasa huli kasi ang pagsisisi