Hindi makatulog ng maayos si Hannah dahil sa nangyare. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang binata mismo ang pumunta sa kanya kagabi.
Pasado alas diyes na nang matanggap niya ang mensahe galing kay Kurt.
Kurt: I'm home
Nakangiti siyang nagtipa ng mensahe. Ito ang unang nakatanggap siya ng mensahe galing sa binata.
'okay. Good night:)'
Gaya nga ng sabi ng binata. Bumisita ito sa kanya kinaumagahan.
Naabutan niyang nag-uusap ang daddy niya at si Kurt malapit sa pool area.
Tila seryoso ang pinag-uusapan nito."Anak"
Napabaling siya sa tumawag. Hindi niya napansin na nakatulala na pala siya habang nakatingin sa dalawang lalaking nag-uusap.
"Morning mom" bati niya dito. Dinaanan niya lamang ito at pumasok sa kusina kung saan nandoon din ang kapatid niya.
Napansin niya bakas na pagkainis sa mukha ng ate Hailey niya. Tinaasan niya lamang ito ng kilay at hindi na binigyan ng pansin.
Hanggang ngayon ay tila nasa ibang pamamahay siya. At tila ang hirap makisama.
"Kumusta ang pakiramdam mo anak?"
Hindi niya napansin na nasa tabi niya na pala ang kanyang mommy na hanggang ngayon ay nag-aalala parin sa lagay ng bunsong anak niya.
Bakas sa mukha nito ang lungkot at pag-aalala. Umiwas na lamang siya ng tingin at kumain na lamang ng almusal.
Natigil na lamang siya nang marinig ang boses ng kanyang daddy. Kasama nito si Kurt na pumasok ng dinning area kung saan sila ngayon.
Nahuli niya ang mga titig ng binata. Bahagya siyang nakaramdam ng hiya sa hindi niya malamang dahilan.
Umiwas siya ng mata nang lumapit ito sa tabi niya."Good morning" marahang bati nito.
Napansin niya na nasa kanilang dalawa ni Kurt ang atensyon ng pamilya niya.
Napatikhim siya at naiilang na ngumiti sa binata "m-morning"
Naupo ito sa tabi niya nang ayain ito ng magulang niyang sumabay sa pagkain ng almusal.
Napansin niya ang mapanuring tingin ng kanyang daddy ngunit hindi na nito isinatinig pa. Mukhang may alam ito sa nangyayari.
Hindi din kumikibo ang ate Hailey niya. Na alam niyang malapit sa binata.
"Hannah!" nagbabantang tawag ni Kurt sa dalaga. It's been three months since naging sila.
"Bakit ba? Gusto ko lang naman makita ang conversation niyo ni Hailey!"
saad niya habang pinapakialaman ang phone ng binata.
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Kurt." I told you, wala naman kaming napapag-usapan. She's just asking and I simply replied. Why are you so jealous."
Mahinang saad nito sa huling salita nito ngunit hindi ito nakawala sa pandinig niya.
"Eh selosa ako e!"
Napatango na lang si Kurt bilang tugon dito. Matalim siyang tinitigan ni Hannah habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa phone niya na pilit niyang kinukuha.
" Fine.. I will ignore her messages. " Malumanay nitong saad dito.
Medyo napansin niya ang pagginhawa ng mukha ni Hannah nang sabihin niya iyon."Dito na kaya ako tumira kasama mo?" Hirit bigla ni Hannah habang nagtitipa siya sa laptop.
Bahagya siyang natigil, ilang beses niya na nga ba itong narinig sa dalaga simula nang maging sila.
Paulit-ulit rin ang sagot niya dito.
"Hindi pwede." saad niya. Malalim na buntong hininga ang tugon naman ng dalaga.
"Nakakasawa na kasing makita ang mukha ni Hailey sa bahay." Turan pa nito.
"Bakit ba kasi lagi na lang kayo nag-aaway. "
saad niya habang hindi maalis ang mata sa monitor.Naramdaman niya ang yakap sa kanya ni Hannah.
"Ewan." walang gana niyang sagot dito habang yumayakap sa binata.
"Buti naman at umuwi ka pa." Bungad ni Hailey sa kanya nang makauwi siya kinagabihan.
Ngumisi siya dito dahilan para mainis ang kapatid niya.
"Pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung ano ito?" seryosong tanong sa kanya ng dalaga habang may pinakitang isang papel. Biglang nanlaki ang mga mata ni Hannah nang mapagtanto kung ano ang hawak ng kapatid niya.
Marahas niya ito kinuha sa kamay ng dalaga.
"Bakit hawak mo 'toh!"
galit niyang turan sa kapatid na mas lalong kinainisan ni Hailey."Ang tanong ko ang sagutin mo! Ano yan?" Bakas sa mukha ng kapatid na galit na ito at konti na lamang ay sasabog na.
Malalim na nagbuntong hininga si Hannah.
"Papel?" nakangisi niyang saad sa kapatid, dahilan para magalit ito at pilit na kinuha ang papel sa kanya. Na agad naman nakuha sa kanya. Halos sigawan niya ito ngunit agad niya napansin ang naluluhang mata nito.
"Itatago mo lang ba 'toh?" mahinang saad ng kapatid habang binabasa ang kung anong nakasulat dito.
Bahagyang nanghina si Hannah sa kadahilanang hindi niya alam. Hindi niya kayang tumingin sa mata ng kapatid niya.
"Kailan pa? Anong sabi ng Doctor?" tanong sa kanya, ngunit hindi niya ito sinasagot. Akma na sana siyang aalis kung hindi lang siya napigilan ni Hailey.
"Anong problema na naman ba dito at naririnig ko sa taas ang away niyo?" Pareho silang napabaling sa kakababa pa lang nilang ama.
"Hannah?" baling sa kanya.
Hindi siya sumagot dito, halong inis at kaba ang namamayani kay Hannah. Naiinis siya dahil sa pangingialam ng kapatid niya sa gamit niya at halong kaba naman dahil sa malalaman ng pamilya niya ang ayaw niya ipaalam sa mga ito.Inabot ni Hailey sa ama niya ang papel, agad naman itong kinuha ng matanda.
Bakas sa mukha ng ama ang bahagyang gulat sa nabasa, nangingilid ang luha niyo nang bumaling kay Hannah.
"Kailan pa 'toh anak?"
tanong sa kanya, halos dumugo na ang labi ni Hannah dahil sa pagpipigil ng luha. Ngunit nang makita niya ang panglulumo ng ama habang binabasa ang resulta galing sa doctor ay doon na sunod-sunod na pumatak ang luha niya.Agad siyang niyakap ng ama na sa pag-kakaalala niya ay ni minsan hindi niya naramdaman nang lumaki siya. Dumating naman ang kanyang ina na agad naman nalaman ang sitwasyon.
Halos ilang minuto rin silang nandoon at nag-iiyakan.
Ito ang unang pagkakataon na hinayaan niyang ipakita sa harap ng pamilya niya ang kahinaan niya.
Nakiusap siya na sana ay walang makaalam sa tunay na kalagyan niya. Halos lahat ng kilalang doctor ng daddy niya ay tinawagan na ito upang matulungan sila.
Kamakailan lang nalaman ni Hannah na may lukemya siya, sa una ay hindi niya ito pinaniniwalaan dahil sa maayos naman ang pakiramdam niya at katawan ngunit isang araw ay bigla na lamang siyang nahilo at may lumabas na dugo sa ilong niya. Pansin niya rin ay konting pantal sa hita niya kaya doon na siya nagtaka.
Halos manlumo siya nang malaman na may lukemya nga siya. Hindi lang ito pangkaraniwang sakit dahil isa itong seryosong sakit na sa tingin niya ay maraming pagdaraanan upang magamot siya. Nais niya sanang ilihim ito dahil kahit siya ay hindi niya parin matanggap na may sakit siya.
"Kailan mo sasabihin kay Kurt?" tanong sa kanya ng kapatid. Halos araw araw na siyang binabantayan ng pamilya niya. Kahit na naiinis na ito ay hindi niya magawang sabihan dahil minsan ay nagugulat na lamang siya kung gaano siya alagaan ng mga ito.
Bahagya siyang nanahimik dahil sa tanong ni Hailey.
YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
RomanceBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...