Chapter 15: The Truth.

8 3 0
                                    

Chapter 15

Busy ako ngayon. Ginagawa ang project sa Science dito sa sala. Tinutulungan ako ni Auntie. Pagkatapos ma-ospital ni Auntie naging mabait siya sa pakikitungo sakin.

"Inaantok na ako Yvonne. Kaya mo na ba ito mag-isa?"tanong ni Auntie.Tumango ako. Umalis na si auntie at pumunta na sa kwarto niya.

Nag-gugupit ako nang biglang may tumawag. Sinagot ko agad ang tawag. Unregistered number.

"Hello?"sabi ko.

"Hello? Sino to?"tanong ko. Hindi pa rin sumasagot.

"Ibababa ko na."sabi ko. Nang icli-click ko na ang end call bigla namang sumagot.

"Wait, This is Adamaris."sabi niya. Gusto ko ibaba kaso kabastusan iyon kaya di ko ginawa.

"Anong kailangan mo-este- Why did you call me?"sabi ko. Mali yata grammar ko at hindi ako naintindihan kasi hindi sumagot eh. Makalipas ang ilang mga segundo.

"Are you in a relationship with Dale?"tanong niya.

"Y--No."sagot ko.

"Good. Umm... By The Way, Stay away from Dale. He's Mine right from the very start."sabi ni Adamaris. Pinagbabantaan ba ako nito?

"Why? Were only friends."sabi ko.

"I don't care. Stay away from him... Or you want me to do something bad to you and your family."

"Your threatening me?"

"I have good connections Miss Andres."sabi ni Adamaris at ini-end call na. Pinagbantaan niya ako. Anong problema niya? Kaibigan ko lang naman si Dale ah. Hindi niya ba alam na siya ang gusto ni Dale? Bakit parang insecure siya sa kin? Don't tell me may gusto sa kin ni Dale. Hindi puwede iyon. Maybe selosa lang iyang si Adamaris. Tama!

Nagsimula akong mag-text.

'Say your feelings to her. Selosa siya masyado.' ini-send ko ito kay Dale. Agad na nag-reply siya

'Don't you ever text me again.'

My heart ache again.

Hindi na nga pwedeng maging tayo... tapos ngayon ... nilalayo mo pa ako sayo.... Bakit ?

"Away mo ba sakin Dale?... Sana hindi ka na lang nag-transfer... Dapat di ka na dumating sa buhay ko."sabi ko. Tumulo ang mga luha sa mata ko. Ang sakit palang magmahal.

***

Absent si Dale. Buti naman. Dumating na ang teacher namin at nagturo na.

"Class, Rizal knows if I'm not wrong 22 langua-"naputol ang sinasabi ni Ma'am dahil dumating si Dale... at Adamaris.

"Ma'am sorry I'm late este We pala. Inasikaso ko po kasi ang pag-transfer ng kaibigan ko po."sabi ni Dale.

"First Day niya ba ngayon? Walang sinabi sakin na magkakaroon ng new student. Since nandito na siya sige mag-klase na rin siya. Take your seats."sabi ni Ma'am.

Uupo sana si Dale sa usual seat niya sa tabi ko pero doon umupo si Adamaris. Magkatabi sila ngayon. Pinag-titinginan si Adamaris. Siguro dahil sa iba siya. Blonde hair, blue eyes and White.

"Stay away from him... remember that."bulong sakin ni Adamaris. Ano ba yan kung kailan nagmahal ako nilalayo naman sakin. Ang lupit naman.

***

Sa bawat kilos ko na mapapalapit ako kay Dale biglang susulpot iyang si Adamaris. Ang lupit talaga. Tss. Ilang araw na ganyan ang sitwasyon. Sa bawat minuto na mapapalapit ako kay Dale, ilalayo siya ni Adamaris. Lalayuan ko nalang si Dale.

Uwian na, as usual mag lilinis ako mag-isa. Nang matapos na ako mag-linis. Lalabas na ako nang hindi ko mabuksan ang pinto. Umiyak ako. Bumalik na sa dati ang lahat.

"Ni-lock ka na naman nila."sabi ni Keir na binuksan ang pinto. Niyakap ko siya.

"Mas gusto ko pa noon kahit binubully ako hindi ko naramdaman ang magmahal."sabi ko. Pinunasan ni Keir ang luha sa mukha ko.

"Masaya magmahal. Maling tao lang ang minahal mo."sabi ni Keir. Ngumiti ako.

"Learn from the expert."sabi ko at kumalas sa yakap.

"Thank you Keir. Lagi kang nandyan noon pa man....

Sana ikaw na lang minahal ko... pero taken ka na."sabi ko. Nginitian lang ako ni Keir.

"Sana nga."sabi ni Keir. Naglaho ang ngiti niya at may ibinulong sa kin.

"Kung hindi ba ako taken mamahalin mo ba ako?"sabi ni Keir. Itinanggal ko ang yakap ko sa kanya.

"Siguro."sabi ko at nginitian siya.

"Yvonne, pwede mo nang mahalin si Keir. Break na kami."sabi ni Mandy na biglang sumulpot sa classroom.

"Mandy."sabay naming sabi ni Keir.

"Hindi ikaw si Dale di ba Keir? Patay na ang Dale na nagpanggap sakin. Si Raynald Raymundo. Wala na siya."sabi ni Mandy at umiyak.

"Thank you Keir sa pagpapanggap para hindi ako masaktan. Sorry sa lahat."sabi ni Mandy. Nginitian siya ni Keir.

"Mahal ka niya. Mahal ka ni Raynald, sigurado ako."sabi ni Keir. Lalong umiyak si Mandy at niyakap siya ni Keir.

"You can now fulfill your love story."sabi ni Mandy. Kumalas siya sa yakap ni Keir. Ako naman ang yumakap sa kanya.

"Paano mo nalaman?"tanong ko.

"Sinabi sakin ni Keir. Ayoko pang maniwala noong una pero totoo nga. Pumunta ako sa puntod ni Raynald."sabi ni Mandy. "Kaya pala hindi ko nararamdaman sa kanya yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Dale este Raynald." Kumalas sa yakap ko si Mandy.

"Yvonne, kita na lang tayo bukas. Ge tuloy niyo na yang drama niyo."sabi ni Mandy at umalis na. Ang bait niyang kaibigan.

***

Nasa restaurant ako. Naghuhugas ako ng mga pinggan. Wala kasi si Janette na taga-hugas talaga.

Lately I've been, I've been losing sleep~

Napatigil ako sa paghuhugas. Pamilyar ang boses. Napalabas ako ng kusina upang tiyakin ang hinala ko. Nanlaki ang mata ko. Nandito siya...

Nandito si Dale.

May babae na nagchi-cheer... Si Adamaris.

Bigla akong pumasok sa kusina. Kailangan ko magtago kay Dale at Adamaris....

I want to listen to his voice but I can't.

Everything that kills me makes me want to come alive~

Calling. Cannot be reach.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon