Chapter 18 : Underground

34 17 0
                                    

Kakauwi ko lang sa bahay katulad ng sinabi ni Jairus ay nag ensayo kami para sa darating na audition.

Isang kanta lang ang kakantahin namin kaya hindi kami masyado nag tagal sa bahay nila.

Pag uwi ko sa bahay ay nasalubong ko sila papa at ilang tauhan nito na nag uusap sa sala kasama si kuya.

Tumungo sila bilang pag galang sa akin bago dumaretso sa kusina, nakita ko naman si mama at manang na nag luluto ng hapunan. Kumuha lang ako ng tubig sa fridge at nag salin sa baso.

"Ano meron?" tanong ko bago umupo sa upuan sa bar counter

"May mga kailangan gawin ang daddy at kuya mo"

"I see" sagot ko na lang kay mama kahit parang hindi nasagot ang tanong ko "Paki tawag na lang ako pag kakain na"

Pag labas ko ng kusina ay tumigil sila sa pag uusap. Tinignan ko lang sila. May mga code sila halos mag kakaparehas lang sila pero sa iba't ibang parte ng katawan ito nalalagay.

- . .   . -   . . .
. -   . . -   -   .   - -
. . . -   . -   . - . .   - . .   . .   . . .

Das
Autem
valdis

Tinanong pa ako ni papa pero muling ako at ngumiti bago umakyat sa taas. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at sinara ulit ng malakas. Nanatili ako ng ilang segundo pa sa labas para pakinggan ang pinag uusapan nila.

Pero wala akong narinig pa uli kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.

Sa mga nakaraang araw unti unti ko ng naintindihan kung bakit ko kailangan ipag patuloy ang kasal.

Nanganganib ang buong organisasyon hindi lang ang organisasyon pati na rin ang buhay namin. Dalawa lang ang pwedeng mangyari ang makuha ang lahat ng ari arian namin o mamatay kami dahil may malaking organisasyon ang bumabangga sa amin.

Kailangan namin ang Jackson para sa proteksyon, isa ang mga Jackson sa mga kilalang Assasin sa buong asia. Pero kung ganun hindi kaya parte din ng underground organization sila Joms. Tapos tinakot lang talaga kamk para ipakasal ako sa kanya.

Bakit ngayon ko lang naisip na maaring parte din sila Joms doon.

Nilock ko ang pinto ng kwarto ko at nag palit ng pambahay. Nasa tapat ako ng laptop habang hinahack ang isang site.

Mabilis ako nakapasok sa website ng isa sa mga pinakamalaking underground organisasyon. Hindi ko alam ang tawag sa kanila.

Noong isang araw na sinubok ko pasukin ito, sa hindi malaman na dahilan ay nag search ako gamit ang site na yun, yung tattoo ni Papa na Hades na naka salin sa morse code at dito ko nalaman na isa itong code name, hindi lumabas ang pangalan ni papa o kahit na anong inpormasyon tungkol sa kanya pero ang nakalagay lang doon ay si Hades ay isang leader ng organisasyon na kung tawagin ay inferno. Konektado naman ang Das Autem Valdis.

Hindi ko na binasa ang ilang grupo dahil hindi naman ako interesado sa iba.

Nabasa ko din ang history ng inferno. Ang organisasyon. 1969 ito naitatag, na pinangunahan ng isang tao o kung tawagin nila na si Don Lucifer, ang pinaka mataas na sinundan ng dalawang tao si Don Henry at Don Edwin.

Noong 1978 naman ay ginamit ang code para maging way of communication nila sa bawat isa. Dito na din sila gumamit ng mga code name. Wala silang sinabi kung anong code. Pero alam kong morse code yun.  Dahil minsan may naririnig akong kakaibang tunog na nang galing sa opisina ni papa at base sa mga tattoo nya.

Ibig sabihin din nun ang inferno ay may tatlong tao din binubuo, nangunguna dito si Hades o 'God of the underworld', si papa, Azazel o ibig sabihin 'Evil demon' o 'Evil Spirit' sumunod si Dracul na ang ibig sabihin ay 'Demon' o 'Devil'. At ang Das Autem Valdis na ang ibig sabihin ay Slave of the dead. Sila kuya at ilang tauhan ni papa. Ang trabaho nila ay protektahan ang buong organisasyon at panatilihin ang kauysan.

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon