First Day

46 1 0
                                    

[ This is for someone who inspires me to write again. :) ]

Ania's POV

Hello first day! Hello St. Mary's Academy! New school, new faces.

Unang araw ko ngayon bilang college student. Excited much! hihi. Sobrang saya lang kasi magkasama pa rin kami ni lovey Dustin sa isang school. waaaa! :D

Lovey tawag ko sa kanya sa isip ko. He's my bestfriend kaya walang talo talo. Pero shemay! Patay na patay ako sa kanya sa totoo lang. High school days pa lang, hook na hook na ang puso ko sa kanya!

HE. IS. THE. ONE.

Ako nga pala si Ania Montemayor. I'm 16 years young and taking up BS Accountancy. Si lovey ko naman ay si Dustin Acosta, same age of mine and taking up BS Civil Engineering.

Ayun, papunta na ko sa CBA building. Hahanapin ko pa kung sa'ng lupalop ang room ko for my first period. Teka nga, sa'n na ba yung list of subjects ko?? Habang abala sa paghahalungkat ng bag kong parang bag ni Dora (dami kasing laman), biglang..

"Ouch!" tumama yung ulo ko sa kung saan.

"Oh my God! Sorry. Di ko -- Ania? Ikaw pala yan!" sabi ng isang babaeng hulog yata ng langit sa ganda. Mala-anghel ang beauty niya eh. Oo, siya na.

"Hey, Sab! Ikaw pala. Hehe. Ayos lang, pasensya na rin." Yeah, I know her. Siya lang naman ang apple of the eye ng lovey ko T.T bigtee na ko! Pero, di pa naman sila eh. I still have a BIG chance. bwaahahaha!

"Dito ka rin pala sa SMA nag enroll?" nakangiting tanong niya. Ayy nako! Bakit ba mala-anghel na nga itsura pati pa ugali? Nakakakonsensya tuloy. tsk!

"Ayy oO.. hehe.. Accountancy major ako eh. Ikaw?" Ahmm.. Can I just go now? I'm kinda feeling awkward right now, you know. You're my great rival, for Pete's sake! psh!

"Really?? Accountancy major din ako! Papunta ka na ba sa 1st class mo? Baka classmates tayo. Ang saya naman, may kakilala na ko! :) Akala ko wala akong makakasama eh." ngiting ngiti ang anghel. Pa'no na ito? huhuhu!

"Ah eh.." tiningnan ko yung hawak ko nang copy ng mga subjects ko.

"My 9am class is Econ101, room 204." sambit ko. Sana di kami classmates. Crossed-fingers!

"OMG! We're same! hihihi. Tara, sabay na tayo para magkatabi rin tayo ng upuan. I'm so excited and happy na kasama kita Ania :) I hope we could get close." nakangiting sabi ni Sab habang hinihila yung kamay ko.

Nagkakilala lang naman kami dahil staff kami pareho ng school paper nung high school, pero we didn't get the chance to be close. Iniiwasan ko talaga siya. Obvious naman ang reason di ba?

"Patingin naman ng mga subjects mo, baka same tayo lahat. Hihi." kinuha niya nga yung list.

Nakoo naman! Bakit sa dinami dami ng nilalang sa mundo, si Sabrina Fuentes pa?? Bakeeeet?!

*bell rings*

Yes! Tapos na rin ang klase. Lunch break na. Kanina ko pa gustong kumain eh. Grabe, buong umaga kaming magkasama ni Sab. Super friendly pala talaga siya. Kaya siguro marami siyang friends dun sa school namin dati. I wonder where they are right now? Kahit isa man lang ba walang nag enroll dito sa SMA? Well, mahirap ipasa yung entrance dito eh. Kailangan medyo brainy ka. Konte. haha! Nagpaalam na si Sab. Uuwi raw siya for lunch. I guess, ako rin. Ayoko naman kumain sa canteen na ako lang mag isa. Forever alone lang ang peg? tss.

*phone beeps*

San ka best? Gutom na ko eh. Lunch tau.

- Dustin

Napangiti naman ako sa nabasa ko :) So, hindi pala ako forever alone. I have my lovey...in my dreams. haha!

Sa canteen...

"Best, kamusta ang first day so far?" nakangiting tanong ni lovey Dustin habang subo nang subo ng kanin at adobong manok na ulam. Ganadong ganado talaga 'tong kumain. Kahit ano eh ganyan talaga siyang kumain. Nakakahawa tuloy. Hihi. Nakakaganang kumain lalo na't kasabay mo ang isang napakagwapong lalaking ito. Nag-iisa lamang sa mundo! And he's mine! Libre mangarap! waahahaha :D

"Ayos lang naman best. Feeling ko high school pa rin ako eh. Hehe." Sayang nga eh hindi na kita classmate, wala na kong inspiration sa loob ng classroom. Huhu! Landee mo Ania, behave! hihi.

"Buti naman best. Ang boring nung dalawang klase ko this morning. Katamad tuloy." sabi niya habang punong puno ng pagkain yung bibig. Lovey, di mo ba alam na it's bad to talk when your mouth is full? Halikan kita dyan eh! Landee mo talaga Ania :D sarap kasing titigan ng kissable lips niya eh. Nakaka-tempt! waaaa :D

"Best, di ka sumusubo? Gusto mo bang subuan kita?" nang-aasar na sabi niya. Tumungo naman ako agad at baka mahalata niya yung pamumula ng pisngi ko. Divert the topic Ania, divert! *light bulb* Ah!

"Best, classmate ko nga pala si Sab. Accountancy din siya." biglang nagliwanag yung mukha ni lovey. Sabi na eh.

"Dito rin siya nag-enroll?? This is fate best! :)) Eto na yung sign na hinihintay ko. And I need your help best, badly. Please?" nag-puppy eyes naman siya. Syeete! How can you say no to this super duper cute guy?

Anong balak mo best?? I have a bad feeling for this. psh!

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bound To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon