Location isang kanto na lang ang layo sa bahay ni yosuke...
Buhat pa rin ni scarlet si yosuke sa likod niya at wala pa rin itong Malay..
Nang makarating na sila sa bahay napansin ni scarlet na may bisita sa bahay... Bumati muna si scarlet Kay yachiko bago umakyat.....
"Dumating na po kami tita.." Sabi ni scarlet habang buhat buhat si yosuke sa likod niya
"Ah gan.... Ano ang nangyari sa inyo!?!? Bakit tulog si yosuke sa likod mo?!?!" Ang panic na sabi ni yachiko sa kanya.
"Ahmm... Nahimatay po kasi siya nung pauwi kami.. Sobrang init po kasi sa labas eh." Ang paliwanag ni scarlet. ( nagsinungaling siya Kay yachiko )
"Ganun ba?? Tara iakyat muna natin siya sa kuwarto niya upang makapagpahinga siya ng maayos." Sabi ni yachiko
Sumilip ang bisita at nagsalita...
"Ano pong nangyayari???" Ang sabi ng bisita
"Ahmmm.. Nahimatay ang anak ko pauwi galing sa labas aira." Ang sabi ni yachiko
Napansin ni scarlet ang binanggit na pangalan ni yachiko sa bisita .
Tumingin siya sa sala kung tama ang iniisip niya..
Siya nga ang kaibigan niya. Na nahiwalay pagkatapos ng kanilang teleport sa earth si aira...
"Aira!!!! Kamusta na?? Ah wait lang... Ihihiga ko lang si yosuke sa kanyang Kama." Excited na sabi ni scarlet
"Sige.. Hihintayin kita ^_^." Ang reply ni Aira
Umakyat na si scarlet at si yachiko sa 2nd floor upang ihiga si yosuke sa kuwarto niya.
"Hay naku ang anak ko talaga oh.. Buti na lang kasama mo siya scarlet. Kung hindi napahamak na ito sa kalsada. Maraming salamat sa pagbabantay sa kanya."sabay yuko ni yachiko sa direction ni scarlet
"Huwag po kayong yumuko. Wala po iyon tungkulin KO po talagang protektahan at alagaan siya ^_^ .at isa pa po pinatira niyo po ako dito ng libre at nang walang kapalit bale ito lang po ang kaya kong gawin Sa naitulong niyo sa akin." Ang nahihiyang sabi niya
"Kahit na. Kailangan ko pa ring magpasalamat sa iyo. ^_^ bilang kapalit ng pagtulong mo sa aking anak bibigyan kita ng isang wish. Kahit ano basta yung kaya KO lang na ibigay ha??" Sabi ni yachiko
Lumabas na sila ng kuwarto Habang naguusap sila..
"Talaga po?? Sige pagiisipan KO po ang hihilingin ko."
At nang bumaba sila nakita nila ang kanilang bisita na si aira na nakamasid sa aquarium.
Nang maramdaman ni aira na bumaba sila lumingon siya at kinumusta ang sitwasyon.
"Kamusta na po ang anak niyo?? OK lang po ba siya??" Sabi ni aira
"Ayun tulog na tulog. Akala mo eh nagtrabaho ng dalawang araw na walang pahinga." Sambit ni yachiko
"Best Friend!! Kamusta na?? Hinahanap kita pero Hindi kita nakita Sa buong distritong ito (T_T) 5 araw na kitang hinahanap noh." Sabi ni scarlet na umiiyak sa tuwa dahil na kita niya ang kanyang kaibigan
"Salamat hinanap mo rin ako. Hinanap din kita ng 5 araw. Binibigyan nga ako ng pagkain ng mga tindero at tindera kapag tinutulungan ko sila sa pagtitinda nila habang ako ay naghahanap sa iyo. Malapit na nga akong sumuko pero pinalakas ng isang bata ang aking loob." Ang sabi ni aira
Napansin ni yachiko na kailangan ng dalawang ito ng privacy para magusap sila ng dalawa lamang..kaya nagpasya siyang magtimpla ng juice at bumili ng miryenda...
"Hmmm... Magtitimpla muna ako ng juice para sa ating tatlo.. Ano flavor gusto niyo??" Sabi ni yachiko
"Ahmm.Orange po sa akin." Sabi ni scarlet
"Ganun din po sa akin." Sabi ni aira
"Sige.. Ah bibili muna ako ng makakapares sa juice. Dito muna kayo OK??"
"" Opo tita "" sabay bilang sabi.
Umalis na si yachiko......
"Scarlet ikwento mo ang nangyari sa inyo?? Ah!? Wait bago yun contractor mo ba ang lalaking iyon??" Excited na sabi ni aira
"Oo best siya si yosuke mendez. May nag duel sa amin kanina at siya ay nanalo pero grabe ang mga tama niya. Nakalaban kasi namin. Ang isa sa Elite na estudyante ng rebellion school." Paliwanag niya
"What?!?!? Isa sa elite ang nakalaban niyo?? Buti nanalo kayo??"
"Tsamba lang. (-_-) ang panalo namin.. Kung Hindi nagimprovise ng attack si yosuke natalo na kami."
"Hmm?? Nagimprovise?? Hindi mo ba siya tinuruan kung paanong lumaban??" Tanong ni aira
"Hindi eh nagbigay lang ako ng advice na kung saan pwde mong magamit ang imagination mo upang gumawa ng a take."
"Hay naku naman. Ano ka ba scarlet itinuro yan ng titser natin ah.. Hindi ka ba nakikinig?? Kaya pala muntik na kayo natalo eh."
"Sorry.. (-_-) naman nakakaantok kasi ang titser eh kaya Hindi ako nakikinig." Paliwanag niya Kay aira
"Dahil dyan kaya muntik na kayong mapahamak. Ano nangyari doon sa nakalaban niyo ano pangalan nila??"
"Sila si yuuto Buenaventura isang contractor at ang kanyang partner si Miu " the symbolic sword". Nang iwan namin sila tulog si yuuto at nakabantay si miu sa kanya. Hindi KO na alam kung ano na ang nangyari sa kanila pagkatapos naming umalis doon." Paliwanag niya
"Best nakahanap ka na ba ng Contractor mo?? Napansin KO kasing wala kang kasama eh." Usisa ni scarlet
"Wala pa eh pinipili ko kasi ang magiging contractor ko. Wala pa akong makita na tumutugma sa reference ko."
"Hmm.. Ano ba mga reference mo sa isang contractor??"
"Ang reference ko ay...
1. Dapat marunong magdesisyon ng mabilis sa mga sitwasyon.
2. Kayang makisama.
At panghuli
3. Hindi natatakot sa malakas na kalaban at sa ating kauri mga relv."
"Hmmm.. Parang may nakita na akong ganyan... Hmmm.. Ah!!!! Si yosuke yun.."
"What!?!? Ang contractor mo??? Eh paano mo naman nasabi yan ha?? Eh muntik na nga kayo matalo sa duel niyo kanina tapos ikukumpara mo ang ideal contractor KO sa kanya?!?! No way!!" Ang laking tanggi ni aira Kay scarlet
"Ahahahahaha sorry best biro lang yun napansin ko lang kasi Sa tatlong sinabi mo ay tugma sa kanya. Yun lang."
"Hmmp.. Sana ipinaliwanag mo ng maayos. Kaw talaga oh."
"Hahaha ipapakilala kita sa kanya baka magulat yun kapag nakita ka niya. Mapapanganga yun dahil maganda ka." ^_^
"Fufufu.. Sige aasahan ko yan. " ^_^
Dumating si yachiko dala ang mga pagkain na bibili niya sa isa cake shop.
"Oh mga iha meryenda muna tayo ng cake habang hinihintay nating magising si yosuke." ^_^ sabi ni yachiko sa dalawang dalaga
"" opo tita "" sabay nilang sagot Kay yachiko
........end of chapter 6......
Author's note
Hi.. Blazeduo here
Kamusta??? Sa kwento ni aira ?? Nabitin ba kayo?? Hayaan niyo sa next chapter makikilala niyo pa siya ng lubusan. Malay niyo maging tsundere si aira ??? O kaya'y maging yandere?? Oh pwede ding maging kuudere hahaha..well abangan niyo na lang sa next chapter.
I hope that all of you enjoyed reading my book.
Don't forget. Vote..comment and give some suggestions I'm gladly accept all of it.
BINABASA MO ANG
The Relv Choice
Aksiyona fantasy story that revolves around a boy named yosuke who happens made a contract to scarlet a relv girl by chance, she posses of a power of destruction but she can't fully use it without a contract... what will happen to yosuke's life???? taken t...