"I'll pick up you tomorrow."Sambit ni Vince pagkababa ko ng sasakyan.
"A-akala ko ba sa parents ko muna?" Yun naman kase Ang sinabi niya ng nasa bakasyon kami e.
"May gagawin pa tayo bago tayo parehong humarap sa mga magulang mo babe."
Nasa labas na kami ng sasakyan pareho, nasa harap na ko ng gate namin habang siya nasa bandang harap ko.
"Gagawin?" Wala naman akong naalalang sinabi niyang may gagawin kami.
"Ahm." Napahawak pa siya sa buhok niya tsaka sumagot. "Sige na pasok kana gabi na alam kong pagod ka sa byahe." Tsaka siya lumapit sakin tsaka humalik sa pisngi.
Napa ismid ako, Bakit sa pisngi lang?
He laughed. "Bakit?"
"Nothing, Sige na uwi kana kaagad hah."
"Hindi muna kita hahalikan hanggat hindi pa tayo kasal."sabi niya habang palapit sa sasakyan niya.
"Okay."
Nag nod lang siya bilang sagot tsaka pumasok sa sasakyan hinintay niya pa kong maka pasok ng bahay bago siya umalis.
11 p.m na kaya naman siguradong tulog na yung mga maid dito sa bahay.
Inayos ko muna yung sarili ko bago humiga sa kwarto, hindi na den siguro ako mag hihintay ng tawag ni Vince dahil alam kong pagod din siya.
Kinuha ko yung cellphone ko tsaka ko nag hanap ng mga old pics ko.
Natigil ako sa picture kong naka uniform ng pang graduation nung grade 6 ako.
"Alam mo Ikakasal na ko." Pag kwento ko.
"Ilang linggo nalang maglalakad na ko papuntang altar palapit sa lalaking gustong gusto ko."
"Ang bilis ng panahon no?gusto kong balikan tong araw na to." Tsaka ko hinaplos ung picture sa cellphone ko. "Pero alam kong mas sasaya ako kapag yung susunod na mga araw ang masisilayan ko."
"Alam kong para akong baliw sa ginagawa ko pero minsan lang naman ito kaya hayaan mo na, ngayon ko lang ulet nagawang kausapin yung sarili ko."
Sana sa huling pag sugal ko sa pag mamahal na toh, Hindi na ko mabigo.
Linagay ko sa gilid ng lamp shade yung cellphone ko tsaka ako nagpasyang matulog.
"Ma'am gising na daw po kayo, andito raw po yung mapapangasawa niyo." Biglang sabi ni manang na may hawak pang susi halatang kakabukas lang ng kwarto ko.
"Ang aga naman."
"Sorry po binuksan ko na po yung kwarto niyo, sabi ko naman po kay Sir Vince siya nalang pumasok pero ayaw po niya."
"Hah? Asan nga pala Siya?" Nagmamadali akong nag ayos.
"Nasa kusina po."
"Kusina?bakit Siya andun?"
Ang aga naman kase alas syete palang naman.
"Nagluluto po siya ng almusal niyo, hindi nga po sana ako papayag kaso nagpumilit naman po siya."
"Ah sige pakisabi baba na ko."
"Sige po ma'am."
Nakangiti ako habang nagsusuklay dahil sa iniisip ko, Hindi pa kami mag asawa pero pinagluluto niya na ko ano kaya lasa.
Pagbaba ko nasa harap na niya yung mga niluto niya, umupo ako sa kung saan siya nakatapat ng upuan tsaka kumuha ng bacon.
"Alam kong masarap ako magluto pero dahan dahan naman mahal." Sabi niya sa mayabang na tono pero malumanay.
YOU ARE READING
SINCE WE MEET
RomanceKakayanin ba ni Vince na Malayo sa babaeng minahal niya ng lubos? Vince Vince is the playboy that if everyone can look like it, not until he meets Rye who will change him. Sa isang maling araw na pangyayari, mag bago kaya ang lahat. Date started: Ap...