Taong 2012. Sa taong icecelebrate namin ang ikadalawang taon namin sa kumpanya na ito ay saka naman naisipan ng Team Leader ko na mag-resign.
"Hanep ka talaga Trisha. Di ka man lang nagpaabot ng 3 years agent. Tapos 1 year TL" Sabi ni Joseph na tropa ko at ka-team.
Sa isang BPO company sa may Ortigas kami nagtatrabaho. Nasa loob kami ngayon ng isang meeting room, naghahuddle dahil itong TL namin ay maglalast day na sa kumpanya.
"Sorry na guys. Nahanapan na kasi ako ng agency ko ng employer sayang naman yung chance ko makapagwork sa Japan" Si TL. Kabatch namin siya ni Joseph na pumasok sa kumpanya pero dahil masipag siya at magaling napromote siya agad na SME tapos Team Lead.
"Japan Japan. Sabihin mo gusto mo lang kaming iwan" Si Lorie.
"Pano na ako" Maktol ni Joseph. "I mean kami pala" Nagtawanan ang lahat. Halata naman kasi na may gusto siya kay Trisha at mukhang ganun din si Trisha sadyang mas mataas lang yung kagustuhan niyang makapagtrabaho at manirahan sa Japan.
"Ah basta. Wala ka nang magagawa Joseph" Natatawang sabi ni Trisha. "Next week na yung flight ko kaya hinuddle ko na kayo para iinform kayo kung saang team kayo lilipat. Ops teka bago kayo magreact, oo hindi kayo magkakasama. I'm sorry pero kasi walang bagong TL kaya hindi pwedeng hindi idissovle yung team. Don't worry I made sure naman na okay yung Leads na mapupuntahan nyo" Explain niya.
15 kami sa team niya, limang teams ang kailangan ng bagong agent kaya tig tatlo ang hati nya sa amin.
"Okay tapos si Peng, Sherwin, July sa Team Loraine. Then ikaw Joseph, Santi at Chad sa Team Frances kayo" Si Trisha.
"Naks. Ganda ng off nyo, Santi" sabi ni Sherwin sa akin.
"Ay shucks onga! Sat Sun sila TL Frances!" Excited na sabi ni Chad"
"Happy ka ghorl?" Sabi ng beking friend niya na nahiwalay ng team.
"Wag ka mag-alala my friend, magkatabi naman ng bay yung team natin"
Bumulong sakin si Joseph, "May kakilala kaba dun?"
"Si TL Frances lang. Bago yung mga agents niya wala pang 1 year"
"Basta loyal ako sa Team Trisha"
Kung ano anong pagiging loyal pa ang sinasabi nitong si Joseph pero nung pagdating ng Lunes at isa isa kaming pinakilala ni TL Frances sa team niya, talo pa niya ang isang kandidato at nakipagkamayan pa sa lahat ng mga bagong ka-team.
"Okay so welcome to the team, Santiago, Joseph and Chad. Hindi pa yan sila kumpleto kasi nasa HR pa yung dalawa may inutos lang ako. Wait natin sila pakilala ko kayo then start na tayo meeting-- Ay andito na pala sila" si TL Frances.
Bumukas yung pinto ng meeting room. Unang pumasok yung lalaki na medyo may edad at isang babaeng nakasuot ng salamin sa mata.
Maganda.
Mukhang masungit nga lang.
"Lucille, Michael sila yung galing sa Team Trisha. Si Santiago, Joseph at Chad" Tinuro kami ni TL Frances isa isa. "Pakilala muna kayong dalawa, dating gawi"
Yung Michael yung nauna. "Hi, ako pala si Michael. 40 years old na ako, daddy Mikmik nalang tawag nyo saken para smooth" nagtawanan ang buong team. "3rd BPO company ko na. Si Batman favorite kong superhero. Mahilig ako sa babae, joke, I mean magbasketball" mas lalong nagtawanan ang buong team. Natatawa din ako pero nadidistract kasi ako dun sa Lucille.
"Naku dad patay ka sa asawa mo niyan" sabi nung isa namin ka-team.
"Ikaw na nga Cille baka mapahamak pako sa bunganga ko"
Tumawa si Lucille. "Hi!" Masayahin naman pala siya, mukha lang masungit. "Lucille, pero Cille nalang for short. 1st BPO ko and mahilig akong magbasa ng libro"
Yun lang? Pwede more?
Bumalik na kami sa bay ng team namin, kanya kanya na silang upo sa mga station nila at naiwan kami sa entrance ng bay. Itinuro ni TL kung saan kami pupuwesto.
Sa loob loob ko, sana makatabi ko siya.
"Chad, dun ka sa gitna ni daddy Mikmik at Jen. Santi, dito ka sa unahan tabi ni Kenneth. Joseph, sa tabi ka ni Cille"
Malas naman oh.
"Ah sa CEU ka pala nag graduate. Ano un pagka-graduate mo nagwork ka na agad sa BPO?" Ang daming tanong nitong si Joseph kay Cille, ang lakas lakas pa ng boses. Nakalimutan ata ng mokong na nasa trabaho sya.
"Hindi, nagvolunteer muna ako sa ospital para makakuha experience" sagot ni Cille.
Ah nurse siya.
"Tapos inaya ako ng friend ko mag-BPO para may sahod. Kasi maghahighschool yung kambal kong kapatid, pandagdag tulog din kila mama"
"Ah eh maliit ba sa sahod sa hospital?"
"Walang sahod kasi volunteer lang. Pangarap ko talaga magnurse kaso need ng pera"
Grabe. Ang bait niya. Nagsakri--
"May boyfriend ka?"
***
BINABASA MO ANG
DRIFTED
Chick-LitSabi nila meron daw taong itinadhana para sayo. Na kahit anong layo ng nilakbay mo magtatagpo at magtatagpo kayong dalawa. Pano mo nga ba malalaman kung nakatadhana kayong dalawa? Na hindi ito another cruel shit that life gives you.