Napuntahan na ni Kiyota at Seki ang Sarusawa Pond. Tumunog ang cellphone ni Seki tinignan nya kung sino nag text at napatawa sya.
"Bakit?" tanong ni Kiyota
"Si Tito Rio, nag text pagkaalis natin nagising na rin si Andrei umiiyak dahil nalaman na magkasama tayo" sagot ni Seki
"Hahaha. Talaga ba. Aww, kawawa naman si Andrei" comment ni Kiyota
"May pinapasabi si Andrei"
"Ano?"
"Ibili mo daw sya ng toy at for the record pinahiram nya lang daw ang kanyang Ate Seki kay Kiyota"
Smug si Seki ng inulit ang sinabi ng pamangkin na tinext ng kanyang tiyuhin. Natawa naman si Kiyota dahil naiimagine nya ang looks ni Andrei habang sinasabi ito "Hindi ka laruan baby. Love ka lang siguro talaga ni Andrei bilang tita nya. Paki text kay Tito Rio ibili ko si Andrei ng toy ano ba favorite nya? And Iingatan kita syempre". Nag smile naman ang dalaga "Makakarating po.. Hmm tamis, baby gutom na ako". Tinanong naman ni Kiyota kung saan gusto kumain ng girlfriend nya, nag isip naman si Seki ng lugar ay naalala nya ito, sinabi rin nya sa boyfriend "Pasensya na Kiyota-kun hindi ako magaling mag describe ng lugar". Nag smile naman si Kiyota "It's okay Baby.. May waze naman, punta na tayo 11:30 am na".
Papunta na si Kiyota sa parking ng hawakan ni Seki ang palapulsuan nya, "Baby, may mga small cafe stalls dito, dito na lang tayo mag lunch tsaka hindi pa natin napuntahan ang Todai-ji Bell Tower". Tinignan ng binata ang kanyang girlfriend may maliit na pink dust ang cheeks nito "Aww, sure baby.. Puntahan natin ang bell tower" hinalikan ni Kiyota ang labi ni Seki, peck lamang ito "Masyado kang cute". Hinawakan ang kamay ng girlfriend at nagtungo na sila kung nasaan ang mga cafes and shops along the path to the Todai-ji Bell Tower.
.
.
.
.
.Napili ng couple ang isang small cafe na pagmamay ari ng matandang mag asawa, nakasaad sa menu na family business ito mga anak at apo ang server at ibang staff. Binigyan ng green tea ng waitress sina Seki at Kiyota "Thank you Miss". Nag smile lang ang waitress, sinabi ni Kiyota ang order nila.
"Baby, mabuti dito mo napili kumain, malaki tulong sa kanila ang business na ito" comment ni Kiyota
"Nakita ko kasi na marami sila parokyano sa tingin ko masarap ang pagkain dito" nag sip si Seki ng tsaa
"Oo nga, naalala ko si Mamita at si Lolo Dad, hands on talaga sila sa business at gusto ko rin tumulong sa mga katulad nila lalo na sa may maliit na negosyo" pag amin ni Kiyota
May secret smile naman si Seki habang nag sip ng tsaa, ito ang isa sa dahilan kung paano nya minahal si Kiyota. Kilala ito ng iba bilang maangas at happy go lucky guy ngunit behind the facade may malasakit ang binata sa mga nakakatanda in which mahalaga rin sa dalaga. "Here is your order. Enjoy your meal" wika ng waitress, dahilan para maputol ang iniisip ni Seki. Inasikaso agad ni Kiyota ang girlfriend "Baby, ito kain ka, huwag ka magpagutom ah" nilagyan ng binata ng meat and vegetable ang mangkok ng girlfriend. Ngumiti naman si Seki at binigyan rin ng pagkain ang boyfriend.
.....Natapos na sina Kiyota at Seki kumain at nagtungo sila sa cashier para magbayad. "Here's your change" wika ng cashier at iniabot ang sukli. "Ma'am keep the change na po" wika ni Kiyota. Nagulat naman ang daughter in law ng may ari dahil malaki ang amount ng sukli, nag bow sya kasama ang asawa "Thank you Sir... Ma'am. God bless po". Ngumiti lang si Kiyota, si Seki ay nag bow rin sa mag asawa "Thank you din po. Masarap po ang pagkain ninyo". Tumalikod na sina Seki at Kiyota, hinawakan ni Kiyota ang kamay ni Seki at papunta na sila sa Todai-ji Bell Tower, pinagmasdan naman sila ng mag asawa sa cafe hanggang makalayo sila.
Nakita nina Kiyota at Seki ang ilang turista na ang bell din ang sadya. "Baby, subukan natin?" pag anyaya ng binata. "Pagkatapos nila, ask natin yung lalake na yun" tinuro ni Seki ang lalaki na sa tingin nya in-charge sa Todaiji Bell Tower. Naghintay sila ng ilang minuto bago lapitan ang lalake.
"Sir pwede po ba namin subukan?" tanong ni Kiyota
"Ah iho, nako by midnight ng huling araw ng taon lamang pinapatunog sa public ang bell rito. 26.3 tons ang bigat nito" paliwanag ng lalake
"Ay ganun po ba? Bigat pala nyan. Sayang" malungkot na wika ni Seki
"Oo iha, pang 7 and 8 kayo na gusto subukan ito ngayon araw" comment ng lalake
"Pwede po mag pa picture na lang?" pakiusap ni Kiyota
Nag nod naman ang lalaki, pinuntahan ng couple ang pila na katulad nila gusto na magpapicture. Mga 2 minutes lang sila nag antay at pagkatapos at ginuide na sila ng lalake kung saan allowed pumwesto. Nagpasalamat sina Seki at Kiyota sa lalake, "Welcome, balik kayo sa new years eve para mapatunog nyo ang bell. Tip lang before 10:30pm pumila na kayo ng mas maaga mahaba ang pila at by number". Nag smile naman ang couple "Sige po. Tatandaan namin po ang bilin ninyo".Pagkatapos ay bumalik sila sa Nandaimon Gate kung saan may dalawang statue ng deer "Kiyota... ito mga 'to ang nagrepresent sa Nio Guardian Kings.. Ang cool diba?" wika ni Seki. Namangha ang binata sa nakita nya "Wow... Kung hindi po ipinaliwanag baby na statue sila, akala ko totoo sila na animal" pinindot nya ang mga statue. Natawa naman si ang dalaga sa antics ng boyfriend "Gusto mo picturan kita?" pag offer nya. Nag nod naman si Kiyota "Sige.. then after picturan rin kita.. Ang ganda mo talaga Seki ngayon sa kimono na suot mo" compliment nya. Nag pout naman ang dalaga, "Ngayon lang..." todo paliwanag naman ang kasama nya. "I'm just kidding" wika ni Seki. Nakita ni Seki ang isa sa sikat na lugar sa loob ng Nara Park "Baby... pasok tayo sa loob ng Todaiji Museum" anyaya nya habang naka nguso upang ituro ang sinasabi nya na lugar.
Hindi naman inasahan ng dalaga na hahalikan sya ng boyfriend "Ay akala ko gusto ng baby ko ng kiss" simpleng galawan ni Kiyota. Nag blush lang si Seki at nang mahimasmasan ay niyaya na ang binata papasok sa museum, kilig na kilig naman si Kiyota at humagikgik habang pinagmamasdan ang girlfriend na todo blush pa rin.