"Congratulations, anak! Job well done! For now, concentrate on your review. When are you gonna take the board, by the way?" Ngiting ngiting bati ng dad ni Rust sa kanya habang inaabot ang ulam kay tita Rachel. Nakakatuwa dahil hindi mo aakalaing ang respetado at isa sa pinakamagaling at pinakasikat na architect sa buong Pilipinas ay isang mapagmahal at butihing asawa at ama. Napaka maasikaso ni tito Rob at kung ituring niya si tita ay parang isang reyna. Napaka sweet pa din nila tulad din ng parents ko kaya nakaka inspire bumuo ng family din with Rust someday.
Nag invite sila ng dinner dahil celebration daw ng pagtatapos ng two years apprenticeship ni Rust. Tita even wants to throw a party pero hindi pumayag si Rust kaya simple dinner na lang dito sa bahay nila. Tinanong din ni tito kung kailan siya mag ti take ng board exam kasi kung tutuusin ay merong exam na magaganap in two months time. Pero kapos na sa oras kung magrereview pa siya dahil tulad namin ay matagal din ang review nila kaya maaaring sa susunod na exam na lang siya mag take. I still don't know his plans sa sobrang pagkaabala naming dalawa kaya mataman akong nakikinig habang kumakain.
"I'm going to take the exam this coming June, dad." Sabi naman niya nang malunok ang kinakain niya.
"Oh, that soon? How about your review?" Tanong naman ng mommy niya na tulad ko ay nagulat.
"Yeah. I still have a month to review mom." Sabi naman niya at bumaling naman sa akin at tinanong kung gusto ko pa ng rice pero umiling ako dahil busog na ako.
Habang nag wo work kasi si Rust ay nag se-self review din siya. Matalino siya kaya alam kong kaya niya kung mag ti take man siya ng exam this June.
"Jen, you have to eat more. Pumapayat ka anak?" Masuyong sita naman sa akin ni tita na tila nag-aalala.
"Busog na po kasi ako tita dahil nag snack ako kanina sa work." Magalang ko namang sagot at ngumiti ng matamis sa kanya. Nakatingin din si Rust sa akin at nangunot pa ang noo.
"Baka naman workaholic ka na din tulad nitong si Rust, Jen? Just take it easy, mga anak. Don't rush things. Be serious with your job but don't forget to enjoy and don't pressure yourselves too much." Sabi naman ni tito sa amin ni Rust. Nagkatinginan lang kaming dalawa.
After naming kumain ay nagkwentuhan muna kami about work at nagbigay din ng mga payo ang parents niya. Di nagtagal ay nagpaalam na din kami ni Rust at lumalalim na din ang gabi.
"So,you're going to take the board already?" I asked while he's driving.
"Uh-huh." Tipid niyang sagot at naka focus lang sa pag mamaneho. Napatango na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.
"You've lost weight. Are you still eating on time?" Tanong naman niya at saglit kaming nagkatinginan at muling niyang itinutok ang mata niya sa daan.
"Nakakalimutan ko minsan eh." Sagot ko naman habang nakatingin sa labas.
"What? Babe?" Nang aakusa niyang tanong. Nangunot naman ang noo ko dahil ganun din naman siya. Kung diko pa siya aakyatan ng pagkain, di na niya maaalalang kumain. Dahil abala din ako nitong mga nakaraang araw, halos di na ako nakakapagluto at madalas sa labas kumain.
Hindi na lang ako umimik. Nakita ko namang lumingon siya sa akin pero hindi na ako nag abalang lumingon pa. Tahimik na lang kami hanggang sa makarating kami sa condo.
"Saan ka matutulog?" Tanong niya pagkapasok namin ng building. Nakasunod siya sa akin habang naglalakad papuntang elevator.
"Sa unit ko." Tipid kong sagot sa kanya. Hindi na din ako natutulog sa unit niya lately dahil masyado siyang naging abala nitong patapos ang apprenticeship niya. Madami siyang kinailangang tapusin kaya nagpaka abala na din ako sa work. At kapag nagkakataong off ni Max ng weekend binibisita namin si Jaz at ang baby niya.
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
RomanceThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish