VERONICA'S POV
"Ayoko dito Laurent!" bulong ko sakanya.
"Huh eh wala ka ng choice at wala kana din magagawa. Pag sinabi ni Blaze , Gagawin niya talaga, Gusto niya kasi laging siya ang nasusunod."
"Ehh!" Reklamo ko.
"What's happening here?" Tanong ni Vladymyr.
"Ayaw kas-----" tinakpan ko ang bunganga ni Laurent para hindi niya masabi ang totoo.
"Ahh kasi ano , gusto kasi magpalibre ni Laurent sa'yo.Diba Laurent?" Saad ko , kinurot ko ang tagiliran ni Laurent.
"Ahh oo , tara libre mo naman kami ni Grace." Sambit ni Laurent.
"Lets go." Saad ni Vladymyr.
"Hmmm , kayo nalang maglilinis pa ako dito sa makalat na bahay ni Blaze eh." Nahihiya kong sabi.
"Ano ka ba naman , hayaan mo muna yan pwede naman yan mamaya. Kami ang bahala kay Blaze. Diba Laurent?" Saad ni Vladymyr.
"Oo naman! Si Vladymyr ang bahala kay Blaze."
"Bat ako lang? Dapat ikaw din." Natatawang saad ni Vladymyr.
"Ano sasama kana ba? Libre pa naman ni Vladymyr , minsan lang yan manlibre."Umiiling na sabi sakin ni Laurent.
"Sige na nga , mapilit kayo eh. Basta kayo ang bahala kay Blaze ha?" Bulong ko.
"Oo naman si Vladymyr ang bahala." Bulong ni Laurent.
"Lol." Sambit ni Vladymyr at lumabas.
"Mas mabuting wag ka ng magpaalam , kasi hindi ka nun papayagan." Bulong ni Laurent.
Oo nga , baka hindi ako payagan nun. Bahala siya , minsan ko lang maka-bonding si Vladymyr. Pwede namang mamaya yung paglilinis ko sa Condo niya , saka kada linis ko may kalat na naman. Tsk , tsk ,tsk.
"Tara na , baka maabutan niya pa tayo." bulong ko kay Laurent.
Dahan-dahan kaming lumakad papunta sa pinto , para hindi kami mahuli ni Blaze.
"Ayan konti nalang." Bulong ni Laurent.
"At saan kayo pupunta?." Tanong ni Blaze. "Paktay!" Bulong ni Laurent.
Dahan-dahan kaming humarap ni Laurent kay Blaze. "A-ahh ano....Magde-date sila Vladymyr at Grace." Saad ni Laurent , nanlaki ang mata ko. Siniko ko siya.
"H-huh? Hindi ah." tanggi ko pero parang hindi siya maniniwala. Eto naman kasing si Laurent eh.
"What?! Date? Seriously , mas uunahin mo pa yung Date niyo ni Vladymyr kaysa sa akin?" Sigaw ni Blaze. Mas lalong nanlaki ang mata ko. Napansin kong napangisi si Laurent.
"Woah , may naamoy ako." Pang-aasar ni Laurent. Hinampas ko siya."Aray naman!" Reklamo niya.
"I-i mean , mas uunahin mo yun kaysa sa paglilinis ng C-condo ko? Baka nakalimutan mo Maid kita , at ako ang Amo mo kaya ako ang magdedesisyon kung...." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang sumingit si Vladymyr.
"Hey , antagal niyo. Kanina pa ako naghihintay sa baba.Lets go!."Saad nito at agad din namang umalis.
"A-ahh sige Aze! Mauna na kami ha? Magde-date pa sila ni Vladymyr eh. Byeee!" Saad ni Laurent at hinila ako palabas ng Condo.
"Pangeeeeeeet!!!" Rinig naming sigaw ni Blaze.
Tumawa si Laurent."Grabe yung reaction niya nang malamang magde-date kayo , I think he is slowly falling for you." Nakangising sabi ni Laurent. Pumasok kami sa loob ng Elevator.
"Tss , malabo pa sa blurred yang sinasabi mo."
"Malay mo naman , kasi dati diba? Na-inlove rin siya sa isang Nerd."
"Dati yun , hindi na ngayon. Tingnan mo nga oh , para kaming aso't pusa. Hindi kami magkasundo kasi lagi kaming galit sa isa't-isa. At sa tingin ko hindi na kami magkakasundo pa." Umiiling-iling na sabi ko.
"Ano ka ba , mabait naman yan si Blaze eh. Nagbago nga lang dahil nga sa nakaraan niya." Saad ni Laurent.
"Parang ako." Bulong ko.
"Bakit? Nagbago ka din?" Tanong niya.
Biglang bumukas ang Pinto ng Elevator."Ah wala wala sabi ko tara na dun kasi kanina pa naghihintay si Vladymyr."
______________________
Nandito na kami sa Parking Lot ng Hearty Mall. Nakababa narin kami sa sasakyan nang biglang tumawag si Dad.
"Wait lang ha? Sagutin ko lang 'to." Paalam ko sa kanila. Tumango lang silang dalawa.
Medyo lumayo ako dahil baka marinig nila ang usapan namin. "Hello dad?"
"How's your day? My Beautiful Daughter Veronica?"
"Well , I'm fine." Masaya kong sabi. Kailangang ipakita ko sakanya na ayos lang ako kahit napalayas ako ni Aling Marites.
"Really? ayos ka lang? Kahit napalayas ka na ni Aling Marites?" Natatawang sabi ni Dad.
"Yes."
"So , where are you now?" tanong niya.
"Sa lugar kung saan mas gugulo ang buhay ko. By the way Dad , nanakaw yung 10 thousand na binigay mo sakin."
"So? Hihingi kaba ulit ng pera?"
"No , I can live without your Money Dad , i have a new Job ,So i can buy anything what i want." Saad ko.
"Wow , you're improving!!! That's good to know. By the way I have a meeting , I will End this call. Bye!" Sambit niya at agad pinatay ang Call.
"Dad? Naks naman yayamanin yung tawag mo sa tatay mo ah?" Saad ni Laurent. Narinig niya kaya lahat?
"H-hindi ko tatay yun, kaibigan ko yun. Dad kasi yung Nickname niya."
"Eh anong tunay na name niya?"tanong ni Laurent.
"A-aahh , D-dado. Oo dado ang name niya!" Masayang sabi ko.
"Halina kayong dalawa , ang daldal niyo talaga." Natatawang sigaw ni Vladymyr.
Nagtawanan kaming tatlo.
Bago kami makapasok ng Mall sy may nahagip ang mata ko.
"Celso?" Bulong ko.
Hindi ako pwedeng magkamali , siya yun! At sino yung kasama niyang magandang babae? Yun na yung pinalit niya sakin?
Ewss!
"END OF CHAPTER 7"
~Binibining_Eca
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW. THANK YOU!.
05/27
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Novela Juvenil𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...