Prologue

25 0 0
                                    

PROLOGUE

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely conicidental.

No part of this book may be reproduced or trandmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.

Plagiarism is a crime.

******

Third Person's POV

REAL QUICK SARANGHAE!!

MICHAEL JI!!

OLIVER LEE!!!

REAL QUICK! REAL QUICK! REAL QUICK!

WE ARE QUICKERS!!

Napatakip si Hera ng tenga dahil sa ingay na naririnig habang inaabangan nila ang pagdating ng bandang kinagigiliwan, ang Real Quick.

Hindi pa man nagsisimula ang concert ay hindi na magkamayaw ang mga fans dahil ito ang unang beses na magconcert ang banda sa bansa. Nilingon ni Hera ang kaibigan na panay na rin ang sigaw at katulad niya ay excited na rin ito sa pagsisimula ng performance.

"El, CR muna ako." Tumango ang kaibigan sa kanya kaya agad siyang umalis sa pwesto at lumabas ng concert arena. Habang naglalakad si Hera sa hallway ay hindi sinasadyang mabunggo siya ng kung sino kaya napaatras siya pero may humawak sa likod niya bago pa siya bumagsak.

"Sesanghe, Theo!" pagtawag ng isang lalaking sumambot sa kanya sa lalaking lumabas galing ng dressing room at bumangga sa kanya.

"Gwenchana?" natulala siya nang matitigan ang lalaking nagtanong sa kanya, na siya ring sumalo bago pa siya bumagsak.

"Oliver!!!" masayang pagtawag ni Theo nang makita ang kabanda.

Theo Kim o Kim Eun Ji, having the mischievous smile among the four makes him get every woman he wants and having a childish personality makes him cute. He is the bassist and visuals of the group, also the maknae or youngest among the four.

"Are you a kid? Stop playing around and practice your piece." Malamig na sabi ni Oliver, ang lalaking sumalo sa kanya para hindi ito bumagsak.

Oliver Lee o Lee Jae Shin, he is the smartest and a serious one. He is the main vocalist and keyboardist of the group, sometimes a lead guitarist. Napakamot ng ulo si Theo bago ituro si Darryl.

"Darryl runs after me." Nakangusong sumbong ni Theo, lumapit naman si Darryl at pinitik ang noo nang nakangusong kabanda.

"Because you don't listen to me." Matigas na english ni Darryl, siya ang lalaking galing sa dressing room.

Darryl Choi o Choi Min Hyuk, he is also charming like Theo. Marami nang naging girlfriend. He is the drummer and rapper of the band.

"Muntik na kayong makasakit." Sabi ni Oliver, gusto niya mang kiligin dahil nakilala niya ang tatlo miyembro ng bandang hinahangaan ay pinigilan niya ang sarili. Totoo nga ang alam niya na may lahing Pilipino ang mga miyembro ng Real Quick at marunong silang magtagalog.

"Say sorry to her," parang matandang sabi ni Oliver sa dalawang isip batang kabanda. Yumuko ang mga ito sa kanya at sabay na nagsalita.

"Joesonghamnida," sabay na sabi ni Darryl at Theo, ngumiti si Hera at kinilig sa dalawang gwapong lalaki na nakayuko sa harap niya.

"She can't understand you, pabo." Sabi ni Oliver.

"No, gwenchasoumnida." Nakangiti niyang sabi kaya natulala ang tatlong lalaki sa kanya. Natuto lang siya sa hilig sa panonood ng KDrama pero kaunti lang ang nalalaman niyang hangul.

"What are you doing? Did I tell you to practice?" Nilingon nila ang nagsalita at ang bagong dating kaya mas lalong nagrambulan ang paruparo sa tiyan ni Hera. Ang seryoso at nakakunot noong si Michael na naglalakad palapit sa kanila.

Michael Ji o Ji Sung Ho, the leader and the band vocalist. The coldhearted leader and the unpredictable, also he is a composer of their songs. He has a cold aura, he also known for having an orange hair.

'Goldfish' nasa isip ni Hera. Kaya kunot noong tumingin sa kanya si Michael na parang narinig ang nasa isip niya.

"Okay, let's go. Sorry again Miss because of my friend's childish behavior." Ngumiti lang siya kay Oliver na kahit walang emosyon ang mukha ay ramdam ang sincerity sa boses.

Umalis na ang tatlo na kanina lang ay kausap niya at nilingon si Michael na naiwan sa harap niya. Kunot ang noo nito pero angat pa rin ang kagwapuhan.

"Who are you? Are you their new flavor? Don't they have a taste?" nanlaki ang mata niya mula sa narinig, he's her bias oppa or favorite member among the rest but he is a jerk.

"W-what?" di makapaniwala niyang tanong pero nagkibit balikat na lang ito at walang pasabing naglakad papasok ng dressing room na pinasukan ng mga kaibigan.

Natulala si Hera at nanatiling nakatayo sa pwesto ng ilang minuto bago matauhan. Napailing siya at naglakad na pabalik, nakalimutan niya nang umihi dahil sa apat na miyembro ng iniidolong banda.

"Sa CR ka lang galing pero ang tagal mo, saan ka ba nakarating? Magsisimula na dahil dumating na raw ang banda." Bungad ni Elisha nang makalapit siya sa pwesto nila. Nagkibit balikat siya at muling tinuon ang atensyon sa stage na nagsimula nang umusok, hudyat na paakyat na ang banda sa stage.

Panay lang ang tili nila nang umangat ang platform na tinutungtungan ng miyembro at lumitaw ang apat bago pumunta sa kanya- kanyang instrumento. Muli niyang naalala ang engkwentro sa apat na miyembro at natawa dahil sa katangahan niya. Nakaharap niya na ang apat, di man lang siya humingi ng autograph o picture.

"Anong tinatawa mo?" malakas na tanong ng kaibigan niya dahil sa ingay ng paligid. Napailing siya bago tumalon at nakisabay na lang ulit sa tugtugan.

Matapos ang concert ay nauna nang maglakad si Hera papuntang parking dahil nagrestroom pa ang kaibigan. Malapit na siya sa parking at sa kotse ni Elisha nang mapahinto siya dahil nalito siya kung saan nga ba nagpark ang kaibigan.

Nagulat na lang siya ng may kamay na humatak sa kanya. Napatakbo siya kasabay ng kung sinong lalaki, tiningnan niya ito pero hindi niya makita ang mukha dahil may suot itong itim na face mask at black cap. Nang huminto sila sa likod ng isang magarang sasakyan ay hinarap siya ng lalaking bigla na lang humatak sa kanya kaya napaatras siya sa takot na baka kung ano ang gawin sa kanya nito.

"What are you doing here?" nanlaki ang mata niya nang tanggalin ng misteryosong lalaki ang cap na suot, si Michael Ji.

"Ahmm, you grabbed my hand?" patanong na sagot ni Hera at pinakita ang kamay niyang hawak nito pero nagulat siya nang umirap si Michael bago bitawan ang kamay niya. Is he gay?

"Are you my fan?" tanong nito kaya tumango siya. Ngumisi si Michael bago kumuha ng marker sa bulsa at hawakan ang likod niya para makatalikod si Hera. Naramdaman niyang may isinulat ito sa likod niya bago siya hinarap ulit.

"May autograph ka na, so stop following me around." Sabi ni Michael at agad siyang tinalikuran, naglakad na ito papunta sa kotse sa kanilang harapan. Naiwan siyang tulala kahit na nakaalis na ang magarang asul na kotse sa harapan niya. Napangiti siya makalipas ang ilang minuto.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon