Prolouge

10 8 0
                                    

Prologue: Start

"Sige na, Aela. Gipit ka din naman diba?" parang baliw na sambit ni Pito. Pinipilit niya akong magnakaw. Kahit na ganito ang buhay namin ay hinding hindi ko yun gagawin!

"Baliw ka ba? Ano namang sinabi nila Trino sayo?" sigaw ko. Isa sa mga adik ang grupo nila Trino dito. At nababalitaan ko na lagi niyang kasama ang mga yon sa mga nakaraang linggo.

"hahaha, Walang kinalaman sina Trino dito Aela. Sige nga, paano ka makakapagbayad ha!" nakakalokong tawa ang pinakawalan niya. Napailing ako. Malakas na ang tama nito. May utang ako oo, pero hindi ang pagnanakaw ang solusyon para makapag-bayad!

I turned my body away from him. He was crazy! He literally was. It's no new here to use drugs, not me of course. I'm not that crazy to do that.

Nilibot ko ang tingin sa paligid at mapait na napangiti. Ang Unfair. Sobra. Ang Paligid ay magulo at makalat. Lahat ay halos nababaliw na dahil sa kawalan ng pagkain. Kailan kaya magbabago ang lahat? I wonder if, dadating pa ba ang araw na yun.

I'm living in the town of Riverhill's where there is a division of life. Paupers and Dives. Pauper is poor, and Dives is Rich. And i belong... to Paupers. Tinanaw ko ang napakalaking dingding na naghihiwalay sa mga Paupers at Dives. Tanaw na tanaw ko ang naglalakihang mga estraktura at maaliwalas na paligid sa likod ng napakataas na dingding, Ang lugar ng mga Dives, Dives Town. Hindi katulad dito sa Pauper Town na baliktad.

Everyday is like a new survival game. You need to fight to live. Katulad na lang ng ginagawa kanina ni Pito. Gusto niya kong isama sa pagnanakaw. Saan naman sila magnanakaw? Dito sa Pauper Village, na lahat kami ay isang kahig isang tuka din naman.

The Wall of Division. Yan ang tawag sa pader na nagdi-divide sa aming lahat.

"Ano, Aela? Sasama ka ba?" rinig kong tanong ng nasa likuran ko.

Tamad akong lumingon at ngumisi kay Pito.

"Saan naman kayo magnanakaw?" natatawa kong tanong.

"Aba, minamaliit mo ata ang grupo nila Trino, Aela! Mayroong sikretong daan patungo diyan sa Dives! Diyan kami magnanakaw!" mayabang na sabi niya at tinuro turo pa ang parte ng Dives.

"Nababaliw na nga talaga kayo. Good luck na lang."

"Tsk. Hindi ka ba napapaisip Aela. Kapag sumama ka ay hindi ka na mahihirapan pa maghanap kung saan makakakuha ng pagkain, makakabili ka na rin ng lahat ng gusto mo!" asik niya sa akin.

Inirapan ko siya at sumandal sa railings ng terrace sa bahay ko. Sumunod pa talaga siya dito sa bahay ko para pilitin ako sa bagay na halata namang wala akong interes.

"May iba pang paraan Pito."

"Wala nang ibang paraan Aela! Kapag pinanganak kang mahirap mamatay ka ding mahirap! Tandaan mo yan!" sigaw niya sa akin.

"Diyan ka na nga. Kung magbago isip mo alam mo kung saan ako mahahanap." huling sabi niya at lumisan. Malakas pa ang pagkasara niya ng pinto. Muntik pang masira ang pinto ko sa lakas mg pagkasara niya. Buti na lang ay hindi nasira, kung hindi ay aayusin ko pa.

'Kapag pinanganak kang Pauper, mamatay ka din bilang isang Pauper!" tipikal na salita ng mga tao dito sa Pauper Village. Hindi ko naman sila masisisi dahil Proven at tested na din ng ilan. Wala kang choice kung isa kang Pauper. Hindi maayos na sistema sa paraalan at sa paligid.

Nag-iisa na lang ako sa buhay. Patay na ang magulang ko sa pagtatangkang maging isang Dives. Katulad nila, magiging ganon din ang kapalaran ng plano nila Pito.

Hating gabi sa kaligatnaan ng tulog ko ay narinig ko ang kalabog ng pinto sa bahay ko. Napabangon ako at binuksan ang pinto ng wala sa wisyo. Hindi ko na naisip kung may masama mang loob dahil wala naman silang mananakaw sakin.

The Riverhill's Division Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon