-2-

41 2 0
                                    

            NAPABUNTONG-HININGA si Off ng madatnan sa bahay ang mommy na nakakunot na naman ang noo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAPABUNTONG-HININGA si Off ng madatnan sa bahay ang mommy na nakakunot na naman ang noo.

"Good morning Mom." Humalik siya sa pisngi nito.

"Good morning to you too." Sarkastikong tugon nito. "Sana alam mong may anak ka Steven at kagabi ka pa hinihintay ni Win. Halos hindi na kumain ang bata dahil nangako kang sabay kayong matulog." Napakamot nalang siya ng batok bago bumuga uli ng hangin.

"I'm sorry Mom, hindi ko rin expected na ma-e-extend ang operasyon ng pasyente ko ng anim na oras." Off Steven is a surgeon. "Pagkatapos kong magclock out ay dumiretso na ako ng uwi." Pasado alas tres na ng madaling araw at pagod na pagod siya. "Don't worry I'll make it up for Win. Wala akong pasok hanggang bukas."

Naiiling nalang ang ina. "Kung alam kong kulang nalang ay matulog ka na sa hospital dapat talaga ay hindi na kami nag-invest doon ng Daddy mo." Hindi nalang niya pinansin ang ina dahil memorized na niya ang sasabihin nito. "Bakit hindi mo bigyan ng isa pang magulang si Win?" Natigilan si Off sa sinabi nito dahil unang beses niyang narinig ang tanong na iyon sa nanay niya.

"Saan niyo naman po nakuha ang ideyang iyan?"

"You are not getting any younger Steven, you are already thirty and Win is already four. Lumalaki na ang bata at one of these days ay baka magtanong na siya kung bakit wala ka pang asawa. Anak, hindi naman kami mapili ng Daddy mo. We will accept anyone as long as maaalagaan kayong dalawa ng anak mo."

The idea is absurd, noong gustong magkaapo ang nanay ay pinagbigyan niya ito and thus Win exist. Hindi naman siya nagsisisi na isinilang si Win dahil nagkaroo ulit ng buhay ang bahay nila. He's the only son of their family, his parents were both doctors. His mom retired ten years ago at ito rin ang katuwang niya sa pag-aalaga ni Win while his father is still working and the head director of the hospital where he's working.

"I'm busy Mom, wala pa sa utak ko na mag-asawa and besides Win is already here. Siya nalang ang bigyan natin ng oras."

Napabuntong-hininga ito. "Iba pa rin kung may partner ka, not for you Steven but for Win. Kahit papaano ay may maiiwan sa kanya kapag busy ka. Kung ayaw mong mag-asawa then a partner will be okay o kahit girlfriend lang."

"Mom, pwede bang hindi natin pag-usapan ito? I'm really tired." Iwas niya sa topic. He hates the idea of marrying, he will never devote himself to one person anymore... never again.

"Sana pag-isipan mo ang sinabi ko anak. Sige, matulog ka na at baka ikaw na ang maghatid sa anak mo sa school pambawi man lang sa hindi mo pagtupad ng pangako sa kanya." Tumango si Off at pumanhik na sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. This is not really his house, may sarili siyang bahay pero dahil walang mag-aalaga sa anak niya doon kaya napilitan silang lumipat muna dito pansamantala.

Pagbukas niya ng pinto ay lumapit siya sa kama at hinalikan sa noo ang kanyang anak. Totoong nakakawala ng pagod sa ilang araw na wala siyang tulog.

A Chaotic Surprise (OFFGUN AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon