KWATRO

3 0 0
                                    

Kakaiba ang mga nangyari kagabi. Sure na sure ako na sila Mommy at Daddy ang nakita ko pero potek wala ako maalala after nun.



Ikinuwento ko ang mga nangyari kagabi sa duo kong kaibigan gamit ang walkie-talkie namin. Bwiset lang dahil pinagtawanan lang nila ako. Mga letse!



Sa sobrang gulo ng mga pumapasok sa isip ko, nag pasya akong umalis ng bahay at nag lakad-lakad sa buong baranggay namin para mag isip-isip.



Habang ako ay naglalakad, iba sa aming mga kalaro ay masasayang nag pa-patintero sa daanan. Pero di ko sila binigyan ng pansin kahit gustong gusto ko makipag laro sa kanila.



Nasa dulo na pala ako ng baranggay namin nang hindi ko namamalayan. Nag balik lang ako sa aking wisyo nang matagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa may tawiran. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta.



Napakamot na lamang ako ng ulo at napamulsa. Nalaman kong nasa bulsa ko pala iyong pocket watch na binigay sa akin ni Tita Weng. Ni hindi ko din alam kung paano napadpad ito dito. Kinuha ko na lamang ito at napag-isipang pagmasdan.



Napaka ganda nung pocket watch kung tutuusin. Kulay ginto ito at mukhang makaluma. Naalala ko tuloy iyong binabasa sa akin ni Mommy na Alice in Wonderland tuwing bago ako matulog, na kung saan gamit ito nung kuneho na hinahabol ni Alice.



Sinubukan kong bukasan iyong pocket watch. Pagka bukas ko ay may naka ukit na sulat sa top cover nito.



"Never forget. November 2, 2008?"



Ang weird. November 2 din ako iniwan nila Mommy pero sigurado akong 1993 nila ako iniwan kay Tita Weng. Baka nagkamali lang sila nung sinulat nila ito. At ang big question dito ay kung bakit ito ang iniwan nila Mommy't Daddy sa akin.



"Hoy yung bata mababanga!"



Nilingon ko ang matandang babae na sumigaw. Nakakapag taka kung bakit niya nasabi iyon.



BEEP! BEEP!



May rumaragasang truck na pala ang papalapit sa akin! Hindi ko magawang maikilos ang aking mga paa dahil sa sobrang panic. Pota naman ayaw ko pa mamatay.



"AYYYY!"



Napapikit na lamang ako. Sana makita ko pa sila Mommy at Daddy ulit. Gusto ko pa makasama yung duo at magkulitan sa kanila. Si K, kahit bobo ng kaunti nakakatuwa pa din siya kasama. Si Tita Weng, kahit hindi ko siya paboritong tita, nagpapasalamat ako at kinupkop nila ako. Yung mga pinsan ko, kahit napaka kulit nila, mababait pa din sila sa akin. At saka kay Rose, hindi pa ako umaamin na gusto ko siya–––



Lumipas na ata ang ilang minuto at wala pa din akong nararamdaman na humahampas sa akin. Parang napaka tagal na nang mga naiisip ko ngunit di pa din ako deads.



Tinry ko buksan iyong isa kong mata. Pinikit ko ulit. Namalik mata ata ako sa nakita ko. Binuksan ko naman yung kabila.



TUD!



Napaupo ako sa aking kinatatayuan nang maabsorb ko kung ano ang nakita ko.



Lumantad sa harap ko ang malaking bumper ng truck. Buti na lang at nakapag break agad si kuyang driver. Huuuu tenkyu lord!



Ngunit parang nakakabingi naman ata ang katahimikan. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Pag lingon ko, yung ale na tumitili kanina ay naka akmang tumitili pa din. Iyong mamang traffic enforcer na nasa kabila ng tawiran ay mukhang walang magawa na ewan. Tapos, yung mga ibon na nag sisiliparan ay naka tigil lang ang pag lipad.



Ang cool.



Naisip ko na katulad ito nang nabasa ko dati sa libro ni Mommy about time freeze na nangyayari lamang sa mga fiction stories. Nakakapag taka lang kung paano nangyayari ito sa totoong buhay.



Nag bigay liwanag ang pocket watch na hawak ko di kalaunan. Ito ang naging  dahilan upang mabigyan ko ito ng pansin. May mga simbulong nagmamanipesto mula sa liwanag na hindi ko maintindihan kung ano ang mga nakasulat na iyon. Kapagdaka ay nagsara na ng kusa ang pocket watch.



Sinamantala ko ang pagkaka hinto ng oras. Mabilis akong tumawid papunta sa kabilang kanto.



Nang makatawid na ako ay inisip ko kung paano makakabalik sa dati ang mga nangyayari. Sinubukan kong mag concentrate. Nag i-imagine ako na gumagalaw ang orasan sa aking isipan.



Sa di maipaliwanag na kadahilanan ay nakaramdam ako ng pagkirot ng aking dibdib. Parang ngayon pa lamang nag sisimulang tumibok ang puso ko.



SCREEEEEEEEEEECH!



Muling nag balik ang ingay ng paligid. Ang naudlot na hiyawan kanina ay tuluyan nang natapos. Ang mga tao naman ay nag simula na muling gumalaw.



"Hala, san na yung bata?"



"Oo nga! Akala ko nabangga siya."



Hindi magkanda ugaga ang mga tao sa aksidenteng kanilang nakita. Kumaripas ako ng takbo, baka makita pa nila ako kung sakali.



Hindi ako makapaniwala sa naisip ko. Nagagawa kong makakapagpahinto ng oras. Angas kooooooooo. Pero mukhang delikado ata pag gamit nito. Kailangan ko mapag aralan ito ng maigi.

Youth of Fiasco (2021)Where stories live. Discover now