❂ CHAPTER 84 ❂

8 2 0
                                    

[Addison's POV]

Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin ako sa paligid. Nakapatay na ang iilan sa mga ilaw na nandito dahil malalim na ang gabi.

Napatingin ako sa kisame at napatitig ako doon. Hindi ko sinasadyang maalala si Jace kaya nakaramdam ako ng pag aalala.

Sana ayos lang siya ngayon. Hindi ko siya nakausap at nakamusta man lang kanina. Naubusan kasi ako ng oras para gawin yun. Gusto ko sanang malaman kung ayos lang ba siya at wala bang nananakit sa kanya sa loob ng kulungan.

Huminga ako ng malalim at pilit kong inalis yun sa isip ko kahit na mahirap. Kilala ko si Jace, matatag at malakas siya. Hindi siya basta basta nalang nagpapatalo kaya hindi ako dapat na mag alala.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at huminga ako ng maluwag para pagaanin ang loob ko. Matutulog na sana ulit ako pero narinig ko na parang may kumakaluskos doon sa kabilang selda kaya kumunot ang noo ko.

Idinilat ko ulit ang mga mata ko at tumingin ako doon. Nang nakita ko na kung anong nangyayari  doon ay nagtaka ako pero hindi ako nagsalita ng kung ano.

Nakita kong nakatayo ang halos lahat ng mga presong nandoon na para bang may pinapanood kaya kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kung ano man ang pinapanood nila at nagtaka ako nang nakita kong may bitbit na gunting na puno ng dugo yung babaeng tinuturing nilang pinakamakapangyarihan doon. 

Kitang kita ko rin na tumutulo na ang dugo mula sa mga daliri nung isa sa mga babaeng nakaupo lang doon kaya mas lalo pa akong nagtaka. Bakit nila ginagawa yan dito? Gusto ata nilang makulong habang buhay?

"Maawa ka mayora! Wag mo akong patayin!"

Pagmamakaawa ng babaeng nakaupo sa upuan pero wala namang ginagawa. Napairap ako habang nakatingin sa kanila pero hindi nalang rin ako umimik. Hindi ako makikisali sa kanila. Ayokong madagdagan ng ilang taon ang sintensya ko.

"Manahimik ka! Kung magigising ang mga pulis higit pa dito ang gagawin ko sayo!"

Pasigaw na bulong nung mayora nila. Tumingin siya sa paligid nila kaya ipinikit ko ulit ang mga mata ko para hindi nila mahalata na gising pa ako at para magpanggap na tulog. Ayokong madamay sa kabulastugang ginagawa nila.

Ilang saglit ay ibinuka ko ulit ang mga mata ko at nakita kong malayo na mula sa akin ang tingin nilang lahat. Napatingin ulit ako sa ginagawa nila at maya maya ay hinawakan ng mayora nila ang kalendaryong nakabitin lang doon kaya nagtaka ako.

Nang inalis niya ito sa dingding ay nagulat ako nang may napansin kong may hukay pala doon na puno ng mga gamit pangputol o kung ano ano pa. Kumunot ang noo ko habang nakatingin doon pero hindi ko ipinahalatang gising pa ako. Paano nila napasok ang lahat ng yan dito?


Isinauli ng mayora nila ang hawak hawak niyang gunting at kumuha siya ng plais. Tiningnan ko ng mabuti ang ginagawa niya at nginisihan niya yung babaeng pinapahirapan niya.

"Hindi mo kasi ako sinunod kanina. Ako ang mayora dito kaya dapat sundin mo ako!"

Pabulong na sigaw ng babaeng yun at inipit niya ang daliri ng isa pang babaeng yun gamit ang plais. Napahagulhol ang babaeng yun dahil sa sakit na nararamdaman niya pero wala naman siyang ginagawa.

Pinanood ko lang sila hanggang sa natapos na sila sa ginagawa nila. Nilinisan na nila ang kalat na ginawa nila saka sila tuluyang natulog.

Habang tahimik na tahimik ang paligid ay may biglang pumasok sa utak ko kaya napatulala ako dahil sa pag iisip. Napatingin ulit ako doon at sa kalendaryong itinatakip nila sa mga patalim na mga itinatago nila.

Napangisi ako habang nakatingin doon. Pwede ko silang gamitin para bumaba ng ilang taon ang sintensya ko.

____________________________

THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon