CHAPTER 78: PAGHIKAYAT

29 4 0
                                    

Matapos makita ng mga kaibigan ni Jett ang Area kung saan ito lumundag, nataranta sila dahil lumundag ito sa pinaka malalim na parte ng pool. Lalo na si Reysha dahil naisip nyang mali din ang paghihikayat nya kay Jett para lumangoy sa tubig.

Reysha: "Jusko!!! Jett!!! Mali ang nilundagan mong Area sa pool!!! Nasa 8 Ft. ka!!!"

Matapos lumundag, dumiretso sa ilalim ng tubig si Jett at nataranta ng hindi nya maramdaman ang sahig ng pool. Kaya nagpumiglas syang lumangoy papunta sa ibabaw ng tubig.

Archie: "Guys!!! Kunin nyo si Jett!!! Magmadali kayo!!!!"

Carl: "Teka?!! Hindi ba sya marunong lumangoy?!!!!"

Reysha: "Marunong sya!! Pero magulo lang ang isipan nya!!!"

Agad lumundag si Reysha sa pool kung saan nagpupumiglas na hindi malunod si Jett at hinila nya ito papunta sa gilid ng pool tsaka kumapit sa handle bar. Pinuntahan naman sila ng kanilang mga kaibigan..

Albert: "Jett!! OK ka lang?!!!!"

Rochel: "Anung nangyari kanina?!! Bakit bigla kang lumundag sa tubig ng hindi tinitingnan ang lulundagan mo?!!"

Jett: "Ewan ko. Nadala lang ako ng inis kanina."

Lunabelle: "Nadala ng inis? Nag-away ba kayo ni Reysha sa Shed kanina?"

Reysha: "Guys. Kung OK lang, pwedeng maiwan nyo muna kami? Tsaka wag nyo na syang alalahanin kasi ligtas na sya sa pagkalunod."

Dahil sa napansin ng kanilang mga kaibigan na may konting hindi pagkakaintindihan sila Jett at Reysha, iniwan na muna nila ang dalawa sa gilid ng pool at bumalik sila sa parte ng pool na mababaw.

Reysha: "Jett!! Anu bang ginawa mo kanina?!! Nagpapakamatay ka ba?!!"

Jett: "Eh...malay ko bang 8 Ft. pala ang lalim nitong nalundagan kong parte ng pool."

Reysha: "Anu bang gusto mong patunayan sa paglundag mo kanina?!"

Jett: "Gusto kong patunayan sa harap mo na hindi ako takot tumalon sa tubig!!"

Reysha: "Napatunayan mo nga!! Pero muntik ka na naman malunod!!"

Jett: "Eh sabi mo hindi ka makikipag-date sa akin kapag hindi ko kayo sinamahan sa paliligo nyo!! Kaya ginawa ko na lang kung anu ang nararapat!!"

Reysha: "Kahit na malunod ka?!!"

Jett: "Oo!!"

Natigilan si Reysha sa sagot ni Jett at nagsisisi sa kanyang nasabi.

Reysha: "Ehhh.....Sorry kung nasabihan kita ng ganun. Gusto ko lang naman na samahan mo kami sa paliligo. Pero kung ayaw mo talagang maligo dahil sa natatakot ka nang lumusong sa tubig, mabuti pa na hayaan na lang kita."

Jett: "Alam mo, kung lalaki ka lang, babatukan na kita eh!!!! Huli na para pabalikin mo ako sa shed!!! Basa na ang sando at shorts ko!! Buti nga, hindi ko dala ang Cellphone ko!!! Kaya naman, kailangan mo akong turuan sumisid sa pool!!"

Reysha: "Ha?!! Eh marunong ka naman lumangoy di ba?!!!"

Jett: "Oo!!"

Reysha: "Eh di Sumusid ka!!"

Jett: "OK!! Ipapakita ko sayo!!!"

Mula sa gilid, sinipa ni Jett ang pader ng pool tsaka sya lumangoy papunta sa gitna at lumubog sa tubig. Ngunit napansin ni Reysha ang isang bagay na hindi na maipagkakaila pa ni Jett sa kanya.

Reysha: (Pambihira ka Jett. Napakayabang mo. Hindi ka naman pala marunong lumangoy!!!!)

Agad lumangoy si Reysha sa gitna ng pool at muli na naman nyang hinila si Jett pabalik sa gilid. Huminga naman ng malalim si Jett matapos syang dalhin ni Reysha sa gilid.

Reysha: "Jett. Magsabi ka ng ng totoo, hindi ka ba marunong lumangoy?"

Jett: "Marunong ako lumangoy, OK?! Kulang lang ako sa praktis."

Reysha: "Pwede ba?!! Wag ka nang magsinungaling!!!!!! Nakita na nga kita eh!!!!!"

Jett: "Sabing marunong ako!!"

Reysha: "Eh bakit lumubog ka sa gitna kanina ha?!!!!"

Jett: "Eh syempre!! Napagod ako!!"

Reysha: "AAAAARRRGGGHHH!!!!! Nakakainis ka na ha?!!!!"

Sa inis ni Reysha, tinulak at sabay silang nahulog ni Jett sa pool. Muli na namang nagpumiglas sa paglangoy si Jett nang bigla syang hinila ni Reysha sa loob ng tubig. Sa sobrang taranta ni Jett, aksidente nyang naibuka ang kanyang bibig at lumabas ang halos lahat ng hangin na kanyang naipon.

Kaya tinakpan nya ng kanyang dalawang kamay ang kanyang bibig upang mapanatili ang konting hanging natitira sa loob nito. Hinila pa sya lalo ni Reysha sa loob ng tubig hanggang sa maabot ng kanila paa ang sahig ng pool. Halos maubusan na ng hangin si Jett dahil sa pagkataranta at lalo pa syang nataranta ng alisin ni Reysha ang kanyang mga kamay mula sa kanyang bibig. Hanggang sa hinawakan ang kanyang ulo at idinampi ni Reysha ang kanyang bibig kay Jett sabay buga ng hangin sa loob ng labi nito. Dahil sa ginawa ni Reysha, biglang nahimasmasan si Jett at niyakap ang katawan nito hanggang sa hindi nila namalayang lumulutang na pala ang kanilang katawan pabalik sa ibabaw ng tubig.

Pagdating sa ibabaw, agad inilayo ni Reysha ang kanyang mukha at nakahinga naman ng maluwag si Jett habang yakap si Reysha.

Reysha: "Jett. Takot ka pa bang lumangoy sa tubig?

Jett: "H-Hindi na."

Reysha: "Eh di effective din pala ang ginawa ko para bumalik ang tapang mo sa paglangoy."

Jett: "Oo nga. Nakakatuwa lang isipin, kakaiba ang paraan ng panggagamot mo sa akin."

Reysha: "Atleast OK ka na. Tsaka, ginawa ko yun bilang paalala sayo sa tuwing sisisid ka o lalangoy sa tubig na nasa tabi mo lang ako nang hindi ka mataranta."

Jett: "Oo. Lagi kong tatandaan ang sinabi mo. At salamat.

Reysha: "Hehe.....Walang anu man. Pwede mo na siguro akong bitawan."

Jett: "Hindi muna."

Reysha: "Bakit hindi?"

Jett: "Sagutin mo muna ako."

Reysha: "Sige. Anu yon?"

Jett: "Pwede ba tayong magdate sa Linggo?"

Reysha: "I-Iniimbitahan mo akong makipagdate?"

Jett: "Oo. Bakit? Ayaw mo ba?"

Reysha: "Siyempre gusto ko. Pero saan naman?"

Jett: "Surpresa na lang kung saan. Basta 8 o'clock ng umaga tayo magkita ha?"

Reysha: "Sige pupunta ako. Tsaka bumalik na rin tayo sa mga kasama natin. Baka magtanong na naman sila kapag napansin nilang matagal tayong nag-uusap."

Jett: "Oo. Mabuti pa nga."

Reysha: "Pero, paunahan sa pag langoy ha?"

Matapos mag-usap at magawang ibalik ni Reysha ang tiwala sa sarili ni Jett, bumalik sila sa kinalalagyan ng kanilang mga kaibigan tsaka sila nag-usap ng mga kung anu-anu at nagkaroon pa ng konting laro.

Ilang oras pa ang lumipas, umahon na ang mga magkakaibigan mula sa pool at bumalik ang lahat sa kanilang Cottage house upang maghapunan, pagkatos nilang magbanlaw at magpalit ng tuyong damit. Matapos maghapunan, sandaling nagkwentuhan ang grupo at nagkaroon ng konting pillow fight ng dahil sa konting pag-aaway nila Carl at Aileen sa Remote ng TV hanggang sa mapagod ang lahat at natulog sa kani-kanilang mga kuwarto.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon