Chapter 05

133 5 0
                                    


Trespasser

Chia's P.O.V

Naisipan kung lumabas ng bahay dahil wala naman akong magagawa dito. Lumabas ako sa library at dumeritso sa kwarto ko para maligo at magbihis narin.

Nagsuot lang ako ng pantulog para hindi halata na lalabas ako hihihi. All white color ang suot ko. Pajama and longsleeve. Pinalugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng dalawang hairpin na demon emoji.

Tingin sa salamin.

"Yan okay na" May kulang pa pala. Kinuha ko ang white shoes ko sa walk-in closet at sinuot, para Hindi ako mahihirapang tumakbo ng mabilis hihi. Alam niyo na basta gusto mong makalabas ng bahay kailangan talagang tumakbo para hindi mahuli.

Tiningnan ko ang orasan na nasa study table ko. It's already 11:42 am na pala. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko, kapag naliligaw ako may matatawagan ako diba ang talino ko?...ok let's go na.

Lumabas ako ng kwarto na parang walang binabalak. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan na agad akong tinawag ni lolo na nakaupo pala sa sofa at nagbabasa ng comics.

"Matutulog ka nanaman?" Tanong niya na pinasadahan ako tingin at agad ring binalik sa binabasa niya. Hindi ko siya pinansin at dumeritso sa dinning hall.

"Wala nang pagkain" Bigla akong napahinto sa sinabi ni lolo. Nakasimangot akong humarap sa kaniya.

"Lolo nagugutom na ako" Kunwaring iyak ko at sinabayan ko pa nang yuko hihihi.

"Edi umorder ka" Hayss hindi talaga nadadala. Tinahak ko ang daan patungo sa malaking pintuan. Humarap ako sa gawi ni lolo na nagbabasa parin.

"Sa garden lang ako lolo bibisitahin ko lang ang mga bulaklak don aakyat rin ako mamaya para matulog wag mo akong isturbohin lo---esti Dre huh?" Bigla siyang ngumiti ng matamis dahil sa tinawag ko sa kaniya.

"Segi Dre may pupuntahan rin naman ako mamaya" Galing ko talaga. Malaki ang ngiti kong lumabas ng gate sakto naman wala si manong Jose ang security guard sa gate namin.

Gusto kung maglibot dito sa loob ng village namin pero mamaya na, lalabas muna ako.

Alam niyo? Subrang tahimik sa daan. Nang makalabas na ako sa village ay agad kung sinundan ang mga batang naglalaro ng habul-habulan.

"Waaaaa sali ako!!" Nakangiting sigaw ko dahilan para mapahinto sila at sabay-sabay napatingin sakin. Bali anim sila apat na lalaki at dalawang babae. Pinasadahan ko sila ng tingin as in silang lahat. Puro madudumi ang suot pati mukha ang dugyot. Hindi ako nanghuhusga guys huh---pero totoo nakakaawa sila.

"Waaaa parang crush ko na siya" Wow di tayo talo pre!

"Waaa ako din" Gaya-gaya.

"Gusto ko siyang maging--"

"Hoy mga bubwit! Sali naman ako ano bang nilalaro niyo?" Masayang tanong ko at lumapit sa kanila.

"Talaga po ate?!" Sabay'ng sigaw nila with matching talon.

"Oo naman naglalaro ba kayo ng habul-habulan?" Taas babang kilay kung tanong.

"Actually ate naghahanap kami ng mapagtripan diba guys?!" Wow! Gusto ko rin yun.

"Tara saan tayo maghahanap?" Nakangising tanong ko. Nagkatinginan muna sila bago ngumiti sakin ng matamis.

"Pero ate hindi ka ba nandidiri samin? Madumi kami at mabaho at panget tapos ikaw ang ganda ng suot mo at mabango tapos maganda nakalaglag short" Malungkot nilang sabi, agad naman siyang binatukan sa isang babae.

She's A Temporary Teacher In Her Fathers SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon