CHAPTER 10 - LoveNat

357 36 4
                                    

VERONICA'S POV

Nandito na kami ngayon sa baba ng Monte Villa Building. Si Brent naman ay umuwi na rin sakanila. Inuwi na rin namin si Laurent sakanila dahil tulog na tulog parin siya.Sa sobrang pagod narin siguro niya.

"Hmmm , sure ka ba na kaya mo na yang gamutin?." Tanong niya na may halong pag-aalala.

"Yup! I can , thank you nga pala sa paghatid sakin." Sambit ko. Ngumiti siya.

"Wala yun. Pasensya na nga pala kung natagalan kami ni Laurent kanina ha? Inatake din ako ng ano eh , hehe alam mo na. Kung di kami natagalan , edi sana hindi sayo yan nangyari."

"Ano ka ba , ayos lang yun. Dumating naman si brent." Sambit ko habang nakangiti. Tumaas ang dalawa niyang kilay. Hmmm.

"Aww okay. I need to go now. Hindi na kita ihahatid sa taas ah? Kanina pa kasi tawag ng tawag si Mom , nakailang text narin siya sakin. Goodnight Grace , See ya tomorrow!." Sambit niya at biglang hinaplos-haplos ang buhok ko.

"Hehe , goodnight din. Thank you sa paglibre samin ni Laurent." Nakangiti kong sabi. Tumawa siya."Wala yun ano ka ba." natatawang sabi niya.

Pagtapos nun ay agad siyang umalis. Ako naman ay pumasok na sa loob ng building.

Agad akong dumiretso sa Condo ni Blaze. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob.

"Bakit hindi nakalock?" bulong ko.

Pagkapasok ko sa loob ay agad na bumungad sa akin ang tulog na si Blaze. Bakit naman sa Sofa 'to natulog? At bukas pa ang Tv huh?

Pinatay ko ang Tv at nilapitan ko siya. Parang lamig na lamig siya ah? Kasi naman bakit di pa 'to natulog. Tss.

Tinitigan ko siya.

Napakabait kapag tulog , daig pa ang mukha ng Inosente. Pero pag gising , napakagrabe!!

"Tss , gwapo ka sana kaso ang pangit ng Hairstyle mo. Kulot salot." Natatawang bulong ko. Napansin kong kumunot ang noo niya. Eh gising naman pala 'to eh!

"Lakas ng gana mong manlait 'no? Kala mo napakaperfect mo , atleast ako buhok lang ang pangit. Eh sa'yo lahat." Masungit niyang sabi habang nakapikit. Tinalikuran niya ako.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Hindi kasi ako SINUNGALING."

"Tss. Ang ingay mo." Sigaw niya.

"Ikaw yung maingay! May pasigaw-sigaw ka pa kala mo naman napakalayo ng kausap mo." Sigaw ko din.

"Eh ikaw din naman! Kala mo napakalayo ng kausap mo. Eh ang lapit-lapit ko naman." Sambit niya.

Kumunot ang noo ko."Napakalapit nga , hindi naman matinong kausap. Buti pa si.."

"Sino? Si Vladymyr o si Brent?" Masungit niyang sabi. Nagtaka ako. Hinarap ko siya sa akin."Aray ko naman , napakalakas mo talagang babae ka." Reklamo niya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Oh a-ano?!" Utal niyang tanong.

"Sinundan mo ba ako kanina?" Seryoso kong tanong.

"H-hindi 'no , bat naman kita susundan? Mahiya ka nga sa pinagsasasabi mo." Tanggi niya. Ngumisi ako.

"Eh paano mo nalaman na kasama ko si Brent?"

"M-may sinabi akong brent? Laurent sabi ko."

"Hindi ako bingi , shunga. Wag mo ng itanggi , huling-huli kana." Seryoso kong sabi.

Tinarayan niya ako. Ay ang efal huh?

Tinalikuran niya ulit ako."Tss. Bahala ka dyan, guni-guni mo lang yan. Gabing-gabi kana umuwi parang di ka babae." Bulong niya , rinig ko naman. Nananadya talaga 'tong lalaking 'to.

"Nye nye nye." Sambit ko. Pinitik ko ang noo niya. Naramdaman kong mainit siya. Hinawakan ko ang leeg niya. Mainit siya.

"Mainit ka ah? Lagnat ka."

"Hindi ba obvious?" Mataray niyang sabi. Daig niya pa may regla. Psh.

Inabot ko ang kamay ko sakanya. "Ano yan?" Tanong niya. Pinitik ko ang tenga niya. "Aray ko naman! Hilig mong manakit!" Reklamo niya.

"Nagtanong ka pa , eh alam mo namang kamay 'to."

"Alangan namang paa. Para san ba yan kasi?"

"Tara na." Walang ganang sabi ko.

"Saan ba kasi?." Inis niyang tanong. Napakapabebe naman.

"Sa kwarto." Saad ko.

"Ha!! Ayoko nga , tayo? Magtatabi? Ews!" Sigaw niya. Napatampal ako sa noo.

Kineltukan ko siya sa ulo. "Gago ka ba? Sa tingin mo yan yung gagawin ko? Mag-isip ka nga." Reklamo ko.

"Tss."

"Tara na." Saad ko.

"A.Y.O.K.O." Sambit niya. Ah ganon? Ayaw?

"Hala may ipis!" Sigaw ko.

Nataranta siya."Ha! Saan? Patayin mooo! Bilis!" Sigaw niya. Napatakip ako ng bunganga , natatawa ako.

"HAHAHAHAHA!"Hagalpak ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Tiningnan niya ako ng masama. "Tss. Bahala ka dyan." Sambit niya at agad na pumasok sa kwarto niya.

"Eto lang pala yung makakapagpapasok sayo eh." Bulong ko habang nagpipigil parin ng tawa.

Naalala ko nga pala kanina , binigyan ako ni brent ng isang pang-spray. In case daw na may magtaka na namang saktan ako. Gagamitin ko muna 'to kay Blaze , para makatulog agad siya.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako makikita. Agad kong in-spray sa mukha niya , dahilan para mawalan siya ng malay.

"Kawawang Blaze. Takot pala sa ipis. Napakasiga mo tapos takot ka lang sa ipis?"Natatawang sabi ko.

Kumuha ako ng tubig at bimpo para ipunas sa katawan niya. Pinunasan ko siya sa Kamay , paa , at mukha niya.

"Ano ba naman 'to."bulong ko. Tinaas ko ang damit niya , tumambad sa akin ang six pack abs niya. Aba may abs pala ang lokong 'to?

"Jusko lord." Bulong ko. Dahan-dahan kong pinunasan ang dibdib niya pababa sa abs niya.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Kung gusto mong hawakan ang abs ko , wag mo akong spray-an ng pampatulog." Nakangisi niyang sabi. Napalayo ako sakanya.

"H-hindi ko g-gustong hawakan yan. Pinunasan ko lang , dahil p-pinapahupa ko ang init sa katawan mo." Utal-utal kong sabi. Nakakahiyaaa!!! Bat ba kasi nakalimutan kong 20 minutes lang yung epekto nung pampatulog!!!

"Tss. Bakit di mo hayaang uminit yung katawan ko? Mas lalo mo lang akong pinapaini..."

"WAAAAH! TUTULOG NA AKO BAHALA KA DYAN!" Sigaw ko at tumakbo papalabas ng kwarto niya.

NAKAKAHIYAAAAA TALAGAAAA!!!!! GRRR!!! NAKAKAINIS KA TALAGANG BLAZE KA!!!

"END OF CHAPTER 10"

~Binibining Eca

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT ,AND FOLLOW. THANK YOU!!

05/30

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon