Chapter 4- A Point on Life

27 12 0
                                    

Joshua's POV

Wag mong ibaba yung telepono sabi ko sa kapatid ko na si Vanessa habang paalis ako sa restaurant

"Kuya may mga tao dito na sinasabing papalayasin na tayo dito sa bahay hindi ko matawagan sila mama at papa dahil gabi pa sa bansa kung nasaan sila" Natatakot na boses ng kapatid ko

Uuwi na ko dyan sabihin mo dun sa landlady na sandali muna at hintayin niya ko kamo

Habang nakasakay ako sa jeep naiisip ko na kung sana nandito yung mga magulang naming ay maayos sana kami hindi alam ni Vanessa na may kanya kanyang pamilya na ang mga magulang namin sa ibang bansa nagpapadala nalang sila dito ng pera pero hindi ko yun masyadong ginagastos sinusuportahan ko si Vanessa at ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtratrabaho ko sa mga part time jobs at yung pera naman ng mga magulang namin ay ginagamit ko sa pag aaral namin at mga ibang bayarin

Pag dating ko dun nakita ko si Vanessa natatakot siya kaya nilapitan ko siya at kinausap ko yung landlady na wag na ulitin ito kasi babayaran ko naman ehh at sana wag niya na takutin kapatid ko

"Hmm ok basta mgbayad kayo sa tamang oras at hindi to mangyayari" masungit na sabi nung landlady

Dibale Vanessa lilipat tayo ng bagong titirahan sa susunood na buwan ok

"Cge po kuya" malumanay na sabi ng kapatid ko

Naaawa na ko sakanya gustong gusto niya na mabuo yung pamilya namin

Pero Malabo na yun siguro may tamang time para sabihin sakanya

After kong ayusin yung mga gamit at linisan yung boung bahay pati narin patulugin si Vanessa nag ayos na ako ng sarili ko para pumasok ulit sa cerezo hospital

Dahan dahan kong nilock yung pintuan dahil mababaw lang yung tulog ni Vanessa baka magising pa

Pasakay na ako ng jeep ng biglang narinig ko yung boses ni Vanessa na tinatawag ako

Nung pupuntahan ko na siya isang mabilis na kotse ang biglang sumulpot at isang malakas na pag bangga ang narinig ko

Dali dali akong pumunta takot na takot ako baka nabangga niya si Vanessa

At totoo nga nakita ko siya Vanessa walang malay at may mga sugat

Nataranta ako at humingi ako ng tulong nakita ko din yung driver ng kotse isang babae at mukhang malala din yung tama pero inuna ko muna yung kapatid ko mabuti nalang na hindi siya masyadong nabangga mga konting sugat lang at dahil sa impact kaya siya nawalan ng malay dali dali kong binigyan ng first aid si Vanessa nung nagising siya ay nakahinga ako ng maluwag buti nalang at konti galos lang ang natamo niya

After niya pinuntahan ko yung driver ng kotse mukhang malala mga sugat niya pero nabigyan ko naman siya ng first aid at dumating na yung ambulansiya

Dumating kami sa hospital at inasikaso agad sina Vanessa at yung driver matapos ang isang oras ay naging ok na din ang lahat pinuntahan ko si Vanessa at kinamusta yung kalagayan niya at dun muna ako nagbantay sakanya kinagabihan 

........

Gloomy Night Under the MoonlightWhere stories live. Discover now