First Day
Akira's POV
Ako nga pala si Akira Imperial 4th year high school student.
Ngayong araw ay papasok na ko sa paaralang Reedley International High School at balita ko mataas ang posisyon mo sa paaralang iyon if you are from wealthy family.
The hell Man!? Anong klaseng school yon? Bumabase sa katungkulan ng pamilya tsk!.
Kalma Akira aga aga sinisira mo kagandahan mo chill ka lang!
"Ma alis na po ako!" sigaw ko kay mama na inaasikaso ang almusal ng mga kuya ko.
"Sige anak, mag iingat ka loveyou!" Sigaw saken ni mama habang nag bigay pa ng Flying kiss.
Si mama talaga ang sweet masyado na akong nilalanggam!
School..
Nandito na ko sa gate hmm mukha namang walang kung anong kaguluhan ang nangyayari sa school na to kase ang tahimik.
Hinanap ko agad ang sinabi sakin na section Poseidon daw ang pangalan ng section na yun.
Jusko! Kanina pa ko nag hahanap kung saan saang building nasa unang building lang pala at nasa 2nd floor! Pinahirapan pa ko tsk!.
Nung nasa harap na ko ng room kitang-kita ko yung mga estudyante mukha nanaman silang mababait except don sa mga nasa likod.
Sheeet! Ang creepy nila!!
Napansin kong may lumapit na lalaki sakin at tinignan nya muna ako bago sya mag salita.
"Hey miss ikaw ba yung transfery student na sinasabi nila?" Kalmado nyang tanong sakin.
Wala akong balak makipag usap sa mga tao lalo na sa hindi ko kilala tsk.
"Ah yes may i come in??" Mahinanon kong sagot sa lalaki na nasa harapan ko.
"Sure, Feel Free" sabi nya sakin sabay kindat.
Para san yon kuya? Tulig kaba?
Pumasok nalang ako at ramdam ko ang prisensya ng mga taong to!
Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? Charot.
May nakita akong bakanteng upuan don sa likoran wala naman akong magagawa kundi umupo don tsk mukhang may nag mamay ari na nung ibang bakanteng upuan kase may nakalagay na mga bag.
Tulala lang ako sa kawalan dahil wala pang teacher na dumadating at na bored na ko dito sa pwesto ko sabayan pa ng lalaking masungit na katabi ko.
"Hey! Stop staring me like that!" Nagulat ako sa sigaw nya jusko di ko namalayan na nakatitig pala ako sa kanya!
Ano bang katangahan ginagawa mo akira!? Bat kaba nakatitig don sa lalaking yon?!
"S-sorry may d-dumi kasi sa mukha mo!" Palusot ko nalang para di masyadong mapahiya jusko!
Kumuha sya ng towel sa bag nya tapos pinunasan nya yung mukha nya.
HAHAHAHA uto-uto!! Jok.
Nag ring na yung bell sign na ata yun na start na ng first subject.
Biglang may pumasok na lalaki na mukhang nasa 30's na, sya na ata yung teacher namin.
"Okay class! Today we have a transfer student and mukhang nandito na sya sa inyo. Please stand up" Sabay turo nya sakin "Please Introduce your self " Agad naman akong tumayo sa kina uupuan ko at lumapit sa harap.
Kinakabahan ako putek!
"Hi everyone I'm A-akira Imperial and t-today i'm part of this section now i hope y'all get along to me!" Sabay ngumiti ako sa kanila.
"Thankyou for introducing your self Akira get back to your seat now" Tumango nalang ako kay sir at bumalik sa pwesto ko.
Ayon lang ang ginawa kong pagpapa kilala kase wala namang nakaka interesado sa buhay ko.
"Akira from now on I'm your teacher and my name is Alfred Baltazar" Agad naman nag bigay si sir ng napaka lawak na ngiti.
Ilang oras na ang nakalipas at nagpaalam na si sir samin at ngayon ay lunch time na.
"Uhm, Hi Akira!" Bati sakin nung babaeng lumapit sakin.
Ang ganda ng ngiti nya shemay!
"H-hello may kailangan kaba?" Sinuklian ko din sya ng napakalawak na ngiti.
Nakatitig lang sya sakin bago sya magsalita.
"A-ano kase... P-pwede bang sabay tayo sa pumunta sa canteen!?" Nagulat ako sa kanya di nya kelangan sumigaw huhu.
"Oo ba wala din naman ako kasama pumunta don, ano pangalan mo?" Ang ligaya nyang tumingin sakin.
Nakakagaan ng loob heheheh.
"Ako si Trisha Valenciano nice to meet you Akira!"Nakaka good mood sya kausap.
Canteen...
Nandito na kami ni Trisha sa loob ng canteen hawak hawak nya ko sa braso habang napila kami.
Shuteks! Ang daming tao halos di nako maka hinga sa sobrang dami!
" Trisha ayos ka lang ba dyan? Di kaba nila naiipit?" Muntik na akong matatawa habang sinasabi ko yun kay Trisha HAHAHA maliit na babae kasi sya.
"O-okay lang ako Akira" Sabi nya sakin at binigyan nanaman ako ng napaka lawak na ngiti!!
Wag kang ganyan Trisha baka di ko mapigilan sarili ko at makurot ko pa yang mataba mong pisngi!.
Ilang minuto din ang nakalipas bago kami makabili ni Trisha ang haba ba naman ng pila.
Sa wakas after 10 years nakabili nadin kami ni Trisha!
Nagulat nalang ako kay Trisha kase biglang humigpit pagkaka hawak nya sa braso ko at ramdam kong nanginginig sya.
"Trisha ayos ka lang? Bat namumutla ka may sakit kaba!?" Di ko na napigilan ang sarili ko napakalas ata sigaw ko sa kanya.
Di sya kumikibo at nakatingin lang sya kung saan. Sinundan ko yung tingin nya at nakita ko yung mga babaeng nakaupo sa lamesa at mukhang nagtatawanan sila habang nakatingin kay Trisha.
Hmp! Sino naman tong mga mukhang espasol na to!? At bakit parang natatakot si Trisha sa kanila?.
Kanina pa walang kibo si Trisha kaya napilitan akong hilain sya palabas ng canteen.
Tinignan ko yung mukha ni Trisha at pinagpapawisan sya bukod sa pinag papawisan sobrang putla nya na.
"Trisha! Mag salita ka nga! Sino ba sila!? At bakit takot na takot ka sa kanila?!" Hindi ko namalayan at nasigawan ko na pala sya.
Tinignan nya ko at parang luluha na sya. Bigla nya kong niyakap ng sobrang higpit para bang yung mga yakap nya ay sinasabing Wag kang aalis! Dito ka lang sa tabi ko!.
Niyakap ko din sya ng mahigpit at hinimas himas ang ulo nya.
"Sino ba sila? " Pilit kong tanong.