Reminisce (One Shot)

1.1K 28 5
                                    

Reminisce

Writen by: Jieselle Unique Crisol / UNIQUEness24

Copying is a Crime

-----

    Nasa veranda si Kim ng kanilang bahay habang inaalala ang mga pangyayari noong mga bata pa sila ni Xian. Noong madalas silang magaway at magbangayan. Natatawa nalang siya dahil pagkatapos ng ilang sandali ay magbabati silang muli na parang walang nangyari. 

     "Ano ba pangit! Tigilan mo nga ako! Isa pa at isusumbong kita kila mommy!" sigaw ni Kim kay Xian habang kunot na kunot ang noo nito dahil sa inis sa kaibigan

     "Magsumbong ka, Payat, samahan pa kita" mayabang na sagot naman ni Xian bago nito binelatan ang pikon na si Kim.

     "Mommy!! Si Xian inaasar nanaman ako!" biglang sigaw ni Kim. Nagulat si Xian dahil sa hindi inaasahang pagsigaw ng kaibigan kaya't dali dali niya itong nilapitan dahil mukhang may balak nanaman itong sumigaw.

     "Uy Kim joke lang naman! Wag kang maingay!" natataranta sa takot na sabi ni Xian habang nakahawak sa magkabilang braso ni Kim

"Takot ka pala eh! kala ko ba sasamahan mo ako sa pagsumbong kila mommy?" nakapamewang at mataray na sabi ni Kim habang nakataas pa ang isang kilay nito

"Oo kaya! Kaso bigla kang sumigaw. Di ka man lang nagpaalam sakin, di sana sabay tayong sumigaw at nagsumbong" Pagsagot naman ni Xian 

"Kim, anak bakit ka sumigaw?" Natatarantang tumakbo papalapit si Cristina sa anak kasama si Louella na ina naman ni Xian, mukhang nabulabog sila sa biglang pagsigaw ni Kim dahil naka apron pa ang mga ito at nagluluto sa kusina

"Ah tita, wala po yun, naglalaro lang po kami ni Payat. Diba Payat?" sabi ni Xian saka pinandilatan ng mata si Kim para takutin. Yung tipong umo-o ka nalang look at saka inakbayan ito

"Ah opo Mommy naglalaro lang po kami nitong si Pangit" sakay naman nito sa sinabi ni Xian saka umakbay din dito. 

"Kayo talagang mga bata kayo para talaga kayong mga aso't pusa" natatawang sabi ni Cristina sa mga saka sila bumalik ni Louella sa kusina

  Naalala rin niya noong pinagtangol siya ni Xian noong sila ay nasa elementary grade palang.

"Tigilan niyo nga si Kim! " sigaw nito saka niyakap ng napakahigpit ang kaibigang umiiyak "Sa susunod na awayin niyo ulit siya, malalagot kayo sakin!" sigaw ulit nito sa mga batang tumatakbo palayo sa kanila 

"Xian *hik* salamat ha?" Wika ni Kim sa pagitan ng kanyang mga hikbi habang mahigpit na nakayakap kay Xian 

"Tahan na Kim, hindi ka na ulit nila aawayin. Pag binalikan ka uli nila, sabihin mo saakin at makakatikim sila nito oh"  sabi ni Xian saka pinakita ang maliliit na muscel sa braso nito

"Salamat talaga" natatawang wika ni Kim sa kaibigan 

Noong nasa 2nd year high school sila, pinagtanggol siyang muli nito dahil inaway siya ng isa sa mga babaeng nagkakandarapa kay Xian.Si Kim ang pinagseselosan dahil madalas niya itong kasama at super close pa dito

"Iyan ang bagaya sayo! Matuto kang lumugar! Mas malala ang aabutin mo pag hindi mo lalayuan si Xian!" pagbabanta ni Georgina. Sasabunutan pa sana nito si Kim ng biglang may kamay na humawak sa kamay nito para pigilin 

"Xian!" nanlaki ang mata at gulat na sabi ni Georgina

"Don't you even dare to hurt Kim, Georgina or else!" namumula sa galit na sabi ni Xian saka binitawan ang kamay ni Georgina at lumapit at niyakap ang umiiyak na si Kim 

Reminisce (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon