1 Kabanata

0 0 0
                                    

Hinugot ni Abad ang kanyang espada at itinutok ito sa leeg ni Lima na akmang hihiwain.

"Abad! Huwag mo idamay si Lima sa ating gulo!" Sigaw ni Pedel na nasa harap ni Abad at Lima.

"P-pedel." Nanginginig na sabi ni Lima habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Pedel, kapatid. Kinuha mo na ang lahat sa akin. Ang trono na matagal ko ng nais. Ikaw na isa lamang abas, ikaw pa ang pinili ni Ama na maghari!" Tugon naman ni Abad kay Pedel habang nakatutok pa din ang kanyang espada sa leeg ni Lima.

"Tawagin mo na akong abas o impostor, ngunit huwag mo i-damay dito si Lima!" Kita ang takot at pag-aalinlangan sa boses ni Pedel.

"Kung kukunin mo rin lamang sa akin ang trono, mabuti pang kunin ko rin sayo minamahal mo!" Sigaw ni Abad at kasabay nito ang paghiwa niya sa leeg ni Lima.

"Lima!!!" Ang sigaw ni Pedel matapos hiwain ni Abad ang leeg ni Lima.

Na-aninag pa ni Pedel ang huling ngiting ipinakita sa kanya ni Lima bago ito mahugutan ng hininga.

Labis ang galit ni Pedel na dulot ng pag paslang niya kay Abad.

Bago mahugutan ng hininga si Abad ay may sinabi siya kay Pedel–

"Ito ang iyong kapalaran, kapatid." At saka tuluyan na itong bumagsak sa pagsaksak ng espada ni Pedel sa kanyang tiyan.

"Aaaahhh!!!" Sigaw na may halong galit ni Pedel ang namuo sa paligid.

Ito'y parang nasisiraan na ng bait, halo-halong emosyon ang bumabalot sa bagong hari.

Binalot ng apoy mula sa galit at lungkot ang emperyo ng Agua.

Matapos ang nangyaring digmaan ay sumunod si Pedel sa kanyang ini-ibig na si Lima at dito na nagtapos ang istory–

(Baam!)

Malakas na pagbagsak ni Mika ng libro sa lamesa.

"Art, ano 'to?! Bakit ganito ang ending ng libro mo?!" Galit na tanong ni Mika.

"Bakit? Ano'ng mali sa libro ko?" Tanong ni Arthur.

"Lahat! Ahh! Bakit naman ganito ang ending?! Namatay lahat?! Ano ang nangyari sa emperyo ng Agua?! Hindi ba't may digmaan pa rin sila sa kaharian ng Duran?! Bakit puro lungkot at galit ang ending ng istorya mo?!" Pag reklamo ni Mika.

Binigyan ni Arthur si Mika ng tubig para ito'y huminahon.

"Ano ba ang ine-expect mo, Mika?" Tanong ni Arthur.

"Happy ending! Para kay Pedel, Lima, at sa kaharian!" Tugon naman ni Mika.

"Hindi ba't masyadong cliche kung puro happy ending ang gagawin ko?" Sabi ni Arthur na ikinatahimik ni Mika.

"Kung puro happy ending ang ine-expect ng tao, it will only lead them to disappointment. Kagaya ng ine-expect mo sa libro ko." Pagpapatuloy pa ni Arthur.

Binigyan ni Mika ng tingin na pagkalito si Arthur.

"Pero diba libro ito? Hindi ba dapat mapapasaya ang mga readers ng stories kasi hindi naman 'to reality!" Paglaban naman ni Mika.

"Ngunit Mika, hindi lahat ng story ay nagtatapos sa happy ending. May it be in books or in reality." Tugon naman ni Arthur na muling i-kinatahimik ni Mika.

Sa puntong ito ay makikitang pagod na makipagtalo si Mika kay Arthur.

Saglitang nabalot ng katahimikan ang kwarto.

"Gusto mo ba baguhin ang istoryang ginawa ko Mika?" Tanong ni Arthur.

"Paano ko naman babaguhin ang librong ito kung nasulat mo na?" Pagtalo naman ni Mika sa tanong ni Athur.

Napatawa nang mahina si Arthur.

"Inumin mo muna ang tubig na binigay ko para kumalma ka."

Ininom naman ni Mika ang tubig gaya ng sabi sa kanya ni Arthur.

"Kung bibigyan kita ng pagkakataon baguhin ang istoryang ito, magagawa mo bang masaya ang magiging ending nito? Gaya ng nais mo." Tanong ni Arthur na may pag ngisi sa kanyang labi.

"Kung pwede lang, gagawin ko happy ending ang librong 'to! Kaso napaka-imposible naman ng tanong mo Art." Tugon ni Mika

Ipinatong ni Mika ang kanyang ulo sa libro na nasa lamesa habang nababalot ng lungkot at dismaya ang kanyang mukha.

"Bibigyan kita ng pagkakataon baguhin ang istorya ko, Mika."

"Huh?" Tanong ni Mikha sa nasabi ni Arthur.

"Kung mapagta-tagumpayan mong baguhin ang istorya ko ay makakabalik ka dito. Ngunit kung hindi mo naman magagawa ay masasama ka sa istorya at sa tadhanang nakatakda dito." Paliwanag ni Arthur.

Sa puntong ito ay naguguluhan at nagtataka si Mika sa nasabi ni Arthur.

Bigla naman nakaramdam ng antok si Mika.

(Yawn)

"Ewan ko sayo Art, kung anu-ano na sinasabi mo para lang mapagaan loob ko. Inantok tuloy ako bigla."

Medyo papikit-pikit na ang mata ni Mika na parang nilalabanan niya ang kanyang antok.

"Naniniwala ka ba na konektado ang lahat ng bagay, Mika?" Pangiting pagtanong ni Arthur.

Hindi na nakasagot si Mika dahil tuluyan na pumikit ang mata nito at madaling humimbing ang tulog.

Nakatingin lang si Arthur kay Mika.

"Sweet dreams, Mika" ngising sabi ni Arthur.

"Huh? Na saan ako?!" Naguguluhang tanong ni Mika nang buksan niya ang kanyang mata galing sa mahimbing na tulog sa kwarto ni Arthur.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Mundo ng Istorya ni ArthurTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon