1.XV: Swordsmanship Lessons - Familiar

1.1K 48 3
                                    

Kararating lang ni Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kararating lang ni Mr. Smith dito sa study area galing sa kuwarto ni Jerome kasama ang university doctor.

"Kumusta? Ano pong findings ng doctor kay Jerome?" usisa ni Gunner.

"Well, Mr. Hamilton's vitals are normal. Nothing new or even changed. Except for one thing," balita ng university doctor na si Mr. Davies na isang avian.

"Ano naman po 'yon?" tanong namin.

Tatlong araw na kasing nagkukulong si Jerome sa kuwarto niya sa student dorm. Masama raw ang pakiramdam niya. Nag-aalala kami kaya nagsabi na kami kay Mr. Smith at tinawag niya ang university doctor para ma-checkup si Jerome.

"His heart was now beating. So, it means he has pulse now. His vitals, immunity, abilities, and strength never changed. But, expect that now his heart is beating, he will now learn how to show more emotions like everyone normally do," paliwanag pa ng doktor.

Nagtinginan kaming lima rito na tila nagtataka sa narinig namin.

"Okay. Vampires are naturally born with what they call 'frozen heart'. Their hearts are not really beating. Unless, they have drank a blood of a creature that was still alive," paliwanag naman ni Mr. Smith.

"Kaninong dugo ang nainom ni Hamilton?" tanong ni Dr. Davies.

"Sa akin po," sagot ko.

"Oh. Well, miss. You've just made a vampire's frozen heart alive," sambit ni Dr. Davies.

"Oh paano, Jonathan. Mauna na 'ko," paalam ni Dr. Davies bago ito tuluyang umalis.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nalaman ko. Literal na pinatibok ko ang puso niya dahil lang sa dugo ko. Pero ang pinagtataka ko, sabi ni Jerome noong nakaraan ay wala raw siyang puso.

Ano naman kayang magiging reaksyon ni Jerome? Magagalit kaya siya sa'kin?

Naalala ko tuloy 'yong reaksyon niya nang sabihin ko sa kanya na pinainom ko siya ng dugo ko. Kinabahan tuloy ako kasi mukhang hindi niya nagustuhan.

"Hala, Aika. Lagot ka. Huwag kang magpapakita kay Jerome. Baka kasi. . ." sambit ni Ryker na may halong pananakot tapos ay nilapitan pa niya ako.

"Magalit siya sa'yo at tuluyan niyang ubusin ang dugo mo at kainin ang mga lamang-loob mo!" patuloy niya.

Napayakap ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng pangingilabot.

"A-Ayaw ko! Ayaw kong mamatay sa gano'ng paraan!"

"Ano ka ba, Ryker! Huwag mong takutin si Aika!" saway naman sa kanya ni Xavier.

Nilapitan ako ni Xavier at tinapik ang balikat ko.

"Huwag kang maniwala diyan kay Ryker. Niloloko ka lang niyan. Hindi 'yon kayang gawin ni Jerome," pag-alo naman sa'kin ni Xavier.

"Sure ka ba diyan?" tanong ko.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon