==== MY STORY ====
Nagsimula ang istoryang ito sa pagiging Torpe ko at natatalo ng kaba at hiya sa harap ng taong gusto ko.
Ako si Tristan nakilala ko si Hannah sa birthday ni Jhay-Q. ang classmate at bestfriend ko simula ng 1st year high school hanggang 3rd year high school.
Nang 2nd year kame, pinuntahan ako ni Jhay-Q sa bahay namin at inimbitahan nya ako sa kanila para mag celebrate ng birthday nya kasama ang iba pa naming kaklase. Nang makarating kame sa bahay nila Jhay-Q ay nandodoon pala ang mga kababata ni Jhay-Q at nakilala ko si Hannah doon. Hindi naman kalakihan ang bahay nila Jhay-Q ay nagkasya kameng lahat sa loob.
Dahil wala kaming magawa pagdating namin doon ay kinulit ko si Hannah at sa magkaharutan kame, kilitian at kurutan ng mga pisngi. Si Hannah ay namumula ang pisngi at hindi sya manalo sa akin sa kurutan ng pisngi. Bago kame kumain ay kumanta sila Jhay-Q at pagtapos kumanta ay sumayaw naman sila nila Jhay-Q at Hannah. At pagtapos non ay kumanta kame ng Happy Birthday kay Jhay-Q enden sabay kain na kame.
Napasin nila Jhay-Q ang kulitan namin ni Hannah at sinabi nito na baka magka- debelopan kaming dalawa ni Hannah. Inaasar kame ng mga kaibigan nila at mga kaklase ko, kaming dalawa ni Hannah ay nagkahiyaan at nagkailangan, lumayo kame sa isa’t – isa.
Pero maya-maya pa ay nasa harap sya ng salamin at binibiro ko sya na baka mabasag yung salamin at yun ay napunta na naman kame sa harutan. Napahiga ako sa sofa nila Jhay-Q at napayakap si Hannah sa braso ko at yun ay napansin na naman kame pero hindi na naming yun pinansin basta’t nagkakasiyahan kame ni Hannah.
Maya maya pa ay natapos na ang kainan sa bahay nila Jhay-Q at mag-uuwian na kame, Nagpaalam na ako kay Hannah. Mas bata si Hannah ng tatlong taon sakin, sa pagkakaalam ko kay Jhay-Q .
Makalipas ang isang linggo at ako naman ang magbe- birthday. Boring ang Birthday ko at wala manlang pakain oh kahit ano dahil wala dito ang mama ko at nasa ibang bansa sya. Pero dumaan si Hannah sa lugar namin at sumigla ang araw ko.
Nang mga araw na yun ay napaka-torpe ko at nalaman ni Hannah na crush ko sya dahil naman kay Jhay-Q. Simula nun ay palagi ng dumadaan si Hannah sa lugar naming. Pag may pasok dumadaan sya ng hapon at gabi, kung wala naming pasok ay dumadaan sya ng alas nuwebe oh hanggang 9:15 ng umaga kaya maaga akong nagigising at tumatambay sa labas naming.
Si Sanrhyl naman ang pinaka closed ko sa lahat ng tao sa buong mundo. Si Sanrhyl kase ang pinsan ko at alam nya ang lahat lahat sa akin. At alam nya rin ang tungkol kay Hannah na kinaaadikan ko. Maraming araw ang lumipas dumaan si Hannah sa lugar namin at hindi ko alam na gumawa ng Love Letter si Sanrhyl para kay Hannah at nakalagay doon na nanggaling sa akin yung sulat na yun.
Nang mga araw na yun ay hindi ko alam ang gagawin ko. Nang mabasa ni Hannah yung sulat ay humiling sya na makausap ako pero sa sobra kong kaba ay pinagtaguan ko sya at hindi ako nakipagkita sa kanya. Iniisip ko kase nun baka ayaw nya sa akin.
Hindi ko magawang magalit sa pinsan ko dahil puro pantasya lang daw ang alam ko at kaya nya raw yun ginawa ay para matulungan nya ako kay Hannah.
Dahil sa pangyayaring yun ay hindi ako pumasok nang isang linggo, at hindi rin ako lumabas ng bahay namin, pero pagdadaan sya ay sumisilip ako sa bintana at pagnakikita ko sya ay kumpleto na ang araw ko.
Isang linggo ang lumipas ng bigyan ng cousin ko si Hannah ng sulat, pumasok na ako sa school dala ko ang excuse letter na parating ginagawa ng mama ko pag absent ako pero ang tita ko ang gumawa nun.