LOST MEMORY

45 3 3
  • Dedicated kay Florangele Bedasua Jumawan
                                    

"Isang napaka gandang hardin ang aking nasilayan, punong puno ng mga mapupula at mababangong rosas at nagkalat ang ibat-bang kulay na lanterns. Habang naglalakad ako ay rinig ko ang napaka gandang musika na nanggagaling sa isang piano na tinutugtug ng isang lalaki.  Pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaki ngunit hindi ko talaga makita dahil blurry ang mukha nito. Napansin ata ng lalaki ang aking presensya at huminto ito sa pagtutugtog. Tumayo ito at kinuha ang isang bouquet ng rosas sa mesa, habang papalapit sa aking karoroonan. Papalapit na ito at unti-unti ko nang naaninag ang mukha nang…”

“Angel, nandito na tayo” habang tinatapik tapik ako ni manong driver.

-___-   ----->   -___0   ----->   0___0   ----->   =___=

Ano bayan kung kelan malapit ko nang makita yung dream guy ko tsaka naman ako ginising ni manong. Gabi-gabi ganyan ang lagi kong napapaginipan, isang lalaki habang nasa isang hardin. Ngayon lang ata nangyari na malapit ko nang makita ang mukha, hindi kaya malapit ko na siyang makilala.Sananga magka ganoon.

Bumaba na ako ng kotse at baka mahuli na ako sa klase namin. First day of the year pa naman.

Nakarating ako sa classroom namin at as usual wala pa halos ang mga kaklase ko kasi mga batugan yun, kahit ako nga rin tinatamad pumasok kung ang unang subject mo ba naman ay 7am at kung sinuswerte aka pa ay chemistry pa talaga. Kung hindi lang makulit ang nanay hindi talaga ako papasok ng maaga.

“hi Angel ! We miss you ^______^ “ sabay sabay na bati ng mga close friends ko na sina Carla, Gia at Kate.

 Close friends ko sila since first year second semester kasi sa lahat lahat kami lang ang nalipat ng Block B dahil matagal nakapag enroll, galit na galit nga kami ng panahong yun eh. Ikaw kaya mahiwalay sa iba at mapunta sa isang section na wala kang kakilala at  ni kaibigan man lang, pero in the positive side Masaya ako kasi nabigyan ako ng pagkakataon na maging malapit sa kanilang tatlo. I’m really happy to have them.

“kamusta naman yung Christmas Break niyo ?” – ako

“Ayon dumating Papa ko at buong pamilya naming cenelebrate ang pasko at ang pagsalubong bagong taon. Nakaka tuwa nga kasi after 4 years ngayon lang namin ito nagawa ulit.”-  Carla

“Doon ako saDavaonag celebrate ng Christmas at New Year kapiling ang tatay ko”- kate

“Huhulaan ko si Roommate ay nag celebrate ng Christmas kasama ang daddy niya. Tama ako diba Roommate ^____^ ? hahaha” – Carla

“Tumahimik ka kung ayaw mong kumain ng ballpen +____=” - Gia

Bitter talaga yan sa tatay si Gia kaya ganyan. Wag nyo na akong tanungin kung bakit kasi may mga bagay talagang hindi dapat  ikwento at itago nalang para sa ikakaunlad ng sangkataohan.

“Seryoso, anong ginawa mo sa Christmas break Gia ? “ – ako

“Sinusulit ang mga sandali namin ng boyfriend ko kasi diba mag mimigrate  na yun sa states, nakakalungkot ngang isipin”- Gia

Siya na ang may lovelife, hay ! ako ? meron pero one sided like nga lang. Maliban kay Mr. Dream meron pa akong isang gusto si Justin, kaklase ko since high school at kahit ngayong college ay classmate ko parin. Naturingan ko ngang Best friend to eh pero hindi niya alam ang nararamdaman ko, tinatago ko lang dahil ayaw kong layuan niya ako at iwasan sa oras na malaman niya.

“hey, anghelita ! Good morning at happy new year ^_____^” sabay akbay sa akin habang naka ngiti.

Err, chuvs bat mo ba pinabilis ang tibok ng puso ko, baka maging abnormal ang beat ng puso ko at magka tachycardia. Rinig mo kaya ang tibok ng puso kong tanging pangalan mo lang ang sinisigaw ? yaks, ang baduy ko na >.<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOST MEMORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon