Ang Butas sa Bandang Roon

160 5 3
                                    

Sa sulok ng isang madilim na kwarto ay may nakaupo na isang lalaki na tila di maipinta ang itsura.

LAGI KO IYONG NAPAPANSIN TUWING SASAPIT ANG ALA-SAIS NG GABI.Lagi ko iyong tinitingnan at tinatanaw kung ano ang ginagawa niya.

Isang gabi,narinig ko ang hagulhol nang naghihikahos niyang boses.May sinasabi siyang tila di maintindihan.Hawak-hawak nito ang cellphone niya.Ang isang kamay ay nagpupunas sa mga mata nitong halos hindi mapigil ang pagtulo ng luha; ang luhang napakaraming ibig sabihin. Ang luhang nakikipag-usap sa akin.Hindi ko mawari kung ano ang nangyayari,basta sumisilip lamang ako sa butas ng kanyang kwarto habang umiiyak siya.

Ninanais kung lumapit, ilang beses ko nang naisip yun at ilang beses na rin akong nagtangka ngunit para bang may pumipigil sa akin, sa aking damdamin, at sa aking sarili.Tila hanggang awa lamang ako.Hindi ko na lang pinansin ang mga nagyayari, di ko rin naman alam bakit nga ba siya nagkakaganun.

Kinabukasan, nakita ko si Kuya lumabas nang kanyang kwarto.Aba, masaya ito.nakikipag-usap sa mga kaibigan niya, nakikipagtawanan, nakikipagbiruan, wari ko'y trip-trip niya lang ang pag-iyak gabi-gabi.Tinanung ko pa nga ang mga kaibigan niya kung ganu nila kakilala si kuya at ang sagot nito: MABAIT AT MATALINONG KAIBIGAN DAW SI KUYA.

Hindi ko pa rin maiwasang magtaka.SUMAPIT na naman ang alas-sais at dumungaw na naman ako sa butas ng kanyang kwarto.Noong una ay nakikipagtext ito,masaya siya ngunit kalaunan ay bigla itong nalungkot, tumulo ang luha at humiga.NAGTAKA AKO, ANO ANG NAGYARI?

ILANG GABI NIYA NA ITONG GINAGAWA?At ilang gabi ko na rin siyang pinapakiramdaman.Nagmumukha na nga akong STALKER.Iba ang kalungkutan ni Kuya.

Bakit ganun siya kapag gabi?Di kaya,may sumasapi sa kanya?

Umulit na naman kinabukasan ang mga pangyayari, tila kumukuti-kutitap ang mga mata niya kapag andiyan ang mga itinuturing niyang kaibigan.Nakikipagbiruan at nakikipagkwentuhan, malakas din pala humalakhak si kuya at palatawa din pala?Ang cute niya ngumiti.At may tinanung na naman ako sa mga kaibigan niya, ang sagot sa akin: May GIRLFRIEND na yun at may bestfriend din.Mahal na mahal niya ang dalawang yun.SOBRANG MAHAL.

Natawa ako sa sinabi nila,may SYOTA at besfriend pala si Kuya?Hindi halata.Lumipas ang araw at gumabi na naman, matapos ang ilang gabi kung pag-iistalk kay kuya ay may bigla akong napansin.Kakaiba si Kuya?hindi na tumutulo ang luha?NAISIP KO NGA BAKA MAY SAKIT LANG SIYA NUN?PERO DI AKO NAGKAKAMALI,May malaki siyang pinagdadaanan.Halata eh?

Ngunit bakit parang ang rupok ni Kuya?Bakit niya kelangan umiyak nang ganun?Bakit niya kelangan humagulhol tuwing gabi?NAGUGULUHAN Na ako,gusto ko na siya tanungin at kausapin.Gusto ko siya lapitan ngunit di ko magawa.

Sumapit ang alas-dose ng gabi.Naalimpungatan ako, kaya kumuha ako ng isang basong tubig sa kusina.Binuksan ko na rin muna ang bintana nang makapasok naman ang malamig na hangin.Aba, nakabukas din sa wakas ang bintana ni Kuya.Agad akong yumuko habang sumisilip dito.Ayokong nakikita niya ako.Habang alam kung gising pa si kuya ay agad-agad akong sumilip dito.Umiiyak na naman ito.At tila may sinasabi;

"Bakit ba ako nagkakaganito sayo?Sa inyo,sa inyong dalawa?Bestfriend lang naman kita at ikaw, GF lang kita?Nagpapakumbaba naman ako ah?Nagpapakabait naman ako pero bakit parang wala lang ang lahat?Pinapahalagahan ko kayo?Minahal ko kayo ngunit bakit andun pa rin ang sakit?Patahimikin niyo na ako,parang-awa niyo na?Tapusin na lang natin ito?"

Nalungkot ako sa sinabi ni Kuya.At dala na rin nang emosyon ko,nakalabog ko ang sinasandalan ko.Di ko alam kung bakit di ako makagalaw at di ko magawang kumaripas ng takbo.Dali-daling lumabas si kuya sa kwarto niya,nakita niya ako.Nakatingin sa akin at tinanung kung anong ginagawa ko sa mga oras na iyon.Di ako makpagsalita, natameme ako.Di ko alam kung bakit at makalipas ang ilang segundong titigan ay nakapagsalita na rin ako.Wika ko, "Kuya, may problema po ba kayo?

Hindi na siya nagtanung kung sino ako.Agad na lamang siyang naglabas ng sama ng loob sa akin.Sambit nito : " Ang hirap magmahal nuh?Nagpaparaya ka na, nasasaktan ka pa?"Nakikikig lamang ako sa mga sinasabi ni Kuya; Bakit parang ang unfair ng mundo? Kung sino pa ang handang magparaya ay siya pa talaga ang sobrang nasasaktan?Naiisip din ba nila ganu kasakit?Ang hirap ng ganitong ikaw lang ang nakikipaglaban?Ang hirap ng ganitong mahal mo sila kaya handa kang masaktan.Alam mo bang ilang linggo na akong hindi nakikipag-usap sa kanila?Para lang kumalimot,para mawala ang sama ng loob,para makapagmove-on."

Sabay tumulo ang mabigat na luhang puno ng hinanakit sa mata ni Kuya.Wala akong masabi sa nasabi niya, ramdam ko rin kasi kung paano ang ganun.Yung tila unfair sa iyo ang mundo? Pinunasan ko na lamang ang pisngi ni kuya.Sabi ko, TAMA NA,GABING-GABI NA AT UMALIS AKO NA MAY MABIGAT NA LOOB SABAY ANG PAG-AGOS NG AKING LUHA.Hindi ko man lamang siya NATULUNGAN.

Kinabukasan, umalis na daw sila Kuya.Nag-abroad daw ang sabi ni Nanay.Ipagpapatuloy daw dun ang pag-aaral nito.May sakit pala si Kuya sa puso, may butas ang puso nito at kailangan na nang operasyon. Nagulat ako sa sinabi ni Nanay.Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

Kinagabihan, hindi ko na naisisilip si Kuya.Isang madilim na kwarto na lamang ang nakikita ko.Ngunit tila may nakasulat doon, gusto ko basahin ngunit hindi ko mabasa.Para bang para sa akin ang sulat na iyon.Agad-agad kung hiniram ang susi ng bahay nila kay Nanay at buti na lamang wala si Nanay kaya nakuha ko agad,Binuksan ko ito at pumasok sa kwarto niya.

Sa huling sandali,naalala ko ang gabing kami lamang dalawa sa kwarto habang umiiyak siya.Binuksan ko ang ilaw, napakaaliwalas ng kwarto ni Kuya.Punong-puno ng medalyon.Malinis,mabango at napakaraming loveletter.Hindi ko na pinakialaman yun,tangi lamang umakit sa panigin ko ang mensaheng : Kung sino ka man ang nakausap ko kagabi,pasabi sa GF at bestfrined ko na, SALAMAT SA LAHAT NG PAGMAMAHAL NA IBINIGAY NINYO, PINAHALAGAHAN KO ANG BAWAT SANDALI NA NAKASAMA KO KAYO.ANG PAGMAMAHAL NINYO ANG BUMUHAY SA NAGHIHIKAHOS KUNG PUSO.ALAM KUNG MAHAL NINYO AKO NGUNIT HINDI KO KAYO MASISISI. SALAMAT AT BUMITAW KAYO SAKIN.SALAMAT AT GUMIVE-UP KA SAKIN BESTFRIEND AT NAKIPAGBREAK KA SA AKIN GIRLFRIEND.HINDI KO MASISISI ANG SARILI KO SA SAKIT NA ITO PERO DAHIL DITO NATUTO AKONG LUMABAN.HANGGANG MAGKITA TAYO SA KABILANG BUHAY. Nagmamahal, *****.

Hanggang ngayon,patuloy kung naalala si Kuya, patuloy ko siyang hinahangaan sa katapangan niya na kahit may sakit siya ay ibinigay niya ang buong pagmamahal nito.Nabalitaan ko na lamang na hindi na kinaya ni kuya ang operasyon dahilan ng ikinamatay nito.Kahit papaano ay may mga tao pa ring patuloy na lumalalaban sa pagmamahal nila.Patuloy pa ring nagmamahal na walang hinihinging kondisyon,bagama't tao lamang siya at nagrereklamo, yung buong pusong pagmamahal nito ang sinasaluduhan ko.Wala na akong sinisilip gabi-gabi.Wala na rin akong naririnig na iyak----ang IYAK na sumisimbolo ng KATAPANGAN NG ISANG LALAKI.

WAKAS,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Butas sa Bandang RoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon