Kabanata 20

68 4 9
                                    

Natigil kaming lahat nang bumukas ang pinto at kalmadong pumasok ang aming hinihintay na parang walang nangyari. Lahat ay tahimik at nakikiramdaman sa isa't isa. Walang gustong magsalita sa kabila ng mga katanungang gumugulo sa aming isip.

Agad na lumapit si Edward at niyakap ang asawa "Pasensiya na mahal, nireport kasi ako ng pinagkakautangan ko kaya't hinahanap ako ng mga pulis"

"Utang? Bakit ka nagkakautang? Para saan? Kailan pa" sunod-sunod at nagtatakang tanong nito nang humiwalay sa asawa. Napalingon ako kay Knee Yoz. Sa tingin ko ay kailangan nilang mag-asawa na makapag-usap nang masinsinan. Salamat naman at mukhang nabasa yata ni Knee Yoz ang aking iniisip.

"Ward, mabuti pang mag-usap kayo na kayong dalawa lang" sumulyap si Edward kay Knee Yoz at tumango saka nito inakay ang asawa palayo sa amin.

"Anong nangyari?" ako naman ngayon ang nagtanong

"Okay na nabayaran na namin ang utang niya. Huwag na tayong makialam sa kanilang mag-asawa" umaasa akong magkukwento siya ng buong detalye ngunit hindi sapat ang naging tugon niya sa akin. Naguguluhan pa rin ako pero hindi na ako muling nagtanong pa. Kagaya ng sinabi ko ay dadating ang tamang panahon para malinawan ako sa lahat ng mga nangyayari.

Ang mga agam-agam ko ay hindi nawala hanggang sa mga sumunod na araw. Para itong bangungot na hindi ko maintindihan.

Sinundan ko nang tingin si Knee Yoz nang pumasok siya sa banyo para maligo. Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng gatas para sa aking anak. Lumapit ako kay Grace na nagbabantay rito.

"Patulugin mo na lang mamaya si Arby ah" taka siyang tumingin sa akin.

"Aalis po kayo?"

"May pupuntahan lang kami ni Denise. Mag m-mall daw kami," ngumiti ako para maniwala sila sa aking palusot. Alam nilang hindi ako mahilig lumabas at pumunta kung saan-saan kaya't kailangan ko silang mapaniwala.

"Sige ate. Hindi naman umiiyak 'tong si Arby eh"

"Salamat"

Nag-aalangan pa ako kung dapat ba akong magpaalam kay Knee Yoz na lalabas o hindi na.
Muli akong napatingin sa kanya nang lumabas ito sa banyo. Nakatapis ito ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig sa kanyang katawan. Sumunod ako sa kanya nang pumasok siya sa kwarto. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang bumaling siya sa akin na parang nagtataka.

"Bakit?"

"O-okay lang b-bang l-lumabas kami ni D-denise? Hehe.." para pa akong tanga na nauutal. Hindi pa rin ako sana'y na makita siyang nakahubad kaya't pinipilit kong iiwas ang aking paningin sa kanya.

"Oo naman. Maglibang kayong dalawa mas nakakabuti yan sa inyo." Lumaki ang aking ngisi nang pumayag siya sa gusto ko. Napawi ang aking ngiti nang unti-unti siyang lumapit sa akin.

Tinukod niya ang kanyang braso sa may pintuan dahilan para makulong ako sa kanyang katawan.

"Magbibihis ako. Gusto mo ba akong panuorin?" mapanudyo pa siyang ngumiti sa akin. Nag-log yata ang utak ko at matagal pa akong nakatingin sa kanya bago natauhan.

"H-hindi..H-hindi." Natataranta ko pang sambit saka kumawala sa kanya.

Narinig ko ang kanyang halakhak bago siya sumenyas na lumabas ako gamit ang kanyang kamay. Patago akong umirap saka lumabas.

Kinalma ko ang sarili pagkalabas ko at umupo sa sofa. Nasa lapag si Grace kasama si Arby at naglalaro. Kung ikukumpara kami sa ibang mag-asawa ay ibang-iba talaga kami ni Knee Yoz. Sabagay hindi naman kami kasal, naging mag-asawa lang kami dahil nabuntis niya ako.

Walang pinagkaiba sa sitwasyon ni nanay at tatay. Ang lamang ko lang ay pinapahalagahan ako ni Knee Yoz at nirerespeto namin ang isa't isa bilang isang pamilya.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon