Two

8 3 0
                                    

"D-Devyn?" gaya ng sa ibang tao, ningitian ko na lang siya kase hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Kung kilala ko man siya, dati 'yon.

Nagbow na lang ako ng kaunti bago naglakad paalis. Napahinto lang ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko kaya hinarap ko ulit siya.

"B-Bakit ka ganan? Kinalimutan mo na ba talaga ako?" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na kinalimutan?

"I'm sorry pero... hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin" hindi ko alam kung paano ko madedescribe ang reaction niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung dapat ba gulat o malungkot siya sa ipinapakita niya. Kahit ako hindi ko maintindihan.

"Ha? Ano-"

"Ate Devyn!" napatingin ako sa likod niya nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko naman si Jungkook na hapong hapo nang makalapit sa pwesto namin. Mukha siyang tumakbo sa marathon.

"Alam kong gulong gulo ka sa nangyayare hyung, pero pwede ba sa bahay na lang natin pag-usapan ang nangyayare? Maggagabi na rin naman" sabi niya habang hinahabol niya ang hininga niya. Kahit naguguluhan, tumango ang taong katapat ko.

Nauna na akong maglakad pauwi. Ramdam ko naman ang presensya nilang dalawa pero niisa sa kanila, walang nagsasalita. Maya maya lang nakarating na kami sa bahay. Nagulat naman ako dahil sumalubong sakin yung dalawang lalaki kanina.

Yung si Taehyung at Jimin.

"Eomma! Bakit pinatuloy mo yung mga bwisita dito?" rinig kong sigaw ni Jungkook. Nakita ko naman na lumabas sa kusina nanay namin habang may hawak na sandok, masama din ang tingin niya sa kapatid ko. Umayos naman ang itsura niya nang tumingin siya sakin.

"Ang aga mo naman umuwi, Devyn. Oh, Jin, andito ka rin pala" tumingin ako sa lalaking kasama namin. Siya ata yung tinutukoy niyang Jin? Nagbow siya sa nanay ko bago tumingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin sakanya.

"Ate Devyn, kwentuhan ka namin kaya andito kami" excited na saad ng Taehyung. Dahil don nakaramdam ako ng biglang tuwa.

Nagpa-alam sila sa nanay ko na pupunta lang kami sa kwarto, sumagot naman siya ng okay habang nasa kusina siya kase nagluluto ata. Nauna na kami sa kwarto ko at susunod daw si Jungkook kase kailangan pa daw niyang magbihis. Kakagaling lang kase niya sa school niya.

"Tanong ka lang, Ate Devyn. Go lang, kahit ano sasagutin namin basta alam namin" tumango ako ng sabihin 'yon ni Jimin. Habang nag-iisip, napatingin ako don sa Jin at nakitang bago na ang expression ng mukha niya.

Hindi na siya gulat, napaltan na ng lungkot ang mukha niya. Alam na niya siguro kung anong nangyare sakin.

"A-Anong relasyon ko sainyo?" tanong ko. Mukha kaseng close sila sakin, kaya gusto kong malaman. Baka rin makatulong sila sa pagbalik ng memories ko.

Kahit sabi ng doctor ko, 'wag ipilit. Gustong gusto ko lang talaga malaman ang lahat. Para kaseng may kulang sakin.

"Ako muna, ha?" pangunguna ni Taehyung kaya lahat kami napatingin sakanya. Inayos pa nga niya lalamunan niya bago tumayo.

"Gagi, pwede namang umupo. Bida bida ka talaga" sabi sakanya ni Jimin at hinili siya pabalik sa pwesto niya. Natawa naman ako saglit, parang nangyare na kase sakin 'to. Baka sila rin ang kasama ko non.

Bago magsimula si Taehyung, bigla namang pumasok si Jungkook. Umupo naman siya sa tabi ko. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Para kaseng pagod na siya sa nangyayare, kanina pa nauudlot ang kwento niya eh.

"Wala na bang abala dyan? Legit na? Sisimulan ko na kung wala" mas natawa naman ako dahil don. Tumigil lang ako nang mapansing nakatingin sila sakin. Ngumiti naman sila kaya bigla akong nahiya.

"Hindi naman talaga tayo related sa isa't isa. Nakilala lang kita nang pumunta ka dito dati. Inis na inis ka nga non pero hindi mo sinasabi sakin dahilan, kaya pinasaya na lang kita. Mabuti nga tumawa ka non. Ang alam ko lang naman kaseng dahilan ay yung tatay mo at yung step mom mo pero 'di ko alam yung buong kwento. Tapos tuwing nauwi ka dito inaabangan kita kase alam kong inis ka. Hanggang sa umepal 'tong si Jimin" sabi niya sabay tingin sa katabi niya. Nilagay pa nga niya yung braso niya sa leeg at kunwaring kinukutusan.

Tumingin naman ako kay Jimin kase siya naman ang magkwekwento. Kahit medjo nagka-ideya na ako kung paano kami nagkakilala.

"Don tayo nagkakilala, Ate Devyn pero sa aming dalawa ni Taehyung, alam kong mas lamang ako sakanya. Ako ba naman ang lagi mong kasama magfishball. Ayaw niya kase non kase madami daw nakikisawsaw"sabi niya sabay bigay ng nakaka-asar natingin sa katabi niya. Kaya ngayon nag-aaway sila pero feeling ko naman pabiro lang 'yon. Ngumiti na lang ako.

Tumitig naman ako sa kawalan dahil bigla akong naka-alala ng kaunti. At dahil 'yon sa kwento nila. Literal na konti lang ang naalala ko. At kahit konti 'yon, sumakit na rin ang ulo ko.

"Ate, ayos ka lang?" narinig kong tanong sakin ni Jungkook. Napansin niya siguro ako kase napahawak ako sa ulo ko. Ramdam ko rin na mabilis akong inalalayan ni Jin. Tumigil rin sa pagtatalo sila Jimin at Taehyung.

"Ayos lang. Sige, sino sunod?" sabi ko nang mawala ang sakit. Nawala na rin yung mga scenes na naaalala ko. Tinaas ko rin ang kamay ko bilang senyales na ipagpatuloy lang nila.

"Sigurado ka? Dapat siguro magpahinga ka na" narinig kong sabi ni Jin kaya umiling ako. Umayos na rin ako ng upo ko para ipakitang ayos lang talaga ako.

Tinignan ko si Jungkook para simulan na niya ang kanya. Kita ko naman ang pag-aalala sa mga mata niya kaya ngumiti na lang ako. Para kahit papaano gumaan ang loob niya. Bumuntong hininga naman siya bago nagsalita.

"Wala talaga tayong masyadong memory kase hindi tayo nagkakasama. Nagka-usap lang tayo noong pumunta ako sa school niyo, kaya sobrang saya non. After non, hindi na tayo nagkita. Ngayon ko nga lang nalaman na napunta ka pala dito" sabi niya sabay awkward na tumawa. Napakunot tuloy ako ng noo dahil sa sinabi niya. Bakit ayon lang ang pagkikita namin? Bakit hindi niya alam na napunta ako dito?

Gusto ko sanang itanong sakanya 'yon pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Baka kase hindi rin niya alam. Mukhang nasa akin ang problema, at ayon ang aalamin ko pa.

"Gawa na lang tayo ng bagong memories" sabi ko sabay ngiti. Medjo ginulo ko rin ang buhok niya bago tumingin kay Jin.

Biglang tumahimik ang lahat nang tignan ko siya. Tumingin rin siya sa baba bago nagkamot ng batok. Mukha ring hinahanap niya ang mga salita niya kaya nag-antay lang ako.

"Ano... Nagkaroon tayo ng relasyon... Dati" malungkot na saad niya. Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko dahil nakaramdam ako ng sakit don.

Maya maya lang sumakit nanaman ang ulo ko. Pero this time sobrang sakit. Naramdaman ko ang sarili kong nahulog sa kama habang nakahawak pa rin sa ulo ko. Naririnig ko ang mga tawag nila pero hindi ko sila masagot. Tanging sigaw lang ang nailalabas ko sa bibig ko dahil sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko.

Nakakakita rin ako ng mga scenes. Hindi na siya katulad ng iba na malabo. This time, medjo matagal na at nakikita ko rin ng malinaw pero hindi ko maintindihan. Hindi ko alam ang nangyare sa katawan ko, pero naramdaman ko na lang na bigla akong nawalan ng malay.

Bigla akong nagising nang may sikat ng araw na nakatapat sa mukha ko. Tinanggal ko naman ang kumot ko na nakabalot sa katawan ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakitang ala una na.

Gaano ako katagal na natutulog?

Tumingin ako sa may pinto dahil narinig kong bumukas 'yon. Ngumiti naman sakin ang nanay ko bago umupo sa kama ko.

"A-Ano pong nangyare kahapon?" tanong ko. Ang alam ko lang nagkwekwentuhan kaming lima kahapon, wala ng iba.

"Anak, hinay hinay ka sa pag-aalam ng alaala mo, ha? Kung maaari 'wag mong pilitin, hayaan mong bumalik na lang. Pwede ba?" nalungkot na saad niya. Hinahaplos din niya ang gilid ng ulo. Kahit ayokong gawin ang sinabi niya, tumango na lang ako kaya ngumiti siya sakin.

Bahala na si batman. Pero hindi ko pinapangako 'yon. Advance sorry na lang po kapag pinilit ko talaga.

---

Memories » Kim Seokjin ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon