Seatmate (one shot)

18 3 0
                                    

***

Sabi nila ang Pag-ibig walang pinipili basta ba may puso ka para magmahal.

Ang pag-ibig, unisex, pwede sa babae at pwede sa lalaki.

Minsan, I wonder kapag may dumadaan o nahahagip ang mata ko na mga magsyota tapos yung babae pangit katulad ko. Bigla bigla tuloy papasok sa isip ko, bakit sya meron, ako wala? bakit sya may lovelife e mas maganda pa ako sa kanya.

Minsan natatakot na ako para sa sarili ko, makakapag asawa pa kaya ako? Pero ang tanging pumapasok lang sa isip ko na nagbibigay sa akin ng confidence ay dahil sa bata pa ako. 1st year college ko pa lang. Maraming taon pa ang lilipas. At maraming lalaki pa ang makakasalubungan ko, hindi dapat ako mawalan ng pag asa.

**

" Ewan ko naman sa iyong ewan ko kung matanda o dalaga dahil dyan sa itsura mo. Sweet sixteen ka palang ngarag na ngarag ka na. Jusmiyo, muka kang manang kung manamit, di ka marunong mag ayos ng sarili mo. Pano ka magkakaboyfriend niyan?"

Ang sakit sa tenga ng pinapanood kong pelikula. Shet. Relate na relate ako. At ewan ko ba sa mga paa ko at parang may sariling buhay at bigla akong hinila papunta sa life-sized mirror para tignan mula ulo hanggang paa ang sarili ko...

Maganda naman ako ah...yata.

Ba't kaya ganun? Gandang ganda naman ako sa sarili ko kapag nandito ako sa bahay pero kapag nasa school na, nagiging ewan na ako. Out of place kumbaga. Isang University ang pinapasukan ko kaya hindi lingid sa kaalaman ng lahat na marami at halos lahat ay magaganda at modernong moderno ang itsura, kung isasali nga ako sa hilera nila baka magmukha akong Ina nila eh, ganun na yata katanda ang tingin nila sa akin.

Sa totoo lang, ako ang pinakabata sa mga kablock ko sa College. Pero kapag tinatanong nila kung ilan na ang edad ko, 16 ang sagot ko pero hindi nila iyon matanggap at nagdududa sila sa sagot ko. Ganun na ba talaga ako ka ngarag?

February 13 ngayon. Bukas araw ng mga puso at araw ng mga ampalaya kasama na ako.

As I have passed the gate isang malaking pinagpatong patong na karton na tinakpan ng mga cartolina at may nakalagay sa taas nito na 'Wall of Love', I suddenly smiled, imagining my name sa isa man lang sa sticky note na nakadikit doon, na may nagkoconfess sa akin pero as the wind slapped my face, bumalik ako sa realidad, nagdedaydream na naman ako ng isang bagay na imposibleng mangyari.

Maraming grupo ng mga college students ang nakatayo sa harap ng 'Wall of Love' at matiyagang inisa-isa ang mga sticky note na nakadikit dito. Meron pa akong narinig na tumili at tuwang tuwa sa nakita. Dahil sa pagiging eager ng curiosity ko na makita ang dahilan ay nagmadali akong lumapit at tinignan ang itinuturo niya sa mga kaibigan niya. Nakibasa na rin ako.

'Hey baby. Tomorrow is our anniversary, I love you so much.

- Jasper Co

Napalunok ako pagkabasang pagkabasa ko sa nakasulat at napangiti. Ang sweet, meron pa palang ganyan ngayon?

Iginala ko ang paningin ko sa iba pang notes na nakadikit at napatawa sa isip ng makita ang malaking 'NO FOREVER' na isinulat sa bawat sticky note. Talagang gumastos ang bitter na yan para lang maidikit iyon? Well, each note cost 5 pesos. Pati ito pinagkakakitaan na rin.

As I read every note, parang lumalaki ang puso ko at parang namamasa masa ang mata ko. Naramdaman ko na lang ang isang patak ng luha na galing sa left eye ko. Sabi nila kapag sa left eye daw unang tumulo ang luha, sinseridad ang ibig sabihin.

Oo sincere ako. Sincere akong naiinggit sa bawat babaeng nilalaman ng mga sticky note.

Kelan naman kaya darating ang araw na may magmamahal sa akin?

SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon