Chapter 30

2.5K 79 16
                                    

"Anong gusto niyo sa akin? Wala akong pera."

"Gusto namin ang katawan mo pero naghihintay pa kami sa utos ng boss namin, sayang lang gusto pa namin kitang kainin na."

Hindi ko makita ang mga taong kausap ko kasi nakatakip ang mata ko at nakagapos ang katawan ko sa upuan.

"Pahawak na lang muna, miss. Wala naman sinabing bawal kang hawakan e."

May humawak ng bibig ko kaya hindi ako makapagsalita. Sumisigaw na ako pero tawa lang ng mga lalaki ang narinig ko.

"Ayos. Ang kinis."

Sumisigaw ako nang maramdaman ang kamay ng lalaki sa hita ko. Magaspang iyon medyo malaki ang kamay.

"Manahimik ka nga! Hinawakan ka lang naman," may panggigil na saad ng lalaking may hawak sa bibig ko.

"Hmmppp."

Sigaw ako ng sigaw nang may maramdamang dila na lumandas sa hita ko. Gusto ko ng umiyak pero ayaw kong ipakita sa kanilang mahina ako.

"Masaya 'to miss. Hindi mabibigo sa amin kasi daks kami."

Nandidiri ako sa pinagsasabi nila. Nasasaktan ako kapag gumagalaw ako. "Iwan niyo na raw muna 'yan. Kain na tayo. Si boss na raw ang bahala sa babaeng 'yan."

Huminga ako ng malalim dahil sa hindi kaaya-ayang amoy na kamay ng lalaking tumakip sa bibig ko.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Tahimik ang buong paligid. Wala akong naririnig kahit ingay na kaluskos. Walang aircon o kahit electric fan man lang.

Basang-basa na ako sa pawis. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero parang nagkasugat iyon dahil ang sakit na.

Adrian...

Hindi ko alam kung anong oras na pero base sa narinig ko kanina ay siguro alas siyete na ng gabi.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya naging alerto ako. Narinig ko rin ang paghila niya ng upuan papalapit sa pwesto ko.

"Sino ka?"

Wala akong narinig na sagot mula rito. Sinubukan ko ring amoyin ang pabango niya kung sakali para magkaroon ng ideya kung babae ba siya o lalaki pero wala akong naamoy.

Kumakalam na ang sikmura ko at naramdaman ko naman ang pagsubo nito sa bibig ko.

Subo lang siya ng subo. "Mabibilaukan na ako," mahinang sabi ko. Takot na baka magalit ang sumusubo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin.

"Salamat."

Bumalik na siya sa pagsubo sa akin. Sinubukan kong igalaw ang ulo ko para maramdaman ang balat niya pero alerto ito.

Matapos kumain ay tahimik akong nakikiramdam sa paligid. Inaantok na ako pero hindi ko kayang matulog ng mainit.

Basang-basa na ako ng pawis. Parang pwede nang pigain ang damit ko sa rami ng pawis ko.

"Dahan-dahan daw sabi ni boss. Baka malagot tayo nito."

"Saan niyo ako dadalhin?" tanong ko sa kanila. Tinatanggalan na nila ako ng tali pero nakatali pa rin ang kamay ko sa likod.

"Ang ingay mo naman. Ang ingay mo siguro sa kama ano? Ang sarap sigurong maglabas masok s---"

"Tama na iyan, baka marinig ka ni boss. Malalagot pa tayo," putol ng isa.

Tahimik akong nagpapasalamat sa lalaking iyon. Ang bastos ng bunganga ng isa. Siya rin iyong humalik sa hita ko kanina.

"Bilisan mo. Baka mamaya sa sahig ka pa patulugin."

Gusto kong magreklamo na masakit ang paa ko. Parang nagkasugat na rin iyon pero hindi ko magawa kasi hawak ako ng dalawang tao at hini-hila nila ako.

"Saan daw ba matutulog itong babaeng ito?" tumigil muna sila saglit pero nakahawak pa rin ang dalawa sa magkabilang kamay ko.

"Hindi ko rin alam. Akala ko ba ikaw ang kausap ni boss kanina?"

Natahimik silang lahat. "Okay boss."

Hinila na naman nila papasok sa isang malamig na kwarto. "Ako na ang bahala. Papaliguan ko pa siya," singit ng isang babae base sa boses niya.

Narinig ko ang mahinang pagtutol ng mga lalaki at ang mga bulungang sana ay sila na lang ang magpapaligo sa akin.

"Tanggalin niyo muna ang tali sa kamay niya."

Nabuhayan ako sa sinabi ng babae. Hindi maitatago ang sayang naramdaman ko. "Hawakan niyo siya sa magkabilang kamay. Ayusin niyo at higpitan para matanggal ang takip sa mata."

Hindi lang dalawa ang may hawak sa magkabilang kamay ko kung hindi apat. "Sandali," pigil ko.

Ibaba na sana nila ang suot kong short. "Babae rin kami. Hindi kami maiingit sa kung anong meron ka kasi mayroon kami," iyon lang ang sabi ng babae at tuluyan ng binaba ang short ko.

Sinunod nila ang pang-itaas na damit ko hanggang sa tuluyan na akong walang saplot.

"Iyong posas isuot na."

Isang kamay lang ang pinosasan nila pero narinig kong ikinabit nila iyon sa kama.

"Maayos ka ng makakatulog niyan."

Pagkatapos ng ginawa nila sa akin ay iniwan na nila ako. Dahan-dahan kong tinanggal ang blindfold gamit ang kaliwang kamay ko.

Wala akong makita kung hindi dilim lang. Madilim ang buong paligid. Sanay na ako sa dilim kaya hindi na ako natakot.

Nang tumagal ay medyo malinaw na sa akin ang buong parte ng kwarto. Isang simpleng kwarto lang ito. Hinila ko ang makapal na kumot para itakip sa katawan ko.

Hinahanap kaya ako ni Albert ngayon?

Hinahanap kaya ako ni Adrian?

Malabong sagutin ang panghuling tanong ko. Parang noong isang araw lang ay ang umaayos na ang samahan namin tapos ngayon nawala naman.

"Bwisit na Kimdrea."

Hindi ko alam kung bakit at anong meron sa babaeng iyon bakit ang dali lang magbago ng mood ni Adrian dahil sa kaniya.

"S-Sino ka?" takot kong sabi ng biglang may nagpakitang tao sa gilid. Hindi ko iyon namalayan kanina. Itim lahat ng suot niya at parang may suot itong mask na tumatakip sa buong mukha niya.

"A-Anong gusto m-mo sa'kin?"

Umupo ako at siniksik ang katawan sa headboard ng kama. Hindi ito nagsalita at lumapit lang sa akin.

Pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang pagposas niya sa isang kamay ko at pagtakip sa mga mata ko.

"H-Huwag po."

Kumunot ang noo ko ng maramdaman ang kamay nito sa paa ko.

'Band-aid?'

May nilagay siya sa paa ko at alam kong band-aid iyon. Sinunod niya ang kamay ko. Hindi na masakit ang kamay ko kahit na kumilos ako dahil hindi ito masikip at leather ang gamit nitong posas.

Nagulat ako ng halikan niya ako sa leeg.

"Good night, my lady."

Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon