Prologue

0 0 0
                                    


Sometimes, someone comes into your life, so unexpectedly. Takes your heart by surprise, and changes your life forever...



May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo makakalimutan. Katulad ngayon, unang simula nang panibagong pahina nang buhay ko. Ako nga pala Heaven Serenity Montebello isang 1st year High School Student.



Hindi inaasahan nang lahat ang pag-ulan ngayon kaya tumatakbo nalang sila kung saan may masisilungan. May park malapit sa School namin kaya dun ako pumunta para sumilong muna, maaga pa naman eh.




Pagkarating ko sa waiting shed nang park ay medyo nabasa ako kaya pinagpagan ko ang uniform ko at pinunasan ang buhok ko na nabasa sa ulan kanina. Naglakad ako malapit sa gitna ngunit, may nakita akong hindi ko inaasahan...




Our eyes met. Hindi ko namalayan na nakatitig na ako sa kanya kaya nag-iwas ako nang tingin. At sa palagay ko ganoon din siya.




"Bigla nalang bumuhos ang ulan"




Nagulat ako ng bigla siyang magsalita... Napatingin ako sa langit, tama siya bigla na nga lang bumuhos ang ulan.



Mga mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na darating, minsan nga iniisip ko nalang na baka pinaglalaruan tayo nang tadhana kaya ito nangyayari.




Nakakailang ang nangyayari ngayon, nakatayo kami sa magkabilang gilid nang waiting shed at nakakabinging katahimikan ang bumalot samin.




Sumulyap ako sa kanya at nag-iwas din nang tingin nang bigla siyang lumingon sakin. Ang bilis nang tibok nang puso ko kaya binaling ko nalang sa iba ang tingin ko, napako ang tingin ko sa isang flyers na galing sa school namin. May school event na gaganapin sa school, isang festival ang isinagawa nila para sa amin. Umaga magsisimula at gabi naman matatapos ang festival.





"Kaiser! Pupunta ka ba sa School festival?" Bigla naman akong namula nang lumingon siya. Haisstt dapat hindi ka na nagsalita eh! Baka ano pa ang isipin niya!




"Hindi ko kasi alam kong sasama si Ayumi eh, nahihiya naman akong tanungin siya." Dagdag ko pa sabay yuko, bakit hindi ako makatingin sa kanya ng maayos? Haiisstt bakit ba kumakabog nang malakas ang dibdib ko?




"Ang mabuti pa, gamitin mo muna ito" saad niya at may nilagay siyang damit sa ulo ko. "Baka sipunin ka eh, ipandong mo muna yan sa ulo mo." Dahil malapit siya sakin ay mas lalo akong namula at hindi makatingin sa kanya. Ano ba heart! Stop na!





"P.E uniform ba toh?" Tanong ko nang mapansin ko ang damit na nasa ulo ko.





Tumango siya, "Wag kang mag-alala hindi ko pa naisusuot yan... ni minsan" sagot niya na ikinagulat ko.





"Ano?! Ni minsan?, hindi mo pa ginamit toh?" Gulat na tanong ko. Imbes na sagutin ako ay tumawa lang siya.





Hindi ko alam pero mas lalong tumibok ang puso ko, parang slow mo ang pagtawa niya sa harap ko. Hindi ko nanaman namalayan na nakatitig nanaman ako sa kanya kaya umiwas na ako nang tingin.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Best PartWhere stories live. Discover now