Chapter 7

5 0 0
                                    

Chapter 7


Kinabukasan ay maaga ako gumising. Actually nauna pa nga ako sa naka-set na alarm. 7:00 am in the morning ay gising na ako para makapaglinis ng bahay. Wala namang iba ang gagawan no'n kung hindi ako. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay iaasa ko kay lola lahat. Kung kaya ko naman gawin bakit iaasa ko pa sa iba?

I set again my alarm at 9:00 a.m dahil mabilis lang naman ako gumayak ay sapat na oras iyon para maghanda. Habang hinihintay ang oras ay namili muna ako ng susuotin and I decided na magsuot nalang ng plaid fitted skirt na may partner na knitted polo at white converse.

Kinuha ko ang phone ko para patayin ang alarm nang makita ko ang date sa araw na ito. How dare me to forget the date today?

It's freaking August 31. Today is Christoff's birthday!

I'm doomed. I don't have any presents for him.

No wonder why he wants to go somewhere today. Before anything else I got myself ready before Christoff's arrival. Nakakahiya dahil may usapan kami tapos hindi ko tutuparin ang set time. At exactly 9:50 I'm already done. Narinig ko na kausap na ni Lola si Christoff kaya basta-basta na lang ako kumuha ng sling bag sa bag rack ko.

"Good morning everyone!" bati ko sa kanila pagkalabas ng kwarto. Kaagad naman na napunta ang mga mata nila sa akin "Wow dalaginding na ang bebe" bati naman ni Christoff habang may ngiti sa mga labi. I just rolled my eyes at him.

"Mga apo halika nga kayo" sabi ni lola habang pinagtabi naman kami ni Christoff samantalang nagkatinginan kaming dalawa tila nagtataka

"Bakit po lola?" I asked her

"Ang ganda niyo tignan kapag magkasama. Mula noon hanggang ngayon. Kahit ngayon na lang ulit kayo nagkita ay hindi nagbago ang trato niyo sa isa't-isa"

"Syempre naman lola. Forever na ata kaming ganito kahit hindi kami magkita ng isang daang taon" he said while messing up my hair

"Tanga! Naaganas ka na 'non!" sabi ko naman sa kanya at tanging kami lang ang nakarinig. May pagkabobo rin minsan ang kaibigan ko na'to

"Bobo, kahit nasa ilalim ng lupa ganito pa rin gagawin ko sayo!" he said

"Tse,manahimik ka.Tara na nga!" I said before I stuck out my tongue at him.

"Lola alis na kami babye po!" Christoff said at nagmano kay lola habang nakatingin sa amin at nakangiti. Habang ako naman ay ngumiti kay lola

Naglakad kami sa sakayan malapit sa school dahil doon maraming nakaparadang tricycle. Christoff just wore a plain blue polo and a short with white vans. Malinis siya tignan kapag ganito ang hitsura niya samantalang dati dugyutin siya. Kidding aside.

"By the way thanks for the pasalubong" I thanked him before I forgot "You're always welcome my dear pet" he said kaya sinapak ko ang likod niya 

"Aray naman bwisit,nagbibiro lang eh" pagrereklamo niya "Ano naman gagawin natin sa mall ngayon?" I asked as we sat down at the motorcycle "Watch a movie? Play? Eat? Whatever you want" he said

"Bakit ako? Ako ba ang may birthday?" takang tanong ko sa kanya

Natigil siya at unti-unting lumingon sa akin habang may nabubuong ngiti sa mga kanyang labi.

"You remembered?" he asked "Aba oo naman ano ako matanda para makalimutan?" I said kahit naguilty ako nang kaunti dahil totoo namang nakalimutan ko.

Again he smile and shook his head. Ang cute ng bestfriend ko ang sarap ibaon sa lupa.

"Akala ko nakalimutan mo na eh" sabi naman niya "Wala akong kwenta kung nalimutan ko" sabi ko habang nakatingin sa kanya

"Wala ka naman talagang kwenta" he said that's why I reached his hair at sinabutan ko siya "Stop Amelie, nagbibiro lang ako" he said while holding my hands in his hair. I tightened the tweak on him one last time

One Last Song (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon