37

21.1K 633 61
                                    


a/n sorry sa mga errors and wrong grammars

Happy Pride Month🤗🏳️‍🌈
______________________________________

No one likes being a bad guy and no one wants to hurt another person but in my case it seems like I am.. Inaamin ko may pagkakamali din ako 'cause I kinda lead her on, it's not my intention to give her false hope nor hurt her feelings.

Mali ba ako kung nagpakatotoo lang naman ako sa nararamdaman ko?

Sabihin na nating nagmahal lang yung tao pero hindi ko rin kayang diktahan ang sarili ko kung hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kung ibigay. I really admire her pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya... I understand kong hindi niya pa ako mapapatawad pero nakakalungkot lang dahil hanggang ngayon umaasa pa rin akong magkakausap ulit kami.

"hoy! tulala kana naman" napadaing ako ng pitikin ni nicole ang ilong ko. Ano na naman kaya ang ginagawa niya dito


"aww! ano na naman ba ang ginagawa mo dito? wala bang pagkain sa bahay niyo kaya dito kana naman makikikain... sabihin mo lang at ipapa ampon kita kay mama" nakita kong binubuksan niya ang mga nakatakip na mga pagkain sa lamesa at ng hindi makuntento ay talagang binuksan pa ang ref. Ano ba ang pinapakain nila tita dito parang laging gutom eh, hindi naman tumataba.


Magkasabay namang bumaba si mama at si ate cass na papungas pungas ng mga mata and as usual madaling araw na naman umuwi.



"tita oh! inaaway na naman ako ng anak mo.. sabihin ko lang daw sakanya na ampunin niyo na daw ako"



Blag!


"hala! ayos lang po kayo tita?"

"ma?" mabilis ko siyang dinaluhan dahil nasagi niya yung vase sa may hagdan na ikinasanhi ng pagkabasag nito "ma?" tawag pansin ko ulit sakanya dahil tulala lang itong nakatingin sa basag na vase habang si ate cass ay nakatingin lang samin at wala kang mababasang emosyon sakanya



"h-ha? oo naman.. kukuha lang ako ng walis"



"ako na po ma" parang wala sa sariling tumango si mama bago ito inaya ni ate cass papuntang kusina na hindi manlang ako tinapunan ng tingin na isinawalang bahala ko nalang din dahil baka masama lang ang gising.


Kinuha ko ang walis bago sinimulang linisin ang mga nagkalat na piraso ng vase "psst!" napatingin naman ako kay nicole at ang bruha nakapangalumbaba lang ito sa may hagdan habang pinapanuod ang ginagawa kong paglilinis..


"ang weird nila tita at ate cass pansin mo ba?"


"paano mo naman nasabe?" nakataas kilay kong tanong sakanya "ewan but I can feel it through my beautiful skin, parang may something hmm.... hindi ko lang matukoy kung ano, yung reaksyon kasi ni tita parang nakakita ng multo.. tapos si ate cass parang nakakapanibago ang pagiging tahimik niya lately"

Panigurado nakalimutan na naman niyang inumin yung gamot.. para kasi siyang tangang nag iisip habang hinihimas yung invisible mustaches niya sa baba, lakas talaga ng saltik nitong babae na 'to. Huwag tularan!

"alam mo nicole imbes na magdaldal ka jn bakit hindi mo nalang ako tulungan dito para naman may ambag ka sa lipunan... daldal ka ng daldal jn eh, mabuti sana kung nakakatulong yang mga pinagsasabe mo" sweet talaga akong tao sa totoo lang pero pag dating sakanya nagiging demonyo ako

"bakit kasali ang lipunan?! atsaka ang sabi ko feeling ko lang... ang pangit mo na nga tapos ang pangit mo pang ka bonding tsk!" binatokan ko ito pagkatapos ay binigay sakanya ang walis dahil kukuha ako ng dustpan "babalik din ako kaagad, siguraduhin mong walang matitirang bubog sa sahig ha" pinandilatan ko siya ng mga mata ng makita kong magdadabog pa sana ito.


𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon