Kabanata 25: Tracked
"Your girlfriend is intelligent." Namamanghang wika ni Tito Adam habang nakatingin kay Ylona.
"Tito, cut the girlfriend thingy. I would rather stay single than to be with that stupid bitch." Mataray na sagot ni Ylona kaya palihim akong natawa.
Kasalukuyan naming pinag-uusapan ang planong ginawa ni Morill. Kinuwento ko lahat ng napagdaanan naming dalawa ni Iana. Hindi ko pa rin mapigilang mapamura sa isip ko habang kinukwento ko sa kanila ang planadong kasal na nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Julius.
"About Mr. Franklin Cahill's case." Julius stopped and looked at Ylona.
Ylona nodded her head gently. "Ako nga 'yung babaeng nilapitan ng isang staff na babae na nagtatrabaho sa bar. Ginawa ko 'yon para sana kunin 'yung tumbler niya na may lason." Pagbibigay niya ng eksplenasiyon.
"Paanong nagkaroon ng lason sa tubig ni Mr. Cahill?" Nagtatakang tanong ko kay Ylona.
"May isa pang lumapit na nakahoodie sa kotse ni Mr. Cahill. Black hoodie, black jeans at black face mask. Sa palagay ko ay lalaki 'yon dahil sa tindig at sa kaniyang broad shoulders." She stopped. "Nakita kong may nilagay siyang isang liquid form na lason sa tumbler nang mabuksan niya ang kotse."
Tumango ako. "Nang matagpuan siya sa crime scene ay may kupil ang kaniyang kotse at may marka rin sa kaniyang leeg na parang sinakal ito. May kinalaman ka ba do'n?"
Tumango ito sa akin. "Itatapon ko na sana ang tumbler niya, ang kaso, muntik na akong makita ni Mr. Cahill kaya nagtago na lang ako sa may baba ng backseat. Nang mapansin kong iinumin na niya ang tubig niya, agad akong nagpakita. Nagulat siya kaya naitama niya ang kotse niya sa may isang puno. Nag-agawan pa kaming dalawa sa tumbler kaya may gasgas ang kotse niya. Nang tuluyan na niyang naagaw sa akin ang tumbler ay agad niyang nilagay ang bukana ng tumbler sa kanyang bibig kaya wala akong choice kung hindi ang sakalin siya."
Oh, that explained, why. And, I forgot to discuss it with Iana. Mabuti na lang talaga at nandito si Ylona.
"And, oh! Kaya wala kayong nakuhang CCTV footage sa taong tinutukoy ko ay dahil sa akin." She chuckled. "Naunahan ko kayo. Pasensya na."
Napailing na lang ako. Isa rin itong mabilis magbago ng mood.
"At pasingit, 'yung nalaman mong namatay si Mr. Cahill, hindi ba't bagong dating lang ni Iana at kaaalis ko lang?" Tumango ako sa kaniya nang maalala 'yon. "Wala lang. Pinaalala ko lang."
Inirapan ko siya. Bwisit.
"Ang bilis mo namang magawa 'yon." Komento ko.
"Dumiretso agad ako ng bar nang makaalis ako sa bahay ni Iana. Kaso, nagpalit muna ako ng hoodie sa may eskinita dahil mukhang kahina-hinala ang suot ko no'n." Wika niya. "At, nang bumula ang bibig ni Mr. Cahill, nag-panic ako dahil hindi ko alam ang gagawin kaya mabilis akong bumaba ng kotse niya."
"On Ms. Gajez's case--"
"Naaalala mo pa ba 'yung nag-akusa sa akin na babae bilang magnanakaw, Harwell?" Baling sa akin ni Ylona.
Napasinghap naman si Julius dahil pinutol ni Ylona ang kaniyang sasabihin. Tahimik namang nakikinig sa amin si Tito Adam at para bang ang lalim ng iniisip niya.
I nodded.
"'Yung babaeng 'yon ay galamay ng taong kinakalaban natin. Planado rin ang nangyari sa amin sa isang fast food chain. Nakumpirma ko ring siya ang pumatay kay Ms. Naranjo. Inutusan lang daw siya dahil papatayin daw ang buong pamilya niya kapag hindi niya ginawa 'yon." Litanya ni Ylona. Napatitig ako sa kaniya nang napayuko siya. "About Ms. Gajez's case, I don't know."
BINABASA MO ANG
Trapped
Mystery / Thriller"If being in hell is the only way to be with her, then I am pleasure to suffer hell every single day." -Police Officer Allison Harwell Allison Harwell, a sage Police Officer who solved several crime cases. A determined Police Officer who doesn't kno...