KABANATA 22

699 31 1
                                    

--Sacha--

NANLILISIK ang mga mata niya habang nakatingin kay Tanner.
Well, wala naman sigurong matutuwang malaman na ang lalaking mahal mo ay pinag-planuhan patayin ka noon. Nakaka-shit talaga!

Pinaliwanag lahat-lahat ni Tanner mula umpisa. Six years ago, they didn't met coincidentally. Naroon talaga ito nakasunod sa kanila ni Fuji at nagkataon lang na hinarang niya ito sa daan upang hingian ng tulong.

Wala siyang kamalay-malay, nagmukha siyang tangang na love at first sight sa gagong ito. Huminga siya ng malalim saka marahan humiga patagilid sa kama, patalikod sa binata.

"is it you, right?--'yun muntikan na ako mabaril sa safe house ko. You hired a sniper to kill me."
mahinang sabi niya.

Hindi sumagot si Tanner. Silence means yes. Napakuyom siya ng kamay.

"I-Im really really sorry baby. That time hindi pa kita masyado kilala--sobrang determinado lang akong magawa lahat ng plano ko..I just want revenge..gusto ko lang mamatay si Don Luis, gusto ko lang makuha ang LA EME--"
puno ng lungkot na paliwanag ni Tanner sa kanya.

They both want a revenge, pero ang sakit lang kasi--pumayag lang pala ito maging boyfriend niya para makuha ang tiwala niya nang sa gayon madala siya nito kay Don Luis upang tuluyan maisakatuparan ang plano nito.

"--after the wedding, anong nilagay mo sa wine? anong balak mo sana sa'kin?"
patuloy na tanong niya.

Narinig niyang bumuntong hininga ang binata. Naramdaman din niyang lumundo ang kama.

"I put some sleeping pills. Balak ko dalhin ka kay Don Luis--but I swear, wala na akong balak patayin ka..wala akong balak saktan ka."
mariin sabi ni Tanner.

Napabalikwas siya at humarap dito.
"Parehas lang 'yun! anong mangyayari once nadala mo ko kay Don Luis? As if magpapa-welcome party siya para sa'kin. He will surely kill me."
paangil niyang sabi.

Umiling-iling naman si Tanner.
"N-No. That's why I married you. Para hindi ka niya masaktan. Look--all I wanted is for him to die..and took the supremacy of LA EME. Now, that he's already dead. Wala nang dahilan para ipahamak kita. Wala nang rason para maglaban pa ang White Fence at LA EME. Whatever happened in the past--will forever stay in the past."

Hindi niya mapigilan maging emosyonal. So, yun lang ang dahilan nito sa pagpapakasal sa kanya. Shit! Kayang-kaya niyang patawarin ito kung sasabihin lang nito mahal siya nito kaya ito nagpakasal sa kanya. Napaka-hangal ko para umasa pa na parehas sila ng nararamdaman.

Wala siyang masabe. Pakiramdam niya nag-internal bleeding siya, umiiyak ang puso niya. All along one sided love pala ang napasukan niya. She deeply sighed and lay down again. Napapikit siya, pinipigilan niya ang luha. Ayaw niyang umiyak, hindi na siya iiyak. Buntis siya pero hindi siya bobo para umiyak sa harapan ng binata.

"--baby? you are my future now. you and our baby."
mahinang usal ni Tanner saka marahan din nahiga at niyakap siya.

Nakayakap ito mula sa likod niya habang ang isang kamay nito nakapatong sa tiyan niya.

"its triplets--"
maikling sabi niya.

Bigla naman itong nagulat at mabilis na lumipat ng pwesto sa harap niya. Nakaawang ang labi nito at tila namamangha nakatitig sa kanya at sa tiyan niya.

"For real? Oh god!--"
bulalas ni Tanner.

Tuwang-tuwa ito napasuntok pa sa hangin na para bang naka-three points sa last two minutes sa basketball.
Shooter ang animal!

Napangiti siya. Hindi niya inaasahan ang ganoon reaksyon nito.

"I'm so happy, baby..very happy..thank you for keeping our babies safe.."
maligayang-maligaya ang mukha nito.

Nagkibit balikat na lamang siya at kiming ngumiti.
Muling nahiga si Tanner sa tabi niya, this time nakatagilid ito paharap sa kanya. Itinungkod nito ang braso sa ulo nito saka namumungay ang matang nakatitig sa kanya habang ang isang kamay naman nito na busy humihimas-himas sa umbok ng tiyan niya.

"Stop staring at me--"
she hissed at him.

Nailang kasi siya bigla dahil sa titig nito.

"Why? you look so cute, baby."
ngiting-ngiti saad nito.

Umingos siya at pinatirik ang mata. Cute? ngayon cute na lang siya dahil ang taba-taba na niya. Bigla siyang nainis sa binata.

"I'm fat! I'm cute because I'm overweight!"
gigil na sabi niya.

Lalo naman siyang nainis nang malakas na tumawa si Tanner at mariing pinisil ang pisngi niya, tinabig naman niya ang kamay nito.

"Of course, baby--you're pregnant. But it doesn't mean you are not beautiful anymore...you look awesome, baby."
paanas na bulong ni Tanner.

Sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha niya. Sumimangot siya, kahit ano pang sabihin nito hindi pa rin maikakaila na sobrang taba na niya. Ngunit, may isang bahagi ng puso niya ang nasiyahan sa sinabe ni Tanner.

Huminga siya ng malalim. He just nice to me because I'm pregnant. Kung noon nga na sexy siya hindi siya ang type ng binata, ngayon pang sobrang laki na ng pinagbago niya..mas lalong malabong mahalin sya nito.

Isang dampi sa noo ang iginawad nito sa kanya.
Napasulyap naman siya sa labi nito, biglang nanuyo ang lalamunan niya. Gusto niyang halikan ito pero pinipigilan siya ng hiya. Please kiss my lips!
Subalit, imbes halikan siya sa labi umuklo ito at dinampian ng halik ang tiyan niya.

"Wake up little buddies--Dada is here, Im so excited to meet you babies."
pabulong nito wika sa tapat ng tiyan niya.

Kahit papaano bahagyang nawala ang inis niya. Napaigik naman siya ng biglang gumalaw ang tiyan niya. Tanner felt that, he looks so amazed and genuinely happy. Mukhang natutuwa ang mga babies sa loob ng tiyan niya dahil narinig ng mga ito ang boses ng daddy nila. She can't help it but to smile.

She softly laughed when Tanner do some baby talk while caressing her tummy.
Saglit naman silang natigilan ng bumukas ang pinto ng silid niya.

Si Katalin. Nakangiting pumasok ito. Kaagad naman naging alerto si Tanner at hinarang ang katawan nito sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Is there's something happened?

"I tell you--If you hurt Sacha, I'll be your worst walking karma."
matalim na bigkas ni Tanner kay Katalin.

Ano ba talaga ang nangyayare? usal niya sa isip. Hindi siya makahuma.
Mabagsik ang anyo ng mukha ni Tanner tila handang sumabak sa gera.

Katalin looked at Tanner and smirked.
"Should I be threatened?"

"Why? you feel threatened? You wouldn't want to mess with me."
matigas na sabi ni Tanner.

Pero mukhang hindi naman nabahala si Katalin. Bagkus, nakangiti lang ito at matamam nakatunghay sa kanila.
Maingat siyang bumangon sa kama at umupo ng indian sit. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa.

"Is this drama really necessary?--"
sarkastikong wika niya habang nakangiwi ang mukha.

Kailangan niya ng konting linaw. Kasi konting-konti na lang at puputok na ang tiyan niya. Nais na niyang umuwe at baka pinaghahanap na siya nila Zeki.

Humarap naman sa kanya si Katalin.
"I have a confession to make--"
seryosong sabi nito sa kanya.

Bakit ba bigla siyang kinabahan sa confession nito?

화͙이͙팅͙ ୧( “̮ )୨✧

REAL THING [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon