“ Hindi ka gusto ng daddy ko... At ipapakasal na niya ako sa iba... Pero ikaw ang mahal ko! Please. Pakinggan mo naman ako! ”
Yan ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan. Pati na rin ang luhaan niyang mag mata. Kaya sa gabi ding iyon ako nagpakalasing, para makalimutan ng panandalian ang sakit na dulot na mag salitang binitawan niya. Ngunit pati sa pagtulog ay siya ang napapanaginipan ko.
“Oh kuya gising ka ana pala. Masait ba ang ulo mo? Sabi kasi ni kuya Aldrick kagabi nung inihatid ka niya ay madami ka raw nainom na alak. Ano ba kasing problema mo kuya?” Sabi ng kapatid kong si Nicka na agad nagpa-alala sakin kung ano ang mangyayari ngayon.
“Anong oras na?” sabi ko. At nagmadali akong nagbihis kahit na parang minamaso ang ulo ko sa sobrang sakit.
“Mag-aalas – O san ka pupunta kuya?” Aniya.
Takte!!!
Nagdalawang-isip pa akong sagutin ang tanong niya, masyadong masakit at sobrang napalapit siya sa kanya kaya alam kong masasaktan ng sobra ang kapatid ko sa oras na malaman niyang...
“Ikakasal na ang ate Lia mo.” Sagot ko na siyang nagpaigting na aking mga panga dahil sa mga ala-alang nanumbalik sa aking isipan. Napatigil siya bigla.
“Ha?! Akala ko ba – Kanino Kuya?! At tsaka... Bakit?!” Gulat na gulat at halos maiiyak niyang tanong habang sinusundan niya akong palabas n gaming bahay. Dumoble ang kirot sa puso ko dahil sa reaksyon ng kapatid ko.
“Kay Francis,”
Hindi ko na nakita pa ang reaksyon niya sa taong binanggit ko dahil pinaharurot ko na ang kotse ko. Shit. Kailangang umabot ako.
Ngayon ko lubos naintindihan ang lahat nang sinabi niya kagabi. At sobrang nagsisi ako sa aking desisyon. Sana sinunod ko na lang ang kagustuhan niyang magtanan kami. Sana ipinaglaban ko siya. Pero naisip ko ang mag magulang at kapatid na iiwan ko. At hindi ko rin maibibigay sa kanya ang nakasanayan niyang marangyang buhay. Kumbaga, langit at lupa ang pagitan namin. Dahil kahit kalian hinding-hindi ko mapapantayan ang yaman ng pamilya niya. Ginawa ko ang lahat para matanggap nila ako. Pero sadya atang bato ang puso ng pamilya niya, ng taong mahal ko. Hinusgahan nila ako.
Inisip ko na ang lahat ng ito kagabi at ung mawawala siya sa piling ko paano na ang buhay ko?! Dahil sa loob ng limang taong relasyon naming siya ang nagging mundo ko... ang buhay ko.
Pero hindi ko pa rin maintindihan ang tadhana. Bakit pinaglapit pa niya kami kung ganito rin lang ang mangyayari sa huli? At bakit sa taong pinagkakatiwalaan at matalik kong kaibigan pa niya ipinagkanulo ang babaeng mahal ko? Hindi ko yun matranggap. Hinding-hindi.
Kinapa ko ang cell phone ko par asana tawagan si Aldrick para tanungin kung saan idadaos ang kasal. Pero shit! Wala.! Naiwan ko sa bahay dahil sa pagmamadali ko kanina.
Napasabunut ako bigla sa aking buhok dahil sa inis. Hinampasd ko ang manibela. Shit! Bahala na!
Sinuyod ko ang lahat ng simbahan na maaring pagdaosan ng kasal nila, nagbabakasakali. Pero wala pa rin! Isa na lang ang nasa isip kong simbahan. Yun ay ang simbahan kung saan gusto naming magpakasal. Noon.
Itinigil ko ang sasakyan sa harap ng simbahan na ngayon ay kasasara lang hudyat na katatapos lang ng seremonya.
SHIT!!!
No... huli na aba ang lahat, ngayong handa na akong ipaglaban siya?
Nakita ko siyang nakatayo dun sa gilid suot pa rin ang wedding dress niya. At mukha siyang Masaya habang ako ay binagsakan ng langit at lupa. Pinahid ko ang takas na luha sa aking pisngi.
Aalis na sana ako dahil sa kirot na aking nararamdaman nang mapansin niya ang presensya ko. Nagulat siya at bigla siyang humagulgol habang sinasambit ang mga katagang...
“I miss you, Love. But your 25 minutes too late. It’s too late Niccolo.”
-------
Inspired by the song 25 minutes by Michael Learns To Rock. Hope you guys like it! J And also this is my first story here at wattpad. :D Please comment also if you want J
*Fe.L.B.
Jan. 18-19 & 23, 2015
BINABASA MO ANG
Too Late
Short StoryWhen will you say that you love Him or Her? When He or She is already GONE? Think twice. Before it's too late. March 02, 2015