Kapuwa kami tahimik na nakaupo sa sofa ng condo ko na parang pinapakiramdaman ang paligid. Matapos kaming magbanggaan kanina at magkagulatan na makita ang isa't-isa ay inaya niya akong mag-usap na hindi ko naman tinanggihan. Ilang minuto pa ang lumipas at mukhang wala talaga siyang balak magsalita at dahil ramdam ko ang awkwardness kaya tumikhim ako para basagin ang katahimikan.
"Uhm!" napaangat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. "So, kailan ka pa dito? as far as I know ay sa Canada ka nag-aral. How come you are here?"
He cleared his throat na tila may malaking nakabara doon sabay iwas ng tingin sa akin. "Ahm, actually doon talaga ako nag-aral sa Canada but after graduating, an opportunity came to me here, so yeah, I'm here in France."
Tumango-tango naman ako sa sagot niya. "That's good. Anyway, how's life? I bet you're a successful engineer now."
"Yeah, I've been working in a construction firm here for months na rin after I graduated. Ikaw? how are you?"
I smiled sadly. "I actually leave home to find my luck here. I'm hoping na maging successful ako dito on my own." tumango-tango ito.
"So, what are your plans? Do you want to build a clothing line? I can be your engineer. Just tell me what I can do, I'm more than willing to help you." sinserong sabi niya kaya naman ay napangiti ako. I stare at his face, mukhang wala namang nagbago sa mukha niya bukod sa nagmukha itong mature dahil sa konting balbas nito na tumutubo. Napatingin ako sa mga mata nito. Those deep eyes na parang laging nangungusap, his pointed nose na parang madudulas ang ano mang insekto na dadapo, and those lips. That luscious lips that once touches mine. I still clearly remember how soft it is.
"Ren? are you okay?" untag niya kaya naman ay natigilan ako at napatikhim. Gaga! kung makatitig ka kasi wagas! piping sisi ko aa sarili ko.
"Ah, I'm okay. Ano pala yong sinasabi mo?"
Ngumiti ito. "I'm asking you if we can have lunch together outside or puwede din dito na lang. I can cook food for our lunch."
Nanlaki naman ang mata ko. "Marunong ka? we? baka naman ma-food poison ako diyan!" sabay tawa ko.
"Just watch and see. Kapag natikman mo ang luto ko siguradong makakalimutan mo ang pangalan mo at tanging pangalan ko lang ang masasambit mo." anito at tinaas taas pa ang kilay habang ngumingisi na parang aso.
"So ano yun? may gayuma?"
Tumawa ito. "Di ko na kailangan iyon no. Patay na patay ka kaya sa kaguwapuhan ko!"
"Che! Asa ka naman. Magluto ka na nga at ng matikman yang pinagyayabang mong talent sa pagluluto!"
Natatawang tumayo ito at nagtungo sa kusina samantalang ako ay nanatiling nakaupo dito sa sala kung saan tanaw siyang nangangalikot sa kusina. I sighed. Maybe times do really change people because looking at him now, I couldn't imagine how independent he is basing from what he was when we we're young na tipong nakaya nitong mamuhay mag-isa sa loob ng ilang taon. I couldn't imagine how hard it is to live alone na tipong wala kang masaasandalan sa tuwing nalulungkot ka o nasasaktan, and I am so proud of him dahil nagbunga lahat ng paghihirap nito. Finally, an engineer by profession.
Maybe its a blessing in disguise to find him here para kahit papaano ay may makasama ako at hindi lubusang mag-isa.
Tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan niya. Kitang-kita ko na sanay na sanay na ito sa pagluluto dahil pati sa paghihiwa ay napakabilis nito. I envy him for that, ako kasi ay hindi gaanong kagaling magluto but it is edible naman kahit papaano.
"So, you're gonna cook sinigang?"
Nag-angat ito sa akin. "Obviously, ano namang gagawin ko sa kamatis, sitaw at kamote kung hindi sinigang diba?"
BINABASA MO ANG
Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)
RomanceAgatha Serene hate Kiel Mathius since they were a child. They keep on pissing each other and call themselves as 'frenemy'. Things got change when they grew up. Instead of pissing each other, they fell in love together. Its almost a happily ever afte...